Chap 35-Accident

2.1K 83 5
                                    

Harry's POV

Sabay-sabay kaming napatingin sa cellphone ko ng magring ito.

Kambal Calling

"Hello Kambal, nasan ka?" rinig ko yung ingay sa kabilang linya. Ano kayang nangyayari?


"Kayo po ba ang guardian ng pasyente? Pumunta po kayo dito Leviana Hospital naaksidente po ang pasyente" ang tagal nagsink-in sakin nung sinabe nung tao sa kabilang linya.



"ANOOO?" Halatang nagulat yung mga kasama ko sa biglaang pagsigaw ko. Pinatay ko na yung tawag at dali-daling kinuha yung susi na nilapag ko kanina sa lamesa nila Tyler.


"San ka pupunta?" pagkatanong ni Angelo bigla na lang tumulo yung luha ko


"Si Ka-kambal... Na-naaksidente raw siya" bigla na namang umiyak si Tyler, kinuha niya rin yung susi niya at hinila ako palabas habang si Angelo naman ay nakasunod lang sakin.

"Nasaan si Xandra?"

"Leviana Hospital" pagkasabe ko nun biglang pinaharurot ni Tyler yung kotse niya.

"Tara na bro" at pinaandar na rin namin yung sasakyan.


Tyler's POV

  Hindi ko alam gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Xandra. Pinangunahan ako ng galit ko. Dapat hinayaan ko siyang magpaliwanag

"Hintayin mo ko Xandra"

Tulo pa rin ng tulo ang luha ko habang nagmamaneho. Halos manlabo na yung paningin ko sa sobrang iyak ko. Nandito ako banda sa bangin kaya kailangan ko maging maingat kailangan kong makita si Hermione.

Pagkaliko ko nagulat ako ng may 10 wheeler truck ang papunta sa direction ko, hindi ko alam ang gagawin ko sa manibela kaya naliko ko ito papunta sa bangin...



and everything went black




Angelo's POV

"Bro bat ang traffic naman dito sa pabangin bwiset!!!" Kanina pa kami dito sa pwesto namin pero hindi pa rin kami nakakaalis. Ang daming pulis sa paligid. Lumabas ako ng kotse para tignan yung nangyari

"Kuya ano pong nangyari?" tanong ko sa isang pulis na dumaan.

"May aksidente dun. 10 wheeler truck at kotse, nalaglag yung kotse sa bangin buti nga at di umabot dun sa may dagat yung kotse, tinitignan pa kung sino yung driver ng kotse." kawawa naman yung driver nun sa taas ba naman ng bangin dito tapos dagat pa yung babagsakan pero may kaunti namang lupa at doon daw nalaglag yung sasakyan pero kung sa tubig yan ay baka mahirapan pa.


"Sige po. Salamat"



Pumunta ako dun sa pinangyarihan ng aksidente. May mga SOCO na, yung truck ay nakabangga dun sa puno at tinanaw ko yung kotse dun sa bangin

Pero parang lalabas yung kaluluwa ko sa nakita ko... yung kotse ni Kurt. Shit!!!

Agad akong tumakbo pabalik kay Harry. Nakita ko siya sa labas ng sasakyan niya. May kausap sa cellphone. Nung napalingon siya sakin napangiti siya.

"Bro ligtas na raw si Kambal. Hindi naman daw malala yung natamo niya" gusto ko sanang matuwa pero hindi ko magawa

"Oh bro 'di ka ba masaya?" tanong ni Harry

"Br-bro... S-si Ku-kurt" halata naman ang pagtataka niya

"Anong meron kay Kurt?"

"Si-siya yung dri-driver nung sa-sakyan na nalag-lag sa bangin" nagulat ako nung bigla siyang tumawa

"HAHAHAHA! ANG GALING MONG MGA JOKE BRO"

*BOOMMMMM*

Napatingin kami sa lugar kung saan may sumabog. Dali-dali akong tumakbo para makita kung ano yung sumabog. Nakasunod lang sakin si Harry. Nang marating namin yung lugar na pinuntahan ko kanina. Napaluhod na lang ako sa nakita ko








  Yung kotse ni Kurt puro apoy na. Lumapit ako sa isang rescuer at kinuwelyuhan ito.



"NASAAN YUNG DRIVER NUNG SASAKYAN?" halata yung takot sa mukha nung rescuer, inawat naman ako ng pulis at ni Harry

"NASAAN YUNG KAIBIGAN KO?!" Wala na kong pakialam kahit pagtinginan nila ako buhay ng kaibigan ko ang nakataya rito.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi namin nakuha ang driver ng kotse. Masyado pong malalim ang bangin at nahuli na po kami sa pagrescue dahil tumatagas na po pala ang gasolina ng kotse. Kaya sumabog na po ang sasakyan kasama yung driver. Pasensya na po" nakatungong sabe ng rescuer



"PASENSYA? Wow! Yang lintek na pasensya mo na ba yan ay mababalik ang buhay ng kaibigan ko huh?!" tinabig ko yung pagkakahawak ng pulis sakin at pumunta dun sa bangin

"Bro 'wag kang pupunta jan" pag-awat sakin ni Harry

"Pero bro yung kaibigan natin. Paano na si Kurt?" simula pagkabata pa lang magkasama na kaming magkakaibigan tinuturing kong treasure ang pagkakaibigan namin pero paano na lang pag nawala ang isa?

"Bro anong nangyayari dito? Nasan si Kurt?" humahangos na dumating si Bryle

"Natanggap ko yung text sakin ni Harry na pumunta raw ako dito dahil may nangyari daw kay Kurt"

"Wa-wala na siya" nakatungong sabe ni Harry. Napaluhod naman si Bryle habang hawak hawak ang tuhod.

"pa-paano?"

"May nakasalubong siyang truck kaya nawalan siya ng preno at na-nalaglag sa ba-bangin" iyak lang naming tatlo ang nangingibabaw sa lugar.


"Kayo po ba ang kakilaka ng driver ng kotse?" isang pulis ang nakatayo sa harapan namin

"kami nga po"

"Sa pag-iimbestiga namin sa aksidente, nagtataka kami kung bakit walang katawan ang natagpuan at iisa lang ang naisip namin na nangyari"

"ano po yun?" tanong ni Harry


"Naging abo ang kanyang katawan dahil sa lakas ng pagsabog. Pasensya na po" at tsaka umalis yung pulis

"Tumatawag si Tito" napatingin naman ako kay Bryle.

"Papuntahin mo sila rito kailangan nilang malaman yung nangyari.

"He-hello po Tito.... Si kurt po? ... Punta po ka-kayo dito sa may pabangin.... Naaksidente po si Ku-kurt... Sige po tito"


"Paano natin 'to sasabihin kay Hermione" napatingin naman silang dalawa sakin.

"Oo nga pala si kambal. Tsaka na lang natin sabihin kapag nakalabas na siya ng hospital"


"Akala ko naman ay maaayos na yung sakanilang dalawa" nakayukong sabe ni Bryle

"Bro pano na yan? Wala na si Ku-kurt" pagkatapos kong sabihin yun ay binalot na kami ng katahimikan.



"Where's my son?" napatingi kami kay Tito at Tita kasama si Ate Trina

"Boys anong nangyari dito?" tanong ni Ate Trina


"A-ate nalaglag po sa bangin yung kotse na minamaneho ni Kurt at sumabog po yung kotse ka-kasama yung ka-katawan niya po" hindi makapaniwala ang pamilya ni Kurt at nagulat kami ng biglang mahimatay ng ang mama ni Kurt


"Ambulance!!!"

Buti na lang at may ambulansya na rito at nadala agad si Tita sa hospital.

"Paano? Hindi ako makapaniwala"


Wala na kaming masabe. Paano na yung mga nagmamahal sayo Kurt ngayong wala ka na? Pero may kaunting porsyente sa puso ko na nagsasabe na buhay ka.












...SANA


My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon