Chapter Twenty-Four

17.4K 286 15
                                    

ANGEL

Ngalay na katawan ang bumungad sa akin nang magawa magising ako sa isang maaliwalas na silid. Medyo ramdam ko pa ang panghihina ng katawan, pero hindi na sobra-sobra. Base sa orasan ng hospital room ay hapon na, muling bumalik sa alaala ang nangyari kaninang tanghali.


Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako na himatay dahil hindi naman madalas mangyari sa akin iyon kapag sumasakit ang ulo ko. Bago sa pakiramdam ko kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala sa aking sarili. May sakit ba akong kailangan ng gamutan? Kinakabahan ako.


Huwag naman sanang ganoon nga, nakahihiyang humingi ng tulong kay Lola Lenda pagdating sa ganoong bagay. Isa pa, ayokong mag-alala ng geabe ang pamilya ko sa maynila kapag nagpakita na ako sa kanila at inaming may malalang sakit.


"L-lola..." Namamalat ang boses ko nang tawagin ko si Lola na malungkot lamang nakatulala sa kamay ko habang hawak-hawak ito.


Bakit ganito ang reaksyon niya? May malala na nga ba talaga akong sakit, kaya hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya?


"Thank God, you're awake! Hindi ko na alam ang gagawin ko magmula kanina. Akala ko kung napano ka na, apo ko. Masaya akong makita ka nang gising ngayon." Halos maiyak na si Lola nang yakapin niya ako agad matapos niyang magulat sa nalamang gising na ako.


Nanlalamig ang kamay nito nang haplusin niya ang pisngi ko. Pag-aalala lamang ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Sino naman ba kasi ang hindi kakabahan kung makasaksi ka ng taong nahimatay sa hindi inaasahang oras?


"Ano pong sabi ng tumingin sa aking doktor, Lola? May sakit po ba ako?" Kaba ang pangunahin kong nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ko kayang mag-panggap ngayon na okay ako.


Ayoko mang alamin ang tunay kong lagay ngunit kailangan upang maagapan ko pa agad ito. Wala naman kasi akong bisyo at nakain naman ako ng mga masu-sustansyang pagkain. Ano naman kaya ang dahilan ng biglaan kong panghihina kanina?


"We don't know yet, apo. Hinihintay ko pa ang Doktor na sumuri sa'yo kanina, pero huwag kang mag-isip ng kung ano-ano ngayon. You'll be fine." Tipid na ngumiti sa akin si Lola at muli akong niyakap ng mahigpit. Dahil doon ay nakaramdam naman ako ng ginhawa sa kalooban ko, tama si Lola. Hindi dapat ako tumalon sa konklusyon kaagad at pangunahan ang doktor, think positive lang dapat palagi.


"Nasaan po pala si Ken, Lola? Kasama niyo po ba siya rito?" Tanong ko kay Lola nang makitang walang ibang gamit dito ngayon kundi ang bag ni Lola na nasa sofa ng kuwartong kinalalagyan ko.


"Huwag kang mag-alala sa anak mo, apo. Kasama siya ngayon ng Papa niya.." Tawang sagot ni Lola at pinisil pa ang pisngi ko. Sa narinig at ginawa ni Lola ay napangiti ako at namula.


"Nagsisimula na naman kayo Lola, e!" Si James kasi ang tinutukoy ni Lola. Mula noong araw-araw si James sa bahay ay naririnig naming binabangit ni Ken ang salitang Papa tuwing magkasama sila, kaya mula noon ay nasanay na kami sa bagay na iyon.


Gayunpaman, nahihiya pa rin ako tuwing tinutukso sa akin ni Lola ang bagay na ito. Alam kong saglit palang ang oras mula nang makilala ko si James pero masyado itong proud sa sarili niya at hindi man lang nagda-dalawang isip tuwing inaamin niya sa akin ang panliligaw niya.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon