Bringing back The Old Days ..

20 1 0
                                    

I Want To Dedicate this To you :)) ikaw yung unang nag comment eh ^^ Thank You Ulet :))))

_______________________________________________________________________________

Naglalakad ako ngayon papunta sa tambayan namin ng mga tropa ko. Kubo yon, kami ang gumawa nun para may sarili kaming tambayan. Lahat ng kailangan namin nandun na: pagkain at inumin, damit, isang malaking papag na may dalawang unan, dalawang kumot, at syempre mawawala ba naman ang alak? Iba’t ibang klase ng alak meron kami, may maliit din na ref dun. Pinag-ipunan talaga namin yun.

At dahil gusto kong mapagIsa ngayon hindi ko tinext ang mga tropa ko. Pero maya-maya din naman dadating na sila dito para tumambay. Nauna lang ako. Ayoko din gumimik ngayon nakakatamad.

Nakarating na ko sa kubo at naghahanda ng snacks at alak, tatlong beer lang kinuha ko. Para lang syempre sa sarili ko.

Eto ako ngayon nakaupo na. Tulala. Iniisip ang masasayang nakaraan. Naging ganito na ko simula nung iwan nya ko. Masakit eh. Sobrang sakit nung ginawa nya. Pinakita nya? Eh gago talaga. Psh. Naiiyak na naman ako. Eto na nga. Eto na naman umiiyak na naman ako. Naaalala ko na naman kasi yung lalaking sobrang minahal ko. At yung kagaguhan nila.

*FLASHBACK*

Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ng Boyfriend ko. Di pa kasi sya nagtetext o nangangamusta man lang. Pero alam ko naman na busy sya magPractice ng sayaw, kasi ilang araw nalang lalaban na sila. So binigyan ko sya ng time para makapagPractice kasama ng Grupo nya.

Pero gabi na 7 pass na. Di pa din sya nagtetext. So I decided na pumunta na sa bahay nila, at puntahan na sya. In fact, girlfriend nya naman ako at normal lang yun. And to make him surprise na din.

Nandito na ko. Mukang walang tao, pero bukas yung pinto at may ilaw sa loob. Kaya pumasok na ko. Kilala naman ako nila tita. So, ok lang na Makita nila ako dito sa loob ng bahay nila. Pero may narinig ako na parang may gumagalaw sa kwarto ni Gab. At di nga ako nagkakamali. May tao.

At ako pa ata ang nasurpresa sa nakita ko. Bestfriend ko? At boyfriend ko? Naghahalikan? Eh, tangina. Anung nangyare? Talo-talo na? E gago sila.

Tumigil sila sa ginagawa nila nung nakita nila ako dahil nalaglag ko yung pouch ko sa sobrang gulat.

“Leigh!?” –tawag sakin ni Gab. Bigla akong nabalik sa ulirat ko nung tinawag nya ko. Halata sa muka at boses nya na gulat na gulat sya nung Makita nya ko. Bakit? Dahil nakita ko yung kagaguhan nya? Yung kagaguhan nila nung BESTFRIEND ko.

Psh. Aalis na sana ako kasi diko na kaya. Pero ..

“Leigh. Wait let me explain” –Gab. Kinapitan nya yung braso ko at iniharap sa kanya.

Humarap naman ako at tinitigan sya. Umiiyak na ko dito. Iyak na ko ng iyak kasi sobra sobra na yung sakit na nararamdaman ko. First time ko lang umiyak sa harap ng lalaki. Grabe lang talaga.

“Leigh. Sorry, di ko naman sinasadya eh. Sorry kas--“

*PAK*

Di ko na sya pinatapos. Sinampal ko sya. Ewan ko automatic na gumalaw yung kamay ko at sinampal sya eh.

“Di mo sinasadya Gab?! Gago! Anu yon? Automatic na nagdikit na parang magnet yung mga labi nyo? Haha. Ayos ah. Bago yun!” –sabi ko habang tumatawa sarkastiko at umiiyak. Bigla nya kong niyakap pero pumapalag ako at pilit na inaalis yung pagkayakap nya sakin.

“Sssh. Sorry. Im Really sorry Bhaby. Wag ka ng umiyak. Pag-usapan natin to”

“No! Dont Bhaby Me! Wala ng dapat pag-usapan Gab! Wala na. Tama na, tapusin na natin! Wala ng patutunguhan tong relasyon na to. Kung papatawarin pa kita pwede mo pa ulit gawin yun sakin. At ikaw Shinella Marie Gamboa! Bestfriend kita diba? Pinagkatiwalaan kita pero anung isinukli mo? Inahas mo ko, inagaw mo boyfriend ko. mang-aagaw ka!”

Umiiyak pa rin ako. At nakayakap pa rin sakin si Gab. Sinusulit ko lang kasi eto na yung huli eh. Pero bumitaw na din ako.

“Let go of me!”

Tinulak ko sya. Umalis na ko ng tuluyan at iniwan sila dun.

*END OF FLASHBACK*

Umiiyak na naman pala ako dito. Dalawang taon na nakakalipas pero umiiyak pa rin ako pag naaalala ko yung mga kagaguhan nya at nung tinuring kong parang kapatid.

“Leigh”

Nagulat ako sa kung sinung tumawag sa pangalan ko. Si Shenn pala. Pinunasan ko agad yung muka ko para hindi nya makitang umiiyak ako.

“Bakit Shen?” tanong ko at umayos ako ng upo.

“May problema ka ba Leigh? Anung oras pa lang ah? Umiinom ka na”

“Ha? Wala ah. Wala akong problema Shen. I’m okay, don’t worry”

“No Leigh. I know you. Kilala kita. Hindi ka iinom kapag wala kang problema. Pero ngayon, umiinom ka .. ng mag-isa? Ghadd. Leigh! What’s your problem? Come on tell me. I’m willing to listen”

Niyakap ko nalang si Shenn. At bigla akong naiyak. Binalik nya din naman yung pagkakayakap ko sa kanya. Niyakap nya din ako pabalik.

“Ssssh. Tama na. wag ka ng umiyak” habang sinasabi nya yan mas lalo akong umiyak.

“Ang sakit Shenn. Ang sakit sakit! *sob* hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pag naaalala ko sya”

“Tama na Leigh. Don’t cry. Don’t shed a tear to a nonsense people like him. Don’t waste your precious tears for him. Wala syang kwenta. Kalimutan mo na sya. Tama na, ayokong nakikita kang ganyan Leigh” – sabi nya habang pinupunasan yung muka ko.

“Ganto na lang. Labas tayo, bili kitang ice cream ok? Tahan na ha? Tigil ka na sa pag-iyak”

At bigla naman akong natuwa nung marinig ko yun. Nakakatuwa naman kasi, kahit na ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Nagagawa pa ring pagaanin ng best friend ko yung pakiramdam ko.

“Sige Shenn! Taraaaaaa” Tumayo na ko at hinila sya palabas.

 ______________________________________________________________________________

Another UD :)))

Last Chance (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon