Chapter 2

10 4 0
                                    

Glaciregon

"Sa kadulu-duluhan ng kweba, dun naninirahan ang Glaciregon. Isang uri ng Dragon na napaka-mapanganib. Higit na mapanganip kesa sa isang Galiber."

****

Nakanganga ako simula kanina pa. Feeling ko din na kulay asul na yung muka ko. How the heck did I survived? I have a one hell of a monstrous luck!

I asked him to tell me more about this Glaciregon thing. At inexplain niya naman sa akin.

"Ang Glaciregon ay isang dragon. Kaya nitong manirahan sa tubig o kaya sa lupa. Ito ang naghahari sa buong White Lake dahil ito ay malaki at makapangyarihan. Napakamapanganib ito at hindi ko rin 'tong kayang labanan. Patay agad ako kung sakali. Tatlong beses itong mas malaki sa isang Galibre. It eats both plants and meat. Ang itsura nito ay parang isang malaking Scaliuese, pero matigas ang kaliskis nito at marami itong sungay sa noo at sa likod nito. Wala itong partikular na kulay dahil kaya nitong magpalit. Matalim ang ngipin at ubod ng haba ang ang buntot. Maganda ang anyo nito, at kaya nitong lumipad. It is also intelligent."

\(ToT)/ nakakatakot hah. Paano ako nakaligtas sa nilalang iyon?

"Totoo pala ang mga dragon... Paano ako nakaligtas?"

"Simple lang, siguro nagpapahinga ito sa kadulu-duluhan ng kweba." Aahh... Kaya pala.

Kaya pala hindi na nag-abalang pumasok ang Galibre sa kweba dahil baka mamatay siya kapag nagising ang Glaciregon.

"Haha. Buti nakaligtas ako."

Pumunta ako sa gilid ng malaking butas at naupo. Nakakangalay kayang nakatayo doon sa harap ng lagusan! Pinagmasdan ko ang malaking butas. Yung akalain mong may halimay palang nakatira sa ilalim nito.

"T-teka... Ligtas ba tayo dito?" Namamawis ako, infairness.

"Oo, kapag hindi nito namalayan ang ating presensya." Waaah! We're dead!

Lumapit si Kyrie sa tabi ko at uupo na sana kaso tumayo ako. "Oh? Saan ka naman pupunta?" Nakaupo na siya. "Aalis na ako. Ayoko na dito!" Mamamatay lang ako dito. Mahal ko buhay ko noh! May pangarap pa ako, hindi pa kumpleto ang love story ko!

"Haha. Sige. Tara na." Nagsalita naman si Kyrie habang nakangisi. Tumayo na siya at naglakad papunta dun sa isa pang lagusan. Sumunod nalang ako. Duh, hindi ko kaya alam kung saan yung lagusan. Andami kayang corners dito at nakakalito!

"Mauna ka na..." Inalalayan ako ni Kyrie. Nagside-view ako para magkasya ako... Kaso, may problema.

"Huhu. Kyrie! Hindi na ako makakaalis! Mamamatay na ako!" Nagtuck-sitting ako at tumungo. Ginulo ko yung buhok ko pero di magulo. Ganda kasi ng buhok ko. Haha. Argh! There's no time to fool around!

"Bakit?" Sabi niya habang nakatungo sa akin.

"Hindi ako kasya! I mean, hindi kasya yung boobs ko!" Waaaah. What the heaven.

"Wha-? Pfft. Oo nga pala. Mga flat lang ang magkakasya jan." Letse 'tong lalaking 'to! "Uy ano na? Tulungan mo ko! Huhu."

"Paanong tutulungan? Tulungang paliitin 'yang harap mo?" Nakangiti yung manyak.

"Eehh! Ano ba yan eh. Kyrie naman eh!" Tumayo ako tapos pumadyak-padyak. Di ko na keri. Seriously, paiyak na ako.

"Easy... Mukang wala ng paraan." Feeling ko yung muka ko pinagsuklaban ng langit, lupa, bundok, lahat na! Halaaa. Tapos sasabihin niya easy? Huhu.

"Hmm.. Mukang maiiwan ka dito ah. Paano na yan? Una na ako?" Napalingon ako sa kanya at siya naman ay nakangiti ng mapang-asar. "Huy?! Walang ganyanan oh! Kyrie naman kasi. Seryoso..." Iiyak na ako huhu.

Dipped In RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon