Chapter 3

22 1 0
                                    

Makalipas ang ilang araw..

*KRING KRING KRING KRING KRING*

Uhmm! 4:50am na pala. Bawal ako ma-late ngayon dahil monday ngayon at baka managot ako sa guro ko. Kaya naman dali dali akong kumilos. Kaya naman 5:30am, ay natapos na agad ako. Nandito kasi ako ngayon sa bahay ng lola ko kaya malapit lang naman ang school ko dito, isang sakay lang ng jeep.

Bumaba na ako ng hagdan at nag lalakad na papunta sa kanto upang makasakay na ng jeep papunta sa aking paaralan, hindi na ako nag paalam dahil tulog pa sila dahil maaga pa, ngunit may bigla akong naalala, maaaring makita ako ng pinsan ko dito at mag pahintay pa siya sa akin.  Ang bagal pa naman kumilos nun.. Hayy! Bahala na nga! Hindi nalang ako lilingon.

"Ate Janel! Wait. Sabay na tayo pasok!"

Ay patay! Nakita pa ako. Kaya dahan dahan akong napatingin sa kany-- Whaaat!? Di pa siya naliligo? Urgh!

"Huh? Osige, bilisan mo. Ayoko ma-late!" 

Pinsan ko, si Ayesha. Grabe! Pa-chicks kumilos yan. Napaka pagong. Kaya nakakainis, ngunit hindi ko rin maitatanggi na ang panget ng ugali niyan. Naalala ko pa nga noong inaway ako niyan nung bakasyon, ah basta! Long story!

After a few minutes...

"Ayesha ano ba!? Ang tagal mo!! 5 minutes nalang oh. Sana umabot pa tayo!"

"Tara na!" 

Gahd! 3minutes nalang ang meron kami, halatang hindi na kami aabot. Kaya nainis ako sa kanya kahit onti. Haay! Nang makarating na kami sa school, ay sinasara na ang gate, kaya hindi na kami nakaabot. Huhuhuhubels! Kasalanan mo 'to Ayesha! Ihateyou!

Ayan, nasa labas kami nag Lupang Hinirang at kung anu-ano pang introduction bago simulan ang program. Pagkatapos ng ilang minuto *pero matagal* ay pinapasok na kaming mga late. Huhuhuh, I hate this! First time eh! Pinapila muna kaming mga late kaya eto, nasa likuran kami umupo. Sa quadrangle nalang ginawa ang program, tutal malawak din naman 'to at may stage. Maya-maya pinalipat kami ng pila sa isang tabi ng section, kaya nasa gilid kami. Katabi pa nga namin yung section ko, gusto ko lumipat dun. Kaso baka mapagalitan lang ako. Kyaaah! Ayoko naaa! Bakit ba kasi ako na-late.. Huhuhu! Lumipas ang ilang minuto...

Umiinit na dahil sumikat na si haring araw. Woah! It's more hot here in Philippines, chos! Naandito parin ako ngayon sa pila ng mga late, lumilingon ako sa kaliwa ko dahil andun yung katabi kong section.. ang section namin. Gusto ko makipag usap eh, pero kapag lumilingon ako iba ang nakikita ko. Parang ang laki talaga ng space para makita ko siya.. Lalaki.. Isang lalaki ang nakikita ko. Mukha niya ay sobrang seryoso, hindi mo maipinta. Kahit ang seryoso ng mukha niya, aaminin ko ang pogi niya tingnan. Nakita ko na siya, oo siya yung nakabungguan ko noong lunes. Yung lalaking humihingi ng number ko.. Dahil sa pagkaseryoso ng mukha niya, namamangha ako. Ang pogi niya kahit saang anggulo. Naalala ko, sinabi ni Karen ang pangalan niya sa akin.. Siya si Daniel..

"Ang pogi pala niya, ang pogi ni Daniel." Bulong ko sa sarili ko.

"Karen.. Naalala mo ba yung humihingi ng number ko?" Sabi ko kay Karen.

"Ahh, oo. Si Daniel, bakit may problema ba?"

"Wala naman.. Ang pogi pala niya, mukha siyang seryoso oh. Lingon ka doon."

"Oo nga noh?"

"Gusto ko siya makilala."

"Gusto mo gumawa ako ng paraan?

"Haa? Ayoko, wag na!"

Pero hindi nakinig si Karen sa akin May tinawag siyang isang lalaki, kaibigan ata ni Daniel. Pagkatapos ay bumalik yung lalaki sa tabi ni Daniel at may binulong. Kilala ako nung kaibigan ni Daniel, kilala ko rin naman siya. Pagkatapos ay tinawag niya ako..

"Janel! Halika nga rito." Pag tawag sa akin ni David.

"Ha? Bakit ako lalapit diyan? Ayoko nga!"

"Daniel, ayaw daw niya! Ikaw nalang ang lumapit!"

"Janel, ito si Daniel. Daniel, siya naman si Janel." Pagpapakilala ni David sa amin dalawa.

"Oh, mag shakehands kayo. Friends na ha?"

Inilahad naman ni Daniel ang kamay niya, kaya naman iniabot ko yung akin. Ito, ito ang araw na una kong nahawakan kamay niya.

"Ahm, osige na. Bumalik na kayo sa pila ninyo at baka mapagalitan pa kayo kapag may nakakita sa inyong guro." Sabi ko sa kanila.

Hindi ko alam.. Bakit parang iba pakiramdam ko sa kanya? Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pero ayoko.. Ayokong mahulog sa kanya.. Bukod sa pinagbabawalan pa ako ng magulang ko, alam kong ikasisira ito ng buhay ko.. Pero? Pero? Hindi ko maitatanggi.. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Sa tuwing sumusulyap ako sa kanya, nakikita kong nag tatagpo ang aming mga mata.. Bakit? Bakit ko nararamdaman ito? Lumipas ang maraming oras..

Natapos na ang program kanina pa, ngayon ay nasa silid aralan na kami. Pero bakit ganun? Siya parin ang nasa isip ko. At tuwing iniisip ko siya.. Bumibilis tibok ng puso ko at natutulala ako. ARGH! HINDI PWEDE! BAKIT?! BAKIT?! HINDI AKO PWEDENG MAHULOG SA KANYA DAHIL AYOKO! AYOKO!!! Pero.. aaminin ko na.. gusto ko siya. Ngayong araw na 'to.. Nasulyapan ko lang siya, pero hindi ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.. Hindi ko akalaing mapapaibig niya ako.. October 22, bakit dumating ang araw na 'to? Ang araw na hindi ko pa inaasahang dumating. Oo, hiniling ko noon ang lalaking para sa akin.. Eto na yun? Eto na ba ang tamang oras para sa akin? Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari?

Nangako ako sa sarili ko na kailanman hindi ako mag mamahal hanggat hindi pa ako nakakatapos.. Pero kung puso na ang nag sasabi na siya ang para sa akin, maitatanggi ko pa ba? Kahit kailan.. hindi mag kakamali ang puso.. Ano nalang gagawin ko? Paano na tatakbo ang aking mundo?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon