Chapter 4

2.6K 124 8
                                    

I'm Kurt Tyler Lee ang anak ng may-ari ng school na ito. Ginagalang nila akong lahat dahil ako ang King dito. I love flirting -- playboy things and I'm proud of it.

Bwiset na babaeng nerd na yun napakaiyakin, sabagay 'di ko naman siya masisi.

Lahat takot sakin

Tinapunan ako ng ice cream may paawa effect pa 'di ako maintindihan kung bakit siya pinagtanggol ni Harry sa pagkakaalam ko sinusuportahan ako niyan kahit saan ,lalo tuloy uminit ulo ko at gusto ko pa lalo siyang pahirapan. Tinawagan ko ang butler ko para magpadalawa ng damit exactly ten minutes dumating na siya. Actually kaya ko naman kunin sarili kong damit since asa hideout lang naman pero tinatamad kasi ako, nanlalagkit pa because of that damn ice cream.

"Ito na po ang damit niyo Young Master" kinuha ko na at 'di ko na siya nilingon tss bahala siya mainit ulo ko. Pumunta na agad ako ng CR at nagpalit pupunta na lang ako ng bar ayoko makita yung babaeng yun. Pagkasakay ko pinaharurot ko na yung sasakyan ko, over take lang ako ng over take badtrip talaga. Pagpasok ko sa bar sakin lahat nakaantensyon tsk syempre maiiwasan ba yan gwapo ko kaya, agad may lumapit sakin babae infairness sexy siya at maganda. Kaso badtrip ako baka mahagis ko lang siya kaya nilagpasan ko siya

Saglit ako sa bar ay nagmaneho na ulit ako, pag-uwi ko ay natulog na ako agad bago ako pumikit nakaisip ako ng igaganti ko sa babaeng yun maghanda siya bukas siguradong 'di na siya tatagal ng isang linggo .


Hermione's POV

Unti-unti kong minumulat ang mata ko and puro white ang nakikita ko. Wait, nasa hospital ba ko? Bakit? Ay nag-blackout nga pala ako kanina. Nakita ko sa tabi ko yung tatlo kong kaibigan tsk masyado ko silang pinag-alala. Unang araw ko pa lang dito pero ito na agad ang nangyari, hindi pa ako nakaattend sa ibang subject ko.

"Gorgeousbes anong masakit? 'Di ka ba ulit makahinga? Kailangan na ba namin tawagin yung doctor" Gorgeous bes ang tawag nila sakin kasi maganda daw ako tinatago ko lang daw. I know naman eh hihihi

"Ano ba kayo okay na ko no? Sino ba nagdala sakin dito?" impossible namang sila. Si Yanna ang sumagot

"Gorgeousbes si Prince Harry ang nagdala sayo dito. Magkakilala ba kayo kasi alalang-alala siya kundi lang namin pinilit pumasok na 'di pa siya papasok. Siya na rin nag-excuse sa ating apat sa mga teacher" hindi nga pala nila alam na kambal ko si Harry. Sabihin ko na ba? Wag muna tsaka na lang.

"ah... eh hi-hindi eh" sana maniwala sila

"ahhh baka naawa sayo gorgbes"

"ah... eh baka nga" buti na lang ay kumagat sila sa bulok kong palusot

"uhmmm GorgBes uuwi na kami ah. Gusto ka pa talaga namin samahan kaso may gagawin pa kami eh." Ngumiti lang ako to give them assurance na magiging okay lang ako dito

"Ano ba naman kayo sobra sobra na nga yung ginawa niyo sakin eh" nakita ko naman silang ngumiti kasi kanina para na sila iiyak Umuwi na sila. mga after five minutes pumasok yung doctor.

"Ms. Gomez pwede na po kayo lumabas ng hospital ngayon just be sure na wag sosobra ang emotion ha and always bring your inhailer" nagpasalamat lang ako tapos nag-ayos na ako. May kumatok at nagbukas ng pinto.

"BALLLLL" masigla kong sigaw dito, yung pag-aalala niyang mukha ay napalitan ng ngitii

"Tara na. Hatid na kita princess" princess tawag niya sa akin kapag bati kami hehehe. Nandito na kami ngayon sa kotse, may sasabihin pala ako kay Kambal

"Bal wag mo muna sabihin na Kambal tayo ah" alam kong mahihirapan ako dahil sa nangyari kanina pero hindi pa ito ang oras para malaman ng lahat.

"Princess naman nasaktan ka na naisip mo pa yan hindi ako papayag" hala pano na to

"Please bal ayoko lang naman lapitan nila ako kasi may kambal akong model tsaka kuyang artista" sana pumayag

"aishhh! sige na nga basta kapag 'di na ko nakapagtimpi sasabin ko na sakanila" yeheeyyyy

"Bal kapag binubully nila ako wag mo ko tulungan ah kaya ko naman ang sarili ko hehe" kahit alam ko namang hindi ko kaya, madami sila at iisa alang ako

"Makakatanggi pa ba ako sa puppy eyes mo na yan " I know his weakness hehe

Niyakap ko si Kambal and naramdaman ko na huminto yung kotse. Nandito na pala kami sa bahay pero 'di mawala sa isip ko ang kabahan para bukas ewan ko kung bakit aishhhh ayoko makaramdam ng ganito eh. Pero nararamdaman ko na may mangyayaring kakaiba bukas, sana lang ay hindi masama.

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon