Lumipas ang maraming araw. Lagi narin kami nag kakatext dahil lagi niya ako tinetext, pinapaalala niya rin sa akin kung sasama na ako sa Sabado. Pero hindi ako sumasagot.. Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang Sabado. Araw na dapat ay lalabas ako kasama siya, pero.. Ayoko.. Bakit? Bakit kailangan namin lumabas? Ano ba kami? MAGKAIBIGAN! Bakit kailangan namin lumabas? At dahil sa iniisip kong yan, hindi ako pumayag.
Kahit katext ko lang siya, naramdaman ko ang lungkot niya noong sinabi ko na hindi ako sasama. Pano ba naman, ang text niya sakin..
From: Daniel
Ah ganun ba? Sayang naman. Excited pa naman ako.. sige..
Nasaktan ko siya.. Nalungkot siya dahil sa akin.. Umasa siya sa wala.. Gusto ko samahan siya.. Pero may pumipigil sakin.. Ayoko.. Gusto ko humingi ng tawad sa kanya.. Pero.. Papatawarin niya ba ako? Haay!
Lumipas ang maraming oras, at eto nanaman ako sa mga hindi inaasahan. Bakit ba lagi ganito? Hindi pa ako ready.. Pero kung tadtarin ako ng mga hindi akalain na kaganapan, ugh! Mapag samantalang tadhana? </3
From: Daniel
Ahm, may sasabihin ako sayo..
To: Daniel
What?
From: Daniel
Wag na pala..
To: Daniel
Ano nga?! Daya.. Hmp!
From: Daniel
Ahm, basta hindi mo ko tatakasan ha? Mag rereply ka parin.
To: Daniel
Oo, ano ba yun?
From: Daniel
Hm.. May nagugustuhan ka na bang lalaki?
To: Daniel
Hm, secret. Bakit?
From: Daniel
Wala naman.. May aaminin sana ako..
To: Daniel
Ha? Ano yun?
From: Daniel
Hmm..
May gusto ako sayo.. Pwede bang manligaw?
Sa text niyang yon, nagulat ako. Ewan ko ba.. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.. Oo, aaminin ko.. May gusto ako sa kanya, kahit na ayaw ko pa. Kahit na bawal pa. Pero anong magagawa ko? Masisisi ko ba ang puso na hindi marunong mag sinungaling?
From: Daniel
Sabi na di ka mag rereply eh. Sorry.
To: Daniel
Ha? Ah.. No no! I'm sorry.
Mahal mo ba talaga ako?
Hindi ko na kayang itanggi, siguro nga. Kailangan ko narin umamin. Wala din naman mangyayari kung itatago ko lang, tsaka malaki na'ko. Kaya ko na sarili ko.
From: Daniel
Oo naman. So, payag kana?
To: Daniel
Oo.. Basta wag mo ko lolokohin ha?
Day had passed.. Lagi niya 'ko kinakausap tuwing mag kikita kami, minsan sinasabayan pa niya ako umuwi. Siguro nga totoong nililigawan niya ko. Malapit na nga pala mag sembreak, monday ngayon at sa wednesday ang last na pasukan. Sa wednesday nalang ako hindi papasok. Ngayon nga wala kaming ginagawa eh, ang saya saya. Daldalan dito, daldalan doon. Hahaha. Mamimiss ko 'tong mga taong 'to.
Matapos ang klase namin, umuwi na ako. At syempre eto, sinabayan nanaman niya ako. Nasa sakayan na kami, pero ang hirap makahanap ng jeep na maluwag. Hay!
"HALA DANIEL! SI MA'AM NAKITA KAYO!" Sabi nung kaibigan niyang si Kenneth.
Oo, yung mga teacher samin ayaw nakikitang may couples. Aarte! Matatanda na kasi eh, Kinakabahan nga ko eh.. Wag nalang din kaya ako pumasok bukas?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionDati ko nang hiniling. Sino kaya ang lalaking para sa akin? Kailan kaya siya darating? Kailan kaya kami pag tatagpuhin ng tadhana? Magiging patas kaya ito para sa amin? Eto ang "Pag ibig ko na hindi inaasahan" Mga kaganapang kailanma'y hindi hinint...