Seven days earlier.
“Eto na. Eto na talaga, bestfriend. Ramdam ko, this is the night,” excited at kinikilig na sabi ni Harper habang binibistahan ang sarili sa salamin. Bumuntung-hininga ang kausap niya sa kabilang linya.
“Pwede ba Harper, tigil-tigilan mo ‘ko ng kalandian mo? Kaya siguro hindi nagpo-propose sa’yo ang boyfriend mo kasi nagdadalawang-isip ‘yun kung kaya niyang maging asawa ng isang maarte.”
Napasimangot si Harper.
“Ikaw Raymond ‘yang ugali mo baguhin mo na ha. Nakakasora kang kausap,” inis na reklamo niya sa kaibigan.
“Nakakasawa na rin naman kasi, Bes. Paulit-ulit na lang ‘yang linya mo eh. Tatlong taon ka nang nag-a-assume ng proposal na puro false alarm. Hindi ka ba nagsasawa sa kaka-assume mo?”
“Sorry naman excited ang tao eh. Pero bestfriend, this time feel ko totoo na talaga ‘to. Magpo-propose na talaga sa ‘kin ang honey ko,” sabi niyang parang nangangarap ng gising. “Best Man ka sa wedding ko ha.”
“Oo na. Just get that damn ring already, will you, Harper?”
“Syempre naman,” sagot niyang abot-tenga ang ngiti bago nagpaalam na kaibigan. Nag-spray siya ng paborito niyang pabango at muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Marahan siyang bumaba ng hagdan kahit sa totoo lang gusto niya nang tumalon sa sobrang excitement. Alam niya kasing pinagmamasdan siya ng boyfriend niya habang bumaba siya kaya pa-poise effect siya.
“You look lovely tonight,” bungad sa kaniya ni Deither na eight years na niyang boyfriend. Tinanggap niya ang halik nito sa pisngi.
“Thank you.” Nag-blush si Harper.
“Shall we go?”
Nakangiti siyang tumango. Humawak siya sa braso ni Deither at sabay silang lumabas ng bahay. Pasimple pa silang nagsenyasan ng ‘okay’ ng katulong nilang si Daphne.
Dinala siya ng boyfriend sa isang eleganteng restaurant. First time nila nitong mag-date sa mamahalin. Dati kasi hanggang KFC lang sila, Chowking o di kaya ay sa Max. Pareho pa kasi silang nasa college nung una. Nang maka-graduate naman ay pareho naman silang nagtitipid. Siya ay dahil gusto niyang tumulong sa gastos sa kasal nila. Alam naman kasi niyang magastos ang magpakasal. Isa pa ay hindi naman masyadong mayaman ang pamilya nila pareho. Ang boyfriend niya, she’s sure, ay nagtitipid para sa kasal nila. Not to mention yung engagement ring pa.
“Bakit dito tayo magdi-dinner ngayon,” tanong niya kunwari matapos siyang alalayang makaupo ni Deither.
“Para maiba naman,” kaswal nitong sagot.
Iiiiiiii kunwari pa. Halata ko naman, kinikilig na sabi niya sa isip.
They talk during dinner like they always do. Pero si Harper, alert sa mga nangyayari. Pati yung mga pagkaing sine-serve sa kanila ini-inspect niyang mabuti. Baka kasi andun yung engagement ring. Mahirap na, baka malunok niya pa. Pero medyo na-disappoint siya nang mai-serve ang dessert at wala siyang nakitang singsing.
Lintek! False alarm na naman.
Inis na inumpisan niyang lapangin ang cake.
BINABASA MO ANG
How to Date an Enchanted Boyfriend (On Hold)
FantasyGusto mo ba ng "custom-made" boyfriend? Then try the Enchanted Boyfriend Spell and see if a perfect boyfriend is really what you need to be happy. Broken-hearted si Harper dahil kabe-break lang nila ng long-time boyfriend niyang akala niya ay magigi...