Ako nga pala si Janel Valderama, Janel for short. Dancer ako, alam niyo ba noong grade 6 ako hiniling ko na maging dancer ako. At eto nga, natupad ang hinihiling ko. Ngunit nahihirapan nako dahil sa tagal ng oras ng aming pag e-ensayo parati.
Simple lang naman ako, hindi ako maarte sa mukha. Di ko ginagawang palamuti ang mukha ko at nilalagyan ng kung anu-ano. Ngunit bilang isang dancer, natuto ako mag make up. Ginagawa ko lang iyon kapag may mga show kami o di kaya sinasalihang paligsahan. Mahaba buhok ko dahil kailangan daw yun sa sayaw, maputi ako. Tama lang ang height ko, pero payat ako. Maraming nakakakilala sa akin dito sa Franklin University, pero karamihan naman ay hindi ko kilala. Kilala ko lang sila sa mukha.
Sa hirap ng buhay ko sa dance club, malapit ko na itong bitiwan. Pangarap ko na matagal kong pinag hirapan na abutin, ngunit mapipigilan dahil sa hirap. Biruin mo, 6 ng umaga ang oras na pinag usapan at 8 ng gabi ang aming uwian. Masyado kaming inaabuso. Oo 17 years old na kami at kaya na namin ang aming sarili, pero hindi ibig sabihin nun ay lulubos lubusin nila kami.
Kasalukuyang nasa gym ako ngayon, 3pm na at 1pm nag simula ang aming ensayo, pero pagod na agad ako. Alam mo yung warm up palang, pagod kana? Haay!
Oo nga pala, nag e-ensayo kami ng isang sayaw para sa gaganaping MR&MS Franklin. Monday ngayon at sa friday na gaganapin ito. Kaya lubos na kaming nag e-ensayo.
Dalawa tinuturuan nung baklang nag tuturo sa amin, siguro magaling lang talaga siya mag turo kaya ang dami nag aalok sa kanya na mag turo ng sayaw dito. Yung isang tinuturuan niya para sa talent portion ng isa sa kalahok ng MR&MS, may mga back up dancer pa nga eh. Kami naman ay special number lang para kapag nag papalit ng susuotin and mga kalahok ay nag bibigay saya naman muna kami sa mga manonood.
At ngayon nga ay nag e-ensayo kami. Konti nalang, lalayasan ko na 'tong Dance Club, ayoko sana ngunit nahihirapan na ako. Buti itong baklang nag tuturo sa amin ngayon ay mukhang mabait.
After 30minutes
"Guys, break muna tayo! 30minutes nalang ha? After that last practice na tayo para matapos na natin ito at makauwi tayo ng maaga, okay? Hurry up! C'mon." Sabi nung baklang nag tuturo sa amin.
Pag katapos ay agad naman akong tumayo para puntahan ang bestfriend kong makulit, si Karen. Parehas kami makulit, pero mas maingay ako sa kanya.
"Janel! May baon akong pag kain, sorry hindi na muna kita masasamahan sa canteen. Alam mo na, makikipag usap pa ako eh.. Hahaha!" Yan nanaman ang bestfriend ko, makikihalubilo sa mga lalaki.
Pagkasabi niya nun ay agad akong nag madaling lumabas papuntang canteen, sa pag mamadali ko ay may nabunggo ako. "Araaaaay!" tumingala naman ako para makita ng mukha ng naka bunggo sa akin, nakakunot noo niya. Lalaki ang nakabunggo sa akin. Pagkakita niya sa akin ay bigla naman nag bago ang emosyon niya.
"Ahm, kuya.. Sorry po, nag mamadali po kasi ako eh. Pasensya na po." Pagkasabi ko niyan ay hindi parin siya nag sasalita, sa halip ay natulala siya at namula. "Kuyaa.. may nasabi po ba akong mali?" atsaka winagayway ko ang kamay ko sa mukha niya para matauhan siya. At *Ting* bumalik na nga siya sa katinuan. Nag sasalita na siya, pero...
"A-ahh. S-sorry J-Janel.. Sorry." Nye? Kilala niya ako, ang weirdo naman.. Bakit siya nauutal? "Ahh, osige kuya, una na ako ha? Pasensya na po ulit." Pagkasabi ko nun ay agad akong nag madali papuntang canteen. Mag sasalita pa sana yung kuya, pero umalis na ako agad.
Pagkabili ko naman ay agad na akong nagtungo sa gym upang kumain. Mabilis akong kumain, dahil ilang minuto nalang ang natitira, halos mabulunan na ako.
"Jaaaaaaaaaanel!" huh? May tumatawag sa akin? Pag kalingon ko ay nakita ko si Karen na nag sign na lumapit ako sa kanya.
"Kumakain akooo, pwede bang ikaw nalang lumapit ditooo!" Sabi ko ng pasigaw sa kanya.
"Uy Janel!" Bakit ganyan tono ng boses ni Karen? Parang may iba siyang sasabihin na hindi maganda *gulp*
"A-ahh, b-bakit? Ano s-sasabihin m-mo?" Kyaaaaaah! Ba't kailangan ko mautal?
"Bakit ka nauutal? Pinapasabi nung nag tuturo mag e-ensayo na daw tayo ulit. Tara na!" Wushuuu! Ayun lang pala... Na-paranoid lang ako, bayaan -__-"
"Ahh? Osige, mauna kana. Ligpitin ko lang ito." Pagkatapos ay agad akong nag tungo sa parte na pag e-ensayuhan namin.
After 1hour and 30minutes
Natapos din ang practice.. 6pm na ako ng makauwi, kaya naman naligo ako agad at nahiga sa kama ko sa sobrang pagod. Dahil sa wala akong nagawa, naisipan kong magbukas nalang ng facebook account ko. Pag bukas ko ay.. 20+ norification, 12 unread messages and 200+ friend request?
Pagkakita ko sa notification ko ay puro game request. Ayfuuu**! Walang kwenta. Hmp! Sa friend request naman ay puro di ko kilala, beyeeen! And last ang unread messages from I don't know people.
Sa sobrang ka-boringan mag internet ay pinatay ko nalang ang aking laptop. Nahiga nalang ako ulit upang makapag pahinga pa ng maayos. Wala nga pala tao dito, forever alone ako. Huhuhu! 9pm darating ang mga tao dito, haay kalungkot.
Minsan nga naisip ko na sana mag isa nalang ako lagi dito sa bahay para napapapunta ko ang mga gusto kong papuntahin. Nasanay narin ako na mag isa dito dahil abala lahat sila sa trabaho, ang daddy, mommy at kuya ko-- 'teka, may naalala ako...
Yung lalaking nabangga ko kanina nung papunta ako sa canteen, grabe ang weird niya. Namumula siya nung nag salita ako at natulala pa? Ayy? Ano kaya nangyari dun? At kilala pa talaga niya ako ah? Sabagay, maraming nakakakilala sa akin na hindi ko kilala.
Kasabay ko pala siya sa practice namin kanina dahil nakikita ko siya sa kabilang grupo na nag e-ensayo din, sila yung isang tinuturuan nung nag tuturo sa amin. Nakikita ko siya, tahimik lang siya at di masyadong nag sasalita. Weird talaga.
Dahil sa dami kong iniisip, hindi namalayang 7pm na pala. Aba! Kay bilis nga naman ng oras at kailangan ko na mag saing. Pagkatapos ay agad naman akong nahiga sa kama ko upang mag pahinga pa ng maayos-- *KRIIIIING* *KRIIIIING*
Nakakagulat naman, sino naman 'tong napatawag sa akin. Ahh! si Karen, what's the problem with her? Hahaha! Masagot na nga.
Ako: Hello? Karen?
Karen: Uy Janel! Sa wednesday na daw pala pratice para sa thursday pahinga ulit, at friday afternoon naman daw ulit and practice dahil evening gaganapin ang MR&MS. So, papasok tayo bukas, sa wednesday naman 1pm daw sa gym ha? Tapos hindi na tayo papasok ng umaga nun, okay?
Ako: Ahhh, ganun ba?Sige. Salamat. Wala ka na ba ibang sasabihin pa, Karen?
Karen: Wala na muna, pero call nalang kita pag meron pa akong sasabihin, okay?
Ako: Sige sige, salamat. Iloveyou, karen.
Karen: Iloveyoutoo, Janel.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionDati ko nang hiniling. Sino kaya ang lalaking para sa akin? Kailan kaya siya darating? Kailan kaya kami pag tatagpuhin ng tadhana? Magiging patas kaya ito para sa amin? Eto ang "Pag ibig ko na hindi inaasahan" Mga kaganapang kailanma'y hindi hinint...