FOREVER
Sabi nga ni Google, ang Forever ay isang adverb o pang-abay na ang ibig sabihin ay for all future time; for always; for limitless time; sa tagalog, magpakailanman o kung ikukumpara mo sa isang kanta, Sa Dulo Nang Walang Hanggan.
Madalas din itong ginagamit ang salitang ito sa paghihintay mo sa traffic, "May forever talaga sa EDSA, Forever traffic!". Sa dalawang taong mag syota na nakita mo, "Walang Forever!". O sa paghihintay mo ng order mo sa isang fastfood na parang kinulang sa fast ang service, "Ano 'to?! Forever willing to wait para sa isang spaghetti?!".
Pero mas sumikat amg salitang forever noong nagamit ito para gawing label sa isang relasyong magtatagal ba o hindi. Kapag nagtagal, mayroon ngang Forever! kapag hindi naman, ihanda mo na ang timeline mo sa facebook sa mga kaibigan mong walang magawa kundi magpost ng walang forever! at mga quotes na mas mapait pa sa kapeng walang asukal.
Ang forever naman ay nasa taong gustong mapatunayan ito. Na ang existence naman ng forever ay magkakaiba sa pananaw ng mga tao. 'Yung iba, mayroon, sa iba naman, WALA!
Author's Note:
Hi guys! haha pinusuan to ni AuthorXD You can also comment what is FOREVER to you guys, I'll add it here. Thanks guys!
#walangForeverXD

BINABASA MO ANG
HUGOT-syonaryo
DiversosIsa kana ba sa mga taong BITTER sa buhay, o nakapag-sabi na ng "Walang Forever!" o kaya naman isang taong nakapag HUGOT na sa buhay? 'yung tipong uumpisahan mo nalang sa .... "Bakit kaya ganon?" "Ganon pala ang buhay..." "Minsan sa buhay natin..." "...