Note: Sorry sa biglaan kong pagpapalit ng POV. Tingin ko kasi mas magandang gawing first person POV dahil sa takbo ng story so far. Mas feel ang pag-e-emote ng bida. Saka ko na lang ie-edit yung chapter 1.
Three days later.
“So ano’ng balak mo ngayon?” tanong sa akin ng kababata kong si Raymond. Nasa icecream café kami noon. Inilibre ako ni Raymond ng icecream dahil daw broken hearted ako.
“Ewan ko, Bes,” medyo naiiling na sabi ko bago sumubo ng icecream at ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Parang hindi pa rin ako makapaniwala eh. Biruin mo eight years kami mag-boyfriend. Ibinigay ko na sa kaniya halos lahat.”
“Lahat!?”
“HALOS lahat, bestfriend. Halos lang. Hindi ko isinuko ang Bataan. Buti na lang. Kungdi mapapatay ko talaga ang gago kong ex,” nanggigigil kong sabi sabay inis na sumubo uli ng icecream.
“Mabuti naman. Kungdi ibibitin kita nang patiwarik sa likod-bahay ni aling Maring.”
“Ang sama mo naman. Hindi ba pwedeng pagalitan mo na lang muna ako? Ipapain mo ‘ko kaagad sa asawa ni Hudas.”
“Kaya nga magpasalamat ka at hindi nadungisan ng hudas mong boyfriend ang puri mo.”
“Correction. EX-boyfriend.”
“Oo na.”
“So ano na ngang gagawin mo ngayon?”
“Ano pa? Eh di kakalimutan ko na lang siya. May iba pa ba ako’ng magagawa?”
“Mabuti naman. Tama ‘yan. Mag move on ka na. Tutal marami pa naming ibang lalaki diyan na mas matino kesa sa Deither na ‘yon.”
Hindi ako nag-comment sa sinabi ng kaibigan ko. Kasi kahit naman iniwan ako ng boyfriend ko, masasabi ko namang matino pa rin naman ito kumpara sa iba. Hindi naman niya ako niloko eh. Siguro talaga lang hindi niya ako masyadong mahal. Hindi naman siguro kasalanan ‘yon ni Diether, di ba?
Isunubo ko ang huling icecream na natitira sa mataas na baso bago ako nagpaalam sa kausap.
“Sige, Bes. Mauna na ‘ko. Salamat sa icecream ha.”
Tinanguan lang ako ni Raymond bilang sagot. Naiwan pa ito dahil halos kalahati pa ang laman ng sariling baso. Hindi kasi talaga siya masyadong mahilig sa matatamis. Pinagbigyan niya lang ako dahil siguro naaawa sa akin.
Nilakad ko ang daan pabalik sa bahay. Halos ilang bloke lang naman kasi iyon mula sa plaza ng bayan ng San Roque kung saan naroon ang wet market, mga hilira ng maliit na grocery stores, mga tindahan ng RTW na mga damit, bilihan ng accessories, ang public plaza na nagsisilbi na ring park, at ang pinakamalapit na library, kung saan ako suki. Kaya very convenient talaga. Dumaan muna ako sa bilihan ng chichiriya para bilin ang mga bilin si mommy. May lakad kasi ito at ang boyfriend nito. Out of town kaya nagpapabili ng makukukot. Feeling ko tuloy ay dinaig niya pa ‘ko. Kami nga ni Diether hanggang sine lang at perya pag may fiesta. Si mommy out of town pa.
Nang matapos mamili, isang bloke palang ang aking nalalakad nang bigla akong mapatigil. Nadaanan ko kasi ang pwesto ng pinakamagaling na mananahi sa San Roque, si Mrs. Jacinto. Mula sa labas ay kita sa salaming bintana ang kliyente nito. Si Diether! At may kasamang babae. Kasalukuyang sinusukatan ni Mrs. Jacinto ang kasama ni Diether habang nakangiting nagmamasid ang hudas kong ex.
BINABASA MO ANG
How to Date an Enchanted Boyfriend (On Hold)
FantasyGusto mo ba ng "custom-made" boyfriend? Then try the Enchanted Boyfriend Spell and see if a perfect boyfriend is really what you need to be happy. Broken-hearted si Harper dahil kabe-break lang nila ng long-time boyfriend niyang akala niya ay magigi...