Chapter 5

1.8K 39 3
                                    

Arween's Pov

Napabuntong hininga ako ng malakas habang hawak-hawak ang isang basong kape sa kaliwang kamay ko

papauwi na kami ni Sir Jack a.k.a mokong slash monster sa bahay niya, grabe ang raming  chuchu ek ek muna ang nangyare kanina bago matapos yung ginagawang pagpapakasal samin ni mokong.

Inaantok na ako kahit nakakatatlong basong kape na ako, ganun rin si mokong pero mukang nilalabanan nya talaga yung antok

habang nakatingin ako sa mapayapang kalsada nahagilap ko yung orasan ng sasakyan

12:59

mag-a-ala-una na

//BOOM//

biglang nawala yung antok ko, pati narin si mokong

meron kaseng sumabog bigla sa likod  namin

"rocket propelled grenade, damn!"pabulong na saad ni mokong pero rinig na rinig ko.

inis na inis si monster habang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan, maya-maya pa ay may biglang nag-babaril sa sinasakyan namin

"fuck!"mariing mura nya

"Do you know how to freaking drive!?"tanong ni Sir jack

biglang nanlaki yung mga mata ko
"h-huh? hindi! wala kaming sasakyan pano ako matututong mag drive?"

napamura na naman ulit sya at dali-daling may kinuha sa compartment ng sasakyan nya

isang baril.

"shoot" saad nya sabay pagtapon ng...ah..kung hindi ako nagkakamali
revolver ata ang tawag nila rito?

"S-sir J-jack hindi ako marunong--" pero bago pa ako matapos magsalita biglang may kinuha ulit syang isang baril sa compartment nya

binuksan ni sir jack yung bintana ng sasakyan nya at nilabas yung kamay niyang may hawak na baril habang  seryosong nakatingin sa kalsada

pagtingin ko sa likod.. wow!

may natamaan sya kahit di sya tumitingin sa kalaban

seryoso pa rin sya sa pagdadrive habang tinitira ang kalaban sa likod

"shit shit shit" pagmumura nya sabay pagpasok ng kamay nya mula sa labas ng bintana

"arween."mahinang sambit nya ng panglan ko

"ha?" balisang tanong ko

wala akong maintindihan sa nangyayare
kanina lang umaga may hinahabol pa akong batang hamog
nabangga ko tong mokong na to  pagkatapos may mga gangster..
naging asawa pa ako netong halimaw nato tapos tapos tapos....

napahinto ako sa pagpapanic ng biglang hinawakan ni Sir jack yung pisngi ko at pilit na hinarap ito sakanya

"listen, sasabog tong sasakyang ito, before that happens dapat nakalabas na tayo okay? hawakan mo tong baril, shoot everyone who tries to harm you okay?"malambing na sambit nya

napatango-tango ako

bakit ganun?

imbes na matakot ako...ba't parang isa ito sa mga pagkakataong higit na kinakasabikan ko?

"heto, pagnaubusan ka ng bala, mag reload ka"pinaakita sakin ni sir jack kung paano magreload at tumira

"bawat tira kailangang hilain mo muna pababa tong part na to, ang tawag rito hammer"

napalunok nalang ako ng laway habang tumatango

"in a count of three, tatalon tayo."

"1."

kinuha ko yung revolver na binigay sakin ni mokong kanina

hindi ko mawari

bakit parang buong buhay ko hinintay kong mangyare ang pagkakataong ito?

"2"

okay arween, kaya mo to.

stay alive.

stay alive.

stay alive.

"3"

napapikit ako ng mariin habang unti-unting nararamdaman ko ang ihip ng hangin habang papatalon palabas ng sasakyan

kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagputok ng mga baril at ang pagsabog ng sasakyang kanina lamang ay ginamit namin

biglang tinutok ko ang baril sa mga kalaban na walang pag aalinlangan

may lumapit saking lalaki at pilit na kinukuha mula sakin ang baril, pinihit ko ng mariin ang kanyang kamay sabay sipa sa maselang bahagi ng katawan niya narinig kong napaiyak sya sa sakit kaya napangisi ako, sinipa ko muna sya papalayo bago tuluyanng pinaputok ang hawak kong baril sa ulo nya

may nakita akong papalapit na naman sakin kaya agad kong pinagbabaril sila, bigla akong napatingin sa likod ko at tama nga ang hinala ko may dalawang lalaking nakatingin sakin at akmang babarilin ako at si sir jack pero naunahan ko sila bago pa nila gawin yon

napangiwi ako ng merong sumakal sakin dahilan para mabitawan ko yung revolver na hawak ko, sinipa ko ang tiyan ng kalaban dahilan para mapa sigaw sya sa sakit nakita ko ang kutsilyo na nasa gilid ng pantalon nya kaya dali-dali ko itong kinuha at sinaksak banda sa puso nya, biglang tumirik ang mata nya kasabay ang pagbagsak nya sa lupa

napangisi ako habang muling binaril ang tatlo pang mga lalaki

bigla akong naantala ng makitang may lalaking a-akmang sasaksakin si Si mokong sa likod kaya bigla ako naalarma at inakmang babarilin yung kalaban kaso bigla akong naubusan ng bala kaya bigla akong napasigaw

"MOKONG SA LIKOD MO!!"

narinig naman kaagad ni Sir Jack

nakita ko pang nag krus yung dalawang kilay nya sabay irap bago
baliin yung leeg nung lalaking niwre-wrestling nya sabay pagputok ng baril sa lalaking sasaksakin sana sya sa likod

biglang tumingin ng seryoso sakin si sir jack sabay tutok ng baril sakin

pinaputok nya yon at kasabay nun ang pagbagsak ng isang lalaki sa likod ko

nakahinga ako ng malalim ng makitang ubos na yung mga lalaking nagtangka sa mga buhay namin

biglang lumapit sakin si mokong
..
as in
SOBRANG LAPIT

"a-anong g-ginagawa mo?"nauutal kong tanong

bigla kong nasilayan ang isang mapang-asar na ngisi mula sa kaniyang mapupulang labi na may daplis sa gilid dulot na rin siguro ng ginawa naming pakikipag-away kanina

shet ang hot ni mokong--- wait arween MAGHUNOS DILI KA!

"what the hell did you just call me shorty?"

"ano?" naiiritang tanong ko pa

ay! oo nga pala tinawag ko syang mokong kanina

big deal sakanya yun?

biglang napakagat sa labi si mokong tf ang hot shet!!!

bago pa ako magkasala kay Lord tinulak ko na papalayo si sir jack mygsshhh!

"paano tayo uuwi neto??" pampaiwas tense na tanong ko

habang naglalakad papalayo

biglang hinila ni sir jack yung kamay ko sabay sabing

"Marunong ka palang makipag laban?"

bigla akong nabalisa, hindi ko alam kung anong isasagot ko

hindi ako marunong makipaglaban, hindi ako marunong humawak ng baril at hindi ako marunong pumatay ng tao!

kahit ako hindi ko maintindihan yung sarili ko kanina

hindi ko alam kung paano ko nagawa yun, pero something's for sure

"something is wrong with me"
seryosong sambit ko kay Sir jack





Marrying the Mafia KingWhere stories live. Discover now