My Pain, My Fault 1.2

9 0 0
                                    

This story is dedicated to juLLianne2313 Sobra ko kasing na-appreciate yung comment mo:) Maraming maraming salamat ^^

So here's the UD ...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHINELLA's POV

Nandito kami ngayon ng Orig Swaggers (name ng grupo namin) sa bar. Lagi kami dito tumatambay pag nagchachampion kami sa Dance Contest na sinasalihan namin. Katulad ng sinabi ko kanina, kaya kami nandito ay dahil nagchampion na naman ang aming grupo sa Contest. Di naman sa pagmamayabang, pero magaling kasi yung grupo namin sumayaw lalo na yung boyfriend kong si Gab ;) halos sya nga yung nagdadala samin eh.

At si Gab? Eto nag-iinom na naman, every weekend yan umiinom eh. Di naman sya ganyan 2 years ago, mabait nga yan eh. Simula lang talaga naging kami nag-iba na sya. At sa tuwing malalasing sya, lagi nyang binabanggit ang pangalan ni Leigh, minsan nga napagkakamalan pa ko ni Gab na si Leigh eh. Masakit para sakin syempre, pero ako ang may gusto nito eh. Kaya kailangan kong pagsisihan to. Kung di ko lang kasi ipinilit ang sarili ko kay Gab, baka hindi kami ganito ngayon, edi hindi sana ako nasasaktan ngayon. Kahit sila Tita Sandy (mommy ni Gab), kahit mabuti yung pakikitungo nila sakin, alam kong iba yung pakikisamang ginagawa nila sakin. Hindi katulad nung kay Leigh, na tanggap nila buong pagkatao nito. Oo, inaamin ko sa sarili ko inggit na inggit ako kay Leigh. Kaya nga lahat ng makakaya ko ginawa ko para lang mapunta sakin si Gab eh. Kaya kong gawin lahat para lang mahalin nya din ako.

"Leigh. Sorry ha? Sorry talaga Bhaby" Nabalik lang ako sa katinuan nang tawagin na naman ni Gab ang pangalan ni Leigh, lasing na sya. "Leigh" kinapitan nya ko sa balikat at niyakap.

"Gab" nanghihina at naiiyak kong sabi sa kanya. "Uwe na tayo, lasing ka na eh" umalis na ko sa pagkakayakap nya at tatayo na sana ng hilahin nya ulit ako dahila para mapalapit sa kanya.

"Wag Leigh! Wag mo kong iwan!" Medyo napalakas nyang sabi kaya napatingin samin ang mga ka-grupo namin.

"Shinel?" Napatingin ako kay dexter, sumenyas sya kung ok lang daw ako.

"Ah? He-hehe. Ok lang kami Dex. Naglalaro lang kasi kami nito ni Gab, inaasar ko kasi sya eh *fake smile* kunyare ako si Leigh" At saka ko tinayo si Gab at inakay sa balikat ko. "Babe, Let's go home. Tumawag na si tita" Buti naman at hindi na sya pumalag pa nakatulog na din kasi sya eh. "so, guys we need to go na. Hinahanap na kasi kami ni tita Sandy eh" Pagdadahilan ko sa kanila.

"Ah sige Shinel, Ingat kayo ni Gab ha" Sabi ni Luis habang kumakaway pa samin.

"Oo naman. Sige ingat din kayo guys, pag-uwe nyo"

Dumiretso na kami sa parking area at ako na ang nag-drive ng sasakyan ni Gab. Kinuha ko sa bulsa nya ang susi ng kotse nya.

Habang nagd-drive ako, si Gab tulog na tulog. Pinagmasdan ko ang muka nya, bakas sa muka nya ang kalungkutan. Nakita ko din na may pumatak na luha sa mata nya. Hay Gab ako nalang kasi, mahal na mahal naman kita eh. Lahat naman ginagawa ko para mahalin mo rin ako diba? At lahat gagawin ko para lang matutunan mo din akong mahalin. Kay Gab ako nalang, Ako nalang please?

So nandito na kami ngayon sa bahay nila. Nakita ako ni tita Sandy na akay-akay si Gab, kaya tinulungan nya ako dito.

"Oh Iha, what happened to Gab?" tanong nya ng hindi nakatingin sakin.

"Ahm, tita sorry po. Nagkayayaan po kasi ng mga ka-grupo namin dahil nag-champion po kami sa Dance Contest, di ko naman po alam na madami na palang naiinom si Gab. Im sorry po tita" sabi ko habang inaalalayan si Gab paakyat ng hagdan at papunta sa kwarto nya.

"Ah, it's okay" napatingin ako kay tita. "Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha" sabi ni tita habang naglalakad kami papasok ng kwarto ni Gab. Ewan ko, pero bigla-bigla pumasok sa isip ko si Leigh.

"Sige, iha. It's already late na din naman, umuwi ka na. O kaya dun ka nalang muna matulog sa guest room, ipapaayos ko nalang kay yaya Rosa" sabi ni tita habang inaayos sa kama nya si Gab. Di ko alam na napatulala na pala ako sa pag-iisip sa sinabi nya.

"Ah, tita hindi na po. Uwe nalang po ako. Sige po Goodnight" then nakipagbeso ako sa kanya.

"Okay Iha, Ingat" then umalis na ko sa bahay nila Gab.

----------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na ko sa bahay pero ewan ko ba kung bakit di ako makatulog. Naiisip ko pa rin kasi yung sinabi ni tita sakin kanina eh.

"Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha"

"Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha"

"Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha"

"Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha"

"Wala ka namang kasalanang ginawa sakin. So, no need to say sorry to me, Iha"

Kanina pa nage-echo sa isip ko yan. Bakit ganun? Bakit parang tinutusok yung puso ko ng milyon-milyong aspile? Syempre, Im just exaggerated. Pero, bakit nasasaktan ako? At bakit tamang-tama sakin yung sinabi na yun ni tita? Hays, naguguluhan na talaga ako.

Tinigil ko na ang pag-iisip dahil baka mabaliw pa ko nito. Ishould be proud dahil nasa akin na ngayon yung taong matagal ko ng pinapangarap na mapasaakin.

So, nagpunta na ko sa bathroom para maligo, binilisan ko na dahil antok na antok na ko at pagod na din ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So, hanggang dito nalang muna. Sorry sabaw ;)) Bawe next update ha? :)))) Next UD? Next week. Ok po ba? :)) Sige at tayo'y matulog na :D may pasok pa kasi bukas eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Chance (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon