Bago ko pa tuluyang mababa ang phone ko ay narinig kong nag salita ulit si Karen kaya naman nag salita din ako.
Ako: Hello Karen? May sinasanabi kapa ba?
Karen: Tekaaaa! Kanina... Nung palabas ka ng gym... Nakita kita may nakabunggo. Sino yun, best? Pakilala mo naman oh! Infairness ang pogi ha! Ikaw di ka man lang nag ku-kwento.
Itong best ko talaga, basta lalaki hindi mag papatalo.
Ako: Acturally, best. Hindi ko siya kilala.. Pero.. Kilala niya ako.
Karen: Talaga?! Eh nakita ko nag uusap pa nga kayo eh?
Ako: Hay nako, best! Nag sorry lang ako kasi nabunggo ko siya sa kakamadali ko. Tapos siya naman ay natulala, kaya winagayway ko yung kamay ko sa mukha niya para matauhan. Nauutal utal pa nga siya habang nag s-sorry eh..
Karen: Talaga, best? Baka may gusto sayo? Ayie. Haba ng hair!!
Ako: Hindi naman siguro, alam mo ikaw? Pagod lang yan.. Mag pahinga kana nga! Bukas nalang ulit, bye. Loveyou :*
Karen: Asus, damot! Sige na, bye best. Iloveyou :*
Natapos ang ilang araw ay kailangan na muli namin mag ensayo. Wednesday ngayon, at sa isang araw na gaganapin ang aming sayaw. Hindi na namroblema samin yung nag tuturo dahil nakuha narin naman namin ang mga tamang pag galaw, sa kabilang grupo naman na tinuturuan niya ay mukhang ayos naman. Dahil naka ngiti siya kapag napapanood iyon.
2pm na ngayon, kaya naman pinagbubuti namin lalo ang pag e-ensayo namin. Nakakatuwa talaga.. Gamit ang pag sayaw, napapakita mo sa lahat ang talentong mayroon ka. Napapakita mo kung gaano kasaya ang mamuhay sa mundo.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon, kahit magulang ko lang at mga kaibigan ko lang nakakasama ko. Eh LOVELIFE? Nakakain ba yun? Makakapagpataba ba sa akin yun? Juskopo! Sakit lang yan sa ulo, mauubos lang pera ko diyan.
Okay narin 'tong walang lovelife, pinagbabawalan parin naman ako ng magulang ko. Kesyo baka mabuntis daw ako agad, kesyo hindi ako makapagtapos. Haay! Pero grabe, kung magka nobyo man ako, syempre hindi ako mag papabuntis noh. Kahihiyan lang aabutin ko.
Kaya ayun, hindi muna ako nag boyfriend---
"JANEEEEEEEEEL! UY JANEEEEEEEEEEL!" Si Karen, sigaw ng sigaw. Pwede naman kumalma.
"Bakit kaba sigaw ng sigaw diyan? Nakakagulat ka!"
"Remember the guy na nabunggo mo last monday?" Tapos parang kinikilig na ewan 'tong babaitang 'to. Di kaya nabunggo niya rin? Hahaha!
"OH MY GEEEE! BEST! HINIHINGI NIYA NUMBER MO!!!"
"What!?"
"Text mate daw kayo? May gusto daw siya sayo! YIEEH!"
"Ikaw best, puro kalokohan ka talaga! Alam mong hindi uso sakin yan eh, tapos.. Tsktsk!"
"KJ!? Dali na! Text mate lang daw."
"Bahala ka, bigay mo number ko!"
"Bayan best, sige wag na."
At tuluyang umalis na si Karen. Nako! Hindi talaga ako interesado sa mga ganyan, baka mamaya pagalitan pa ako ng mommy ko. Ayoko naman siyang suwayin noh! Tsaka.. Panira lang ng life ang boyfriend. Haay!
Nakalipas ang tatlong oras..
"Okay guys! CC na tayo! Let's go!"
Pagkasabi nung nag tuturo sa amin nun, ay agad kaming nag lapitan sa kanya. Kaming mga ka-grupo ko at ang kabilang grupo.
"Maganda na ang ipinapakita niyong pag galaw, ipag patuloy niyo lang iyan. Huling pag e-ensayo natin ngayon, at sa biyernes ng hapon na muli dahil sa gabi gaganapin ang inyong mga sayaw. Kaya pag butihin niyo, at inaasahan ko na ipapakita ninyo ang tunay niyong galing sa larangan ng sayaw. Dito na nag tatapos ang ating pag e-ensayo. Paalam."
Pagkatapos niya iyon sabihin ay nag pasalamat kaming lahat, ang galing niya talaga mag turo. Sigurado akong magugustuhan ng lahat ang aming magiging sayaw.
Kinabukasan..
"Okay class. Announcement lang before I leave.. Today was thursday, October 18. Ang MR&MS ay hindi na sa biyernes gaganapin. Ito ay gaganapin sa November 5 na."
Pagkasabi ng guro namin nun ay nalungkot ang lahat ng klase. Sayang naman ang napaghirapan naming sayaw. Ayoko na mag ensayoooooo! Haay nako!
"Hindi pa ako tapos class. Dahil sa monday ng umaga ay may program tayo ng 6am, kaya siguraduhin niyong hindi kayo male-late. Ang program sa monday ay ipapakita ng mga kalahok sa MR&MS ang kanilang costume. Alam niyo naman na madami ang mga kasali sa MR&MS kaya matatagalan ang program."
Pagsabi ni ma'am nun ay agad nag hiyawan ang mga tao dito sa silid paaralan, kaya umingay.
"That's all, goodbye class."
At tuluyan nang umalis si ma'am..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionDati ko nang hiniling. Sino kaya ang lalaking para sa akin? Kailan kaya siya darating? Kailan kaya kami pag tatagpuhin ng tadhana? Magiging patas kaya ito para sa amin? Eto ang "Pag ibig ko na hindi inaasahan" Mga kaganapang kailanma'y hindi hinint...