Fake Memories
"Paano naman tayo makakahanap ng matitirahan?" Paano? Eh yung mga tirahan nga dito merong mga may aring tao.
"Makikitira tayo." Luh?
"Parang papayag naman na makitira tayo?" Eh sa mundo nga namin ayaw akong patulugin sa mga bahay nila kahit isang araw lang, dito pa kaya? Ako ba pinaglololoko mo?
"Hypnotism."
"Weh? Kaya mo yun?" Once again, namangha nanaman ako kay kyrie. Siya na! The best siya!
"Haha. Lahat ng bampira kaya 'yon. Kaya mo rin kaya 'yon." Aba pinagtawanan pa ako. At kaya ko rin 'yon? Wow! Ang astig. Pero di ko pa naman nagagawa 'yon?
"Hah? Sure ka kaya ko? Di ko pa kasi nagagawa yun."
"Malamang hindi mo pa nagagawa. Gumagana lang kasi yun sa mga nabibiktima mo. Sa mga nakakagat mo." Ay weh. Hindi ako nambibiktima. Good vampire ako eh. Bumibili lang ako ng mga dugo ng hayop sa mga tindahan sa amin.
"Uy teka, iniinom mo ang dugo ng mga tao ng deretso?"
"Minsan." Omy golly wow. Bad si Kyrie. Bad siya! "Edi naalter mo ang memories ng mga tao?"
"Oo. Ginagawa ko yun pagkatapos kong uminom sa kanila. Para hindi nila alam na may kumagat pala sa kanila. Pinapagaling ko rin yung bite marks na iniiwan ko." Ang astig. Pero ang bad.
"Paanong pinapagaling?"
"Pinapahiran ko ng dugo ko." Aah. Ganun pala yun.
Ilang segundo rin kaming tahimik. Lakad dun, lakad dito. Naghahanap kami ng pwedeng tirhan. Siyempre pinipili namin. Gusto ko yung malaki!
Hmm...
Ako lang ba 'to o talagang pinagtitinginan kami ng mga mortal? Muka ba kaming eng eng? Masyado bang kakaiba ang appearance namin kaya pinagtitinginan kami? O kaya para sa kanila muka kaming kulugo? Huhu. Ayokong pumanget sa mata ng kungsino man.
"Uy dun tayo. Maraming mga bahay jan siguro." Dito kasi puro usok at tindahan. Kung ano-anong business lang ang meron dito at walang mga bahay.
Pumasok kami sa 'North Woods'. Alam ko yung pangalan kasi nga may sign sa gilid ng entrance. Pumasok kami ng palihim dahil may mga guards. Baka itaboy nanaman kami.
"It's peaceful here... 'Di tulad sa labas, parang may gyera. Ang ingay." Haaay. Ang fresh ng air dito. Maaliwalas din sa loob ng Village na 'to.
"Hahaha." Tinignan ko naman ng masama si Kyrie. Trip nito?
"Ano nanaman?" Minsan kasi wala 'tong magawa eh.
"Yung muka mo kasi... Parang kakatae lang. Ang ginhawa. Hahaha!"
*bonk!
"Aray! Bakit ba parati mo akong binabatukan?" Reklamo niya habang hinihimas yung ulo niya.
"Bakit na parati mo nalang akong pinagtatawanan?" Kaasar 'tong Kyrieng 'to!
"Ang ganda mo kasi. I love you~" kumindat siya habang nakangiti. 'Di ko nalang pinansin. At saka, alam kong maganda ako. Hindi na kailangang ipamuka! Haha. Hangin much.
Tumigil ako sa paglalakad when something catches my eye. Damn, ang ganda ng bahay. Mala-mansyon! "Kyrie! Dun nalang tayo tumira."
Sinundan niya naman yung hintuturo ko. "Sige." Wow. Sige lang yung reply niya? Diba dapat 'ang ganda niyan!' O kaya 'ang galing mo pumili. Nice!' Diba dapat ganun?
"Hindi ka nagandahan?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa napili kong bahay.
Lumingon naman sa'kin si Kyrie at ngumiti. "Mas maganda ka jan." Ano ba 'yan. Ang korni.
![](https://img.wattpad.com/cover/70338741-288-k173180.jpg)