Chap 42- Interview

1.8K 66 26
                                    

Tyler's (GAB) POV

 Pinuntahan ko ang pintuan nang may kumatok dito. Bumungad sa akin ang isang lalaking may hawak na sobre.


"Kayo po ba si Sir Requina?" tanong nito


"Opo ano pong kailangan niyo?"


"May padala pong sulat sainyo at kay Ms. Requina" tsaka may inabot siya saking sulat na kinuha ko naman agad.


"Pakipirmahan na lang po ito sir"pinirmahan ko naman ang papel na inabot niya sakin pagtapos ay nagpasalamat siya at umalis na


 Pumasok naman ako sa loob at iniabot kay Zonia ang sobre


"May nagpapadala raw" sabay naming binuksan ni Zonia ang nakasulat, nabigla ako kaya napatingin naman ako sakanya pero pagtingin ko ay umiiyak siya kaya nilapitan ko siya agad.


"Zonia anong problema? Bakit ka umiiyak? nakakagulat naman kase bigla naman siyang humagulgol


"Ga-Gab! Nakapasa ako!" sabe niya sabay takbo papunta sakin at yumakap 


"Nagawa kong makapasa Gab!" sabay hagulgol na naman siya


"Yung uhog mo naman nasa damit ko na" pinalo niya naman ako dahil sa sinabe ko.


"Kaasar ka naman" sabay pinunasan ang ilong niya


"Biro lang pinapatawa lang naman kita" 


"Ikaw kamusta? pasado ba?" tanong niya sakin, nagpanggap naman akong malungkot 


"Na-naku! may next time pa naman" galing ko talaga umarte, napaniwala ko siya sa totoo lang nakapasa talaga ko at nakalagay pa sa sulat na ako ang nag-rank 1 hindi nga ako makapaniwala eh


"JOKE! Nakapasa ako at ako pa ang rank 1sa audition" dahil sa sinabe ko bigla naman niya akong niyakap. Hindi naman halatang masaya siya at hindi rin naman halata na gustong-gusto niya akong yakapin.


"Wow Gab Gab! Ang galing mo!" patalon-talon pang sabe ni Zonia


"Saan naman nanggaling yung gab gab?" kunyaring inis kong sabe sakanya pero sa totoo lang gustong-gusto ko lalo na't sa kanya pa mismo nanggaling


"bakit? ayaw mo ba?" nakanguso niyang sabe at dahil ang cute na naman niya ay kinurot ko ang pisngi niya kahit kailan talaga ay napakacute niya


"Bakit ba ang hilig mong kurutin yung pisngi ko?" kunot noo niyang sabe habang hinihimas ang pisngi niya


"Ang cute mo kase hindi ko mapigilan" sabay kurot na naman sa pisnge niya


"Maiba tayo, nasan sila nanay at tatay?" tanong niya

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon