Chapter 2

2.5K 44 1
                                    

Arween's Pov

Gabi na at andito kami ngayon ni jack a.k.a monster slash mokong sa isang silid, may kausap siyang attorney, habang ako naman nanginginig. Grabe naman sila mag pa-andar ng aircon,huhu.
"Pumirma ka na hija" sabi nung attorney
Nanlaki yung dalawang mata ko, tae, sure na ba talaga to? Papasukin ko 'tong trabahong to?

'Hay nako arween, wala ka ng magagawa, andiyan na yan!

"Hey short girl, pirma na, bilis! Ang bagal mo talaga" tugon nung asungot, pinandilatan ko lang siya ng mata,"Oo na, oo na," sabi ko habang kinukuha yung ballpen, nagsimula na akong pumirma sa mga papeles "kainis" bulong ko, pero mukang narinig ng asungot na'yun "what did you just say?"tinaasan niya pa ako ng kilay, pekeng ngiti lang yung ginanti ko sakanya "wala po kamahalan, ayan, tapos na po oh hehe"

' bwisit ka talaga rivera! '

*Flashback*

"Hala aber! Kung hindi pagiging prosti ang papsukin ko, edi ano?!" bulyaw ko sakanya, bigla siyang napangisi sabay sabing " be my wife"

Eh gago pala 'to eh!

"MAY SAYAD KA BANG PUNGAL KA?" nanggagalaiti kong saad sakanya, tumawa lang siya ng tumawa, "Ganyan nga, mainis ka saken, I like that attitude of yours..miss?"

"Miss mo muka mo!"

"Okay, Miss shorty, I'm going to make this clear, You are going to be my wife for just 3 months, okay? Don't be too shocked since it's all going to be fake, it will just be an act, I will pay all the hospital bills of your..ahh..hmm, who's sick nga ulit? Is it your mother or your-" pinutol ko yung dapat na sasabihin niya "brother." Seryosong saad ko, "Ah, right. Your brother. Okay so, sasama ka lang sa lahat ng lakad ko and a-acting ka lang na asawa ko for 3 months, I will shoulder all the expenses for your brother's recovery, I will even give you and your family a nice place to stay in, basta gagawin mo lang ng maayos yung tarabaho mo...so, is it a deal?" nakita ko pa siyang ngumisi habang inilalahad yung kamay niya,napabuntong hininga nalang ako at nakipag shake hands din sakanya.Wala naman talaga akong magagawa diba? Mas okay na'to. Para di na mahirapan si inay, at para na rin gumaling na si Andrew, "Deal" seryosong saad ko, napapalakpak si polo boy," Uh- I'm Jack by the way, Jack Vuicci Rivera" sabi niya pa tas anlaki-laki ng ngiti niya.

'Sana all masaya'

"ah ok." Sabi ko nalang, biglang nawala yung ngiti niya, at kumunot rin yung noo niya dahilan para matawa ako

The reaction on his face is priceless!

"Wow, are you serious? Di 'moko kilala?" bigla akong huminto sa pagtawa at napaisip ng malalim "hmm, hindi eh" sabi ko sakanya habang napapailing pa "Damn! Wala ba kayong TV sa bahay niyo!?" inis na inis siya at mahigpit na mahigpit pa yung paghawak niya sa manibela, biglang sumilay yung ngiti sa mga labi ko, ewan ko ba, ansaya-saya ko pag may naiinis saaken, ang weird no? "Why the hell are you smiling?"inis na saad niya, "None of your business" tugon ko sabay irap ng mata, "whatever" sabi niya, para ring bata tong isang to. Tumingin siya ng seryoso saakin at napabuntong hininga "What's your name?" seryosong saad niya,pinagtinaasan ko siya ng kilay atsaka sinagot yung tanong niya,

"Arween,Arween Chieza Montes" sagot ko.

Pagkatapos nun ay dinalaw na ako ng antok

.

.

.

"Pst"

"Hey"

"Short girl! Gising!"

Bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig kaya napasigaw ako

"Ano baaaaaaaaaaa!" inis kong sabi

"Ang tagal mo kaseng magising, tulog mantika!" sambit nung asungot na jack
"Halimaw! Tingnan mo yung damit ko! Basang basa na! Kase namannn iihh sana kinurot mo nalang ako o di kaya'y sinampal, magigising naman ako eh"iritang sambit ko habang nagdadabog pa

"ayoko nga! Eww! May laway ka pa sa cheeks mo oh! Gross!" nandidiring saad niya habang tinuturo yung pisngi ko

"Ang arte mo!"bulyaw ko sakanya, he just rolled his eyes on me, "Yayaaaa! Paki ayos nga po yang babaeng yan, please make her look presentable"

Pinandilatan ko lang siya ng mata, may biglang dumating na babae na wari ko'y nasa late 30's, ngayon ko lang din napansin na ang laki ng bahay ng mokong na'to, ang lawak ng lugar, puno ng mga magagandang bulaklak ang paligid, tapos ay may malaking fountain pa sa gitna, meron ring hilera ng mga sasakyan

'wow bigatin'

"Ma'am tara na po sa loob" malumanay na sambit nung ate na inutusan ni Monster

"Ah, Sige po"

*

*

"Nandito po yung shampoo, eto naman po yung sabon tsaka ayan lang po yung shower ma'am, pagkatapos na po kayo, etong green po na dress yung suutin nyo,pagtapos na po kayong maligo at magbihis maam pindutin nyo lang po ito" sabi niya sabay turo sa isang button na color pink "pupunta ho ako rito kaagad para ayusan kayo" nakangiting sambit niya saakin

"ahh, okay po" nakangiting tugon ko habang kinakamot pa yung buhok ko

*

*

Paglabas ko ng cr

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" -ako

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" -si mokong

"ANONG GINAGAWA MO RITO!?" tanong niya saakin,"ABA'T!? IKAW ANG DAPAT TINATANONG KO NIYAN!"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nanlaki yung mga mata ko "MANYAAAAAAAAK!" sigaw ko tsaka ko siya tinulak palabas ng kwarto!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah nakakainissss!!!!

Huhuhu

Ni-lock ko kaagad yung pinto at nagbihis, at nagmadaling lumabas ng kwarto

"And where the hell are you going shorty?"sabi ni mokong habang naka crossarms

"wala, hahanapin si ate...ano.." ano nga ulit pangalan ni ate?

"Yaya seli."seryosong saad niya

"Ahh, yun, si ate seli" sagot ko habang tumatango-tango pa
"eh bakit di mo nalang pindutin yung pink na button"saad niya, "Ah wait, ganon ba?"takang tanong ka, napafacepalm ako kaagad, "ay tanga ka arween, pipindutin lang pala yun, sige mokong salamat" sabi ko tsaka nagmadaling pumasok sa kwarto, kaso lang nakuha ni mokong yung kamay ko dahilan para mapa tingin ako sakaniya, "What the hell did you just call me?"seryosongtanong niya habang nakataas pa ang isang kilay, Oh shett! napalunok nalang ako ng laway, 'pakshet! Lagot ka arween!'

Marrying the Mafia KingWhere stories live. Discover now