Arween's Pov
"Mga around 1.2 million po ma'am ang maaring nyong gastusin para sa gagawing operasyon para sa kapatid niyo"
"jusko po" halos himatayin si Inay habang nakikinig sa Doctor, ako naman nakatulala lang.
san kami kukuha ng ganoong kalaking halaga?
"Doc wala na po ba talagang patawad? mahirap lang po kami, san ho kami kukuha ng ganoong kalaking halaga?" tugon ni anay habang mangiyak-ngiyak pa, konting tulak nalang din maiiyak na rin ako, napatingin ako sa mga kamay kong di ko na mawari sa sobrang panginginig
"Pasensya na po ma'am pero wala ho talaga, kailangan na pong operahan ang anak niyo sa lalong madaling panahon, he's in a very crucial state po maam--" napatigil sa pagsasalita si Doc at napatingin saglit sakaniyang wrist watch "ah wait lang po, I still have my rounds, mamaya nalang po natin ulit pag-uusapan ang tungkol rito, excuse me po."
nakatulala lang ako habang nakatingin sa likod ng Doctor habang naglalakad siya paalis.
walang tigil sa pag-iyak si Inay "Anak ko...ano pa bang magagawa ko?"tumingin saakin si Inay at hinawakan niya ng napakahigpit ang kamay ko "sshh, tahan na nay, magagawan natin to ng paraan"
.
.
Nakatulala lang ako habang naglalakad sa kawalan
trabaho...trabaho...trabaho...
kailangan ko ng trabaho..Kailangan ko ng 1.2 million para mapagamot ko yung kapatid ko
yun yung mga katagang nakasaksak ng mariin sa utak ko, kaso ang tanong 'Papaano?'
san ako makakakuha ng 1.2 million ng ganoon kadali?Bigla akong napatigil sa paglalakad ng makita kong nasa isang di pamilyar na lugar ang kinahantungan ko, ang raming mga eskinita at pasikot-sikot, biglang nanlaki ang dalawang mga mata ko nang biglang may humablot sa bag ko
"Sus maryusep, anak ng tipaklong, ang bag ko!"
Hinabol ko yung batang hamog na kumuha sa bag ko, putragis, wala na nga kaming pera nanakawan pa ako?!
"Hoy bata! Bumalik ka!"Feeling ko talaga ako yung girl version ni flash, bahala na't nagkagutay-gutay yung sapatos ko kakahabol basta makuha ko pabalik yung bag ko, kaso lang bigla akong nabangga ng isang lalaking naka black na polo"Damn! Watch where you're going woman!" bulyaw nito saaken, gwapo sana kaso demonyo
di ko nalang siya pinansin, tumayo ako kaagad pinagpagan yung tuhod kong dumurugo, pero pagtingin ko ulit sa kung saan ko huling nakita yung bata, naantala ako ng biglang nawala na ito na parang bula, napatingin ako kung saan-saan, bwiset! saan ko na yun makikita? Yung bag ko?Grabe ang bait saakin ni tadhana ngayon ah!
"Putangina naman oh!" napabulyaw ako sa sobrang inis
"Excuse me, what the hell did you just say?"sabi nung maarteng lalake na nakapolo
"sabi ko po, pu-tang-ina-na-man-ow, ayan, gets na?" iritableng saad ko, hinarap ko yung lalake sa sobrang inis ko "Alam mo bang wala na kaming pera ha? Wala na kaming pera kakabayad sa walangyang hospital nayan! Tsaka ano pa? Meron na naman kaming babayaran ulet at triple pa ang halaga sa binabayad namin noon, ngayong butas na butas na ang bulsa ko, don pa magsisilabasan tong mga demonyong magnanakaw, hinahabaol ko yung magnanakaw eh kaso may maarteng lalake ang bumangga saaken, yung bag ko...wala na nga kaming pera nanakawan pa ako"
sa sobrang inis ko di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko, di ko na rin naantala ang dugong pumapatak mula sa sugat sa tuhod ko
kita ko ang pagkalito sa muka netong mokong na'toMaya maya ay may narinig kaming putok ng mga baril
"fuck!" mahinang pagmumura niya
bigla niyang hinablot yung kamay ko "Tara, sumama ka saken"saad niya at pilit na pinapapasok ako sa sasakyan niyang nakaparada lang pala sa gilid"Ano? Nakashabu ka ba? ba't ako sasama saiyo?"nakakainis na talaga tong lalakeng to ha, konti nalang masasapak ko na'to
"Alam mo? Ang arte mo! You have 2 choices woman, you come with me or you die" sabi niya ng may pagbabanta sa boses niya, habang nakatingin sa likod ko, bigla akong napalingon at nanlaki yung dalawa kong mga mata ng makitang may sampung armadong lalake na mukang papatay ng kung sino-sino nalang mapagtripan nilang patayin, bigla akong napasigaw nang may binunot na baril yung isa tapos pinaputok sa ulo ng isang babae, pero mas lalo akong napatili nang may isang lalakeng nagturo sa direksiyon namin ni Polo Boy
"fuck! They found me"saad niya at dali daling pumasok sa sasakyan niya,"saglit! Sama ako! Ayoko pang mamatay!" pagmamakaawa ko."get in the car! quick!" iritableng saad niya
Dali dali naman akong pumasok sa passenger seat at wala pang 0.1 second ay agad na humarurot paalis ang sasakyan niya, may narinig pa akong mga gunshots, pero mukang bullet proof naman yung sasakyan niya. Maya-maya pa ay nakahinga na ako ng maluwag nung naligaw na ni polo boy yung mga lalakeng iyon.
Wow ha? Parang ako lang yata yung ninerbyos, habang siya chill na chill lang.
"Sino yung mga yon?" tanong ko, "Wala, random gangsters lang" tapos bigla siyang natawa "Wow, they really wanna kill me sooo bad" biglang siyang tumingin saakin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bigla ko siyang binatukan kaya napapreno siya "Manyakis!" bulyaw ko, "Ano ba!? Stupid! Hindi nga ako mapapatay nung mga gangsters na yon pero mapapatay naman ako sa aksidente dahil sayo!"
"Manahimik ka! Manyak!" nanlilisik yung mata ko habang niyayakap ko ang sarili ko
"Manyak? Ulol, ang assuming mo! You're not my type" sabi niya sabay irap
Waw? Attitude ka sizt?
"Eh bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Ha?"pinandilatan ko siya ng mata
He just looked at me and then balik ulit sa kalsada yung tingin niya "None of you business"
"Ibaba mo na nga ako!" iritableng saad ko
"What? Akala ko ba, you need money?"bigla niyang hininto yung sasakyan sa gilid ng daan
"Oo! Bibigyan mo ako? Bibigyan mo ako ha? 1.2 million? Asap? Now na? Agad-agad?"
Bigla siyang napaisip at nagtatango-tango "hmm..Technically, yes"
Biglang nanlaki yung mga mata ko, pero napaisip rin ako ulit, manyakis tong mokong na'to eh, HALA SHET, baka manager to ng isang club? Tsaka plano niya akong gawing prosti kaya grabe siya makatingin saakin kanina? No,no,no! Oo kailangang kailangan ko ng pera pero pinalaki akong marangal at may dangal ni Inay! "HINDE! AYOKO! AYOKO MAGING PROSTI, SAYO NA YANG PERA MO PERO AYOKO MAGING PROSTI—" napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumawa ng malakas tong gagong to
"anong tinatawa-tawa mo diyan ha?" nagtatakang tanong ko, "Ikaw? Prosti? Damn, woman! Ang taas ng pangarap mo! Fyi lang ha, as far as I know hindi bumababa sa 5'4'' ang height ng pu-pwedeng maging prosti" sabi niya pa habang tawa ng tawa
Waw ha?Ansaket non.Pero kung hindi pagiging prostitute ang kahahantungan ko sa lalakeng ito, aba'y! Edi ano?
"Hala aber! Kunghindi pagiging prosti ang papsukin ko, edi ano?!" bulyaw ko sakanya, biglasiyang napangisi sabay sabing "be my wife"
![](https://img.wattpad.com/cover/70658859-288-k324020.jpg)
YOU ARE READING
Marrying the Mafia King
Azioneshe was just a normal girl, but faith was really getting into her nerves. At such young age her brother was diagnosed with cancer, they have nothing. They were merely poor. Meet Arween Chieza Montes, the 'bread winner' of their family. he was a pla...