Chapter 4

10 3 1
                                    

Hello, heto po ang author. Amadeus1005 salamat sa pagdrawing kay Shirina/Ria! Ang galing mo bes. Labyu.

Hunger

"Haaaayyy!"

Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama matapos naming ilagay at ayusin ang mga pinamili namin sa mall. Nakakapagod pero masaya! Alam niyo ba, nalamam ko na may mga panty at brief pala ang mga tao! Ang dami talagang similarities ang mundong 'to at sa mundo namin. Ang dami ko ring nalaman na mga bagay bagay kay Kyrie. Buong biyahe ba naman akong magtanong. Hahaha.

Nakakatuwa kasi bumili rin kami ng isang device na... Ano nga ulit 'yun? Ah, cellphone. Touchscreen yung binigay sa'kin ni Kyrie, Samsung 'yung tatak. Parehas din kami ng model. Ang astig nga eh! Tinuruan ako ni Kyrie kanina sa mall. Alam ko na kung papaano! Hehehe....

"Pst, Rie. Tawag tayo ng magulang na'tin." Napalingon naman ako kay Kyrie na nakatayo dun sa harap ng pinto. Huh? Magulang?

"Ano? Babalik na tayo sa 3rd dimension? Eh wala naman akong magulang."

"Haha. Tanga," letse 'to ah. "Ang ibig kong sabihin ay ang pekeng magulang natin."

Ayun naman pala eh! "Di mo kasi nililinaw!" Kyrie chuckled after I say that.

Inayos ko na ang sarili ko at sabay kaming bumaba ni Kyrie. Nakita ko naman ang magulang namin na nakaupo sa sala.

"Bakit po mama at papa?" Haha! Ako nagsabi niyan! Siyempre dapat ako naman 'yung sasagot hindi 'yung si Kyrie palagi.

"Oh mga anak, maupo muna kayo." Ako lang ba 'to o feel na feel ko talagang magkaroon ng magulang? Lasapin ko na kaya? Haha.

Sabay kaming naupo ni Kyrie sa isang mahabang sofa habang nasa kabilang sofa ang mga magulang namin across the table.

"Mga anak, handa na ba kayong pumasok sa school bukas?" A-ano?

"Opo."

Nanlaki ang mata ko at lumingon ako kay Kyrie. School? Seryoso? "Anong problema Shirina?"

"Ah? Wala po!" Jusko. Masyado lang akong NAEXCITE.

"So eto.... Bumili na kami ng uniform niyo at ipapadala ko nalng kay aling Marita. Pati na rin yung mga kailangan niyo."

Pwedeng tulungan niyo akong isara 'yong bibig ko? Nakanganga eh. Basta isa lang ang masasabi ko. Isang malaking wooooowww! Ano kaya ang sistema ng school sa mga mortal? Tinuturo kaya nila ang mga steps para mapatumba ang isang dragon? O kaya paano pumatay ng mapapanganib na hayop? Who knows, right?

Ay, may dragon ba sa mundong 'to?

"Shirina? Are you spacing out?" Nagulat naman ako ng kausapi ako ni Papa. "Oo nga anak, may problema ba?" Sumangayon si mama kay papa.

"Haha. Wala lang po 'to..."

"Good." Ani papa.

Ganto pala feeling na magkaroon ng magulang... Iba 'yung feeling eh... Iba 'yung feeling na may nagmamahal sa'yo at inaalagaan ka. Kinakamusta kung okay ka lang, tapos andiyan lang sila sakaling may kailangan ka.

Iniisip ko, okay lang ba na ituring ko sila bilang totoo kong magulang?

"That's all. Goodluck sa school bukas hah? Mga anak?"

"Opo." Sabay kaming dalawa ni Kyrie na sumagot. Pinaakyat na din kami nila mama at papa dahil maaga pa ang pasok bukas.

"Kyrie, diba ngayong araw lang tayo dumating dito? Bakit school agad?" Ngumiti naman siya sa akin habang pipinihit ang doorknob tapos pumasok na kami sa kwarto namin. "Hypnotism does everything."

Dipped In RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon