Clifford Academy
Waaah. Ang laki ng principal's room tapos ang dami pang furnitures. Andito kami kasi dito daw muna ang mga tranferees pupunta para malaman kung saang class ka. Nakaupo kami ni Kyrie sa sofa kasi inaantay namin 'yung principal.
*creek..
Sa wakas, dumating na rin 'yung principal, mga ilang minuto 'rin kaming nag-antay eh.
"Ok.. If I'm not mistaken, you are Shirina Barks at ikaw naman ay si Kyrie Barks, right? And you two are not that much alike..." Tuloy tuloy na sabi ng principal pagkatapos niyang umupo sa chair niya beyond his desk.
"It's because we're adopted." Huwaw, si Kyrie 'yung nagsalita. Feel na feel niya ang pageenglish eh! Heto ako, trying hard na hindi tumawa. Haha.
"Hmm.. So that explains it." Oo, that explains it. Haha. Gusto ko talagang matawa. Bakit parang good mood ata ako?
"Enough with the chitchat... Eto ang mga schedules niyo. Eto na rin ang student's handbook. Nakasulat sa handbook na yan ang mga rules and regulations dito and anything helpful." Edi wow.
"Thankyou po." Ako 'yung nagthankyou at si Kyrie naman ang kumuha ng mga binibigay sa amin ng principal na nakalagay sa desk niya.
Nagpaalam na kami sa principal at lumabas na kami ng office. Tinignan ko naman ang schedule ko. Nakasulat na rin kung anong class ako. 10-C yung nakasulat at may mapa ng school 'yung handbook.
"Kyrie, Kyrie anong class ka? Sana magkaklase tayo."
"Hindi eh. Imposibleng magkaklase tayo kasi grade 11 ako dito." Hah? Bakit naman?
"Bakit?"
"Mas matanda ako sa'yo."
"Edi dapat grade 12 ka? Diba dalawang taon ang tinanda mo sa akin?"
"Kapag hindi ko nabuksan ang portal ngayong year na 'to, edi next year ko na mabubuksan." Hah? Ang layo ng sinagot niya sa tinanong ko. Watdapak.
"Ang layo ng sinagot mo."
"Ang ibig sabihin, kapag grade 12 ako ngayon tapos hindi ko nabuksan ang portal ngayong year na 'to, at next year pa, ibig sabihin magkakahiwalay tayo." Waaaah. "Di ko gets."
"Magkakahiwalay tayo kasi nga wala na ko sa school na 'to kapag grade 12 ako! Mapupunta ako sa collage."
Aahh. "Gets ko na."
"Sa wakas."
Naglakad na kami tapos tinignan ko ulit 'yung map. Ditl sa 3rd floor 'yung class ko. "Anong floor 'yung class mo?" Tanong ko kay Kyrie habang nakatingin rin siya sa map.
"11-A ako kaya nasa 4th floor." Wuhuhu. Magkakahiwala na kami ni Kyrie. Wala pa naman akong kailala sa school na 'to.
"Bye, panik na ako sa taas. I will miss you~"
"Pumanik ka nalang." Sabi ko tapos lumiko na ako ng daan. Nasa 3rd floor na kasi ako eh.
Lumingon ako para silipin si Kyrie. Wrong move nga eh. Nagflying-kiss pa ang loko.
Di ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang ako ng daan. Wala ng mga istudyante sa corridor. Oras na ba ng klase? Wala akong relong dala eh.
Ayun! Nakita ko na rin sa wakas ang 10-C. Sumilip muna ako sa salamin sa pinto. Nakakita ako ng homeroom teacher. Kumaway-kaway ako sa babang teacher tapos mukang napansin naman niya ako.
Ngumiti siya ng matamis tapos pinapasok ako. Waaah! Ang daming estudyante! Tapos lahat nakatingin sa'kin. Omaygash. Panget ba ako para sa mga mortal na 'to? Nooo! Huhu.