Chapter 6

2.5K 198 8
                                    

[EDITED]

Mahigit isang buwan na akong nag-aaral dito sa Lee Academy. Kung tatanungin niyo ang tungkol sa studies ko, okay lang naman kaso pag nasa room 'di mawala yung masasamang tingin sakin ng mga kaklase ko. Mga inggiterang gandang-ganda sa akin—charot!

"Gorgbes tara mall tayo bili tayo ng damit for the party bukas" oo nga pala, birthday bukas ni ninong syempre may party kasi siya ang may-ari ng school na 'to.

"Ahh-eh wala akong pera " pagpapalusot ko

"'Wag kang mag-alala GorgBes libre namin diba Yanna and Ariana" sinasabi yan ni Steph habang pumapalakpak, halatang excited "wa-wag na nakakahiya naman" pagtanggi ko pa dito

"Ano ka ba. 'Di ka na iba samin, bestfriend nga tayong apat diba" nakakakonsensya tinuturing nila akong bestfriend pero di ko masabi secret ko. Soon sasabihin ko rin sakanila

"Sige na nga " at yun sila nagtatalon even si Ariana na tahimik ayun nagtatatalon, bayaran ko na lang sila kapag alam na nila kung sino talaga ako

"Let's go naaaaaaa! Here we come Mall yahoooooo!" grabe to si Yanna taas ng energy uminom ata ng enervon! Sa kotse na kami ni Ariana sumakay habang papuntang mall kumakanta kaming tatlo maliban kay Ariana.Masanay na kayo sakanya bilang lang talaga ang salita na lumalabas sa bibig niya.

"I'm so sick of that same old love"-steph

"That shit it tears me up"- ako

"ohhhh that same old love ohhhh that same old love"-yanna

Naramdaman namin na huminto na yung sasakyan kaya tumigil na kami sa pagkanta.

"DUN TAYO SA FOREVER 21" grabe sumigaw to si Yanna parang walang bukas.

"Hoy Yanna hinaan mo nga boses mo para kang nasa palengke pinagtitinginan na tayo na mga tao" yan napagsabihan tuloy ni Ariana. Nagpout lang si Yanna, ang cute niya!

Nandito kami ngayon sa Forever21 naghahanap ng damit. Yung mata ko nagtwitwinkle gusto ko bilhin lahat kaso nagprepretend mahirap pala ako HUHUHU badtrip naman!

"OMG! Ito Gorgbes bagay sayo. I-fit mo" grabe to si Steph itulak ba naman daw ako. Tinignan ko yung damit, infairness maganda nga. Pastel pink off-shoulder dress ito na two inch above the knee, simple lang ito pero sobrang ganda, I LOVE THIS ONE!

Paglabas ko ng dressing room yung tatlo nakatulala sakin. Winave ko hand ko sa harap nila. Grabe tong mga 'to!

"OMG the outfit is so bagay sayo" gusto ko sanang sabihin kay yanna na 'conyo ka ghorl?'

"Chixx" sabay kindat pa ni Ariana

"I'm gonna die omg" -hahaha binatukan ko nga si Steph oa magreact 'e

Pagtapos ko ihubad yung damit binayaran na ni Ariana. Siya daw maglilibre sa damit ko si Steph sa sapatos then si Yanna sa food HAHAHAH sarap mabuhay.

Pumunta kami sa Department Store para bumili ng shoes. Sila na bahala sakin kahit kating-kati na ko bumili HUHUHU SEND HELP!

Napili nila sakin ay yung two inches silver heels. Ang ganda! Mga fashionista talaga 'tong mga kaibigan ko pero syempre ako rin 'di lang nila alam HIHIHI.

Pagtapos na namin I mean nila mabili yung mga sapatos namin kumain kami sa

KFC!!!

AHAHAHAHA favorite ko talaga jan. Yung table namin ang daming pagkain. Pang-sampung tao na ata 'to—mga gutom kasama ko syempre lalo na ako. Pagtapos namin kumain naisipan na nila umuwi.

"Gorgbes san ba bahay niyo? Hatid ka na namin"

"Sa Hilton Subdivision" ay shuta bat ko nasabe yun sht ang alam nila mahirap kami.

"What? Kala ko ba gorgbes sabe mo mahirap ka?" SHUTAKELS NAMAN ITONG BIBIG KO

"Katulong ako dun" sorry na agad HUHU white lies naman ito

"Gorgbes di ka ba nahihirapan na working student. Gusto mo dun ka na lang sa bahay tumira, 'di ka namin gagawing katulong." awww ang sweet ni Yanna

"Ano ka ba Yanna, ayoko naman umasa sayo" grabe na yung pagsisinungaling ko.

"Sige na nga. Tara na hatid ka na namin"

Malapit lang bahay namin sa mall kaya sampung minuto pa lang ay nakarating na kami. Nakalimutan ko hindi basta basta nagpapapasok sa subdivision namin. Oo kami may-ari ng subdivision na ito, yung Hilton surname ng Mom ko.

"Maam nasan po ang ID niyo? Bawal po magpapasok dito basta basta" si Kuyang Guard yun. HALA! anong gagawin ko

"Ahh dito na lang ako sa labas. Una na kayo ingat kayo ha. Bye!" 'di ko na lang sila papatuluyin ito lang naisip kong paraan para makapasok

"Sige Gorgbes una na kami ah ingat" then umalis na sila. Whoaaa salamat naman.

"uhmmm miss?" ay nakalimutan ko si Kuyang Guard. Tinanggal ko salamin ko tsaka wig ko. Bahagyang nagulat si Kuyang Guard.

"Kayo po pala Young Lady. Pasensya na po di ko po kayo nakilala"

"Okay lang po yun. Una na po ako Manong"

"Sige po young lady ingat po kayo"

Matapos sabihin ni Manong yun umalis na ko. Nasa dulo yung bahay namin este mansion. Pagdating ko sa dulo nakita ko agad ang may pinakamalaking bahay dito sa subdivision. Pumasok na ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto. Sa sobrang pagod nakatulog na ko

Ang swerte ko sa mga. BESTFRIEND ko. 

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon