Nagising ako kinabukasan sa pagtalak ni Aling Maring. Kaya hindi ko na pinalitan ng battery yung alarm clock ko eh. Daig pa ni Aling Maring ang tilaok ng manok. Laging on time magbunganga.
“Pambihira ‘tong biyudang ‘to. Pag ako nag-e-emote galit agad. Pero pag siya kung makatalak parang laging may amplifier ang bunganga,” inis na reklamo ko sa sarili bago patamad na naghikab.
Bumangon ako paupo sa kama habang nagkukusot ng mata nang bigla akong matigilan. May nakatayong lalaki sa harap ko! He’s completely naked pa!!!
Nganga at nanlalaki ang mga mata ko habang natutulala sa kaniya dahil sa sobrang kabiglaan. Ikaw ba naman magising na may nakahubad na lalaki sa kwarto mo ewan na lang kung hindi ka matulala. At hindi lang basta lalaki. Isa siyang CERTIFIED HOTTIE!!!
“Magandang umaga,” bati niyang ngumiti nang ubod tamis.
“Kyaaaaaaaaaaaaaaa!”
“Si-sino ka? Paano ka nakapasok dito? At bakit ka nakahubad?”
“Re-rape-in mo ‘ko noh? Subukan mo lang, hindi ka na makakalabas ng buhay sa kwarto ko.”
“Rape? Ano yung rape?” inosenteng tanong niya. Nag-tilt pa nga ang ulo niya eh. Ang cute lang, I swear. Pero hindi dapat magpa-apekto. Malay ko ba kung umaarte lang siya. I shook my head para tanggalin sa isip ko ang pagiging adorable niya.
“As if hindi mo alam.”
Umiling-iling siya. Mukha talaga siyang inosente. Grabe hindi niya nga yata talaga alam kung ano yung rape. Kasi naman mukha siyang Japanese eh. Baka hindi uso sa Japan ang salitang rape. Ano naman kaya ‘yon sa Japanese?
“Ano yung rape?” tanong uli niya.
“Ah…ano…yung…ahhhhh…” Buset! Paano ko ba kasi ipapaliwanag ‘yon? Uber awkward ang feeling dre.
Iibahin ko na lang sana ang usapan pero bigla ba namang siyang dumukwang sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kakagulat. Nag-lean pa siya sa kama ko. Naaamoy ko tuloy siya. Ang bango parang bagong paligo lang. Nagba-blush tuloy ako kaya kandaiwas ako ng tingin. Nagtakip pa nga ako ng mukha eh.
Dahan-dahan akong sumilip mula sa mga daliri ko nang wala akong marinig sa kaniya. Ganun pa rin ang position niya. Nakatunganga pa rin sa ‘kin. Parang naghihintay talaga ng sagot ko. Ang gwapo niya nga eh lalo na sa malapitan. Grabe para lang siyang anghel na hulog ng langit.
Napilitian akong magpaliwanag nang hindi pa rin siya kumilos after several minutes. Mukhang tanga na kasi kami dito eh. Naghihintayan saw ala.
“Ano kasi yun…yung…” tangina. Pano ba kasi ipaliwanag ang rape? Inis na tanong ko sa sarili. “Ahm…yung hahalikan ka, pero ayaw mo. At yayakapin ka, pero ayaw mo.”
Saglit siyang nag-isip.
“Parang good morning kiss?”
Nyek! Good morning kiss. Ang layo. Pero sige na, magtigili ka na lang.
“Ah, oo. Yun nga,” pagsisinungaling ko. Nagtaka nang ngumiti siya. Pero in fairness, nakaka-inlove ang ngiti niya, grabe.
“Kung ganon. Pwede ba kitang ma-rape tuwing umaga?” nakangiti niyang suggestion. Laglag ang panga ko. Amputcha! Ano ba ‘tong lalaking ‘to? Ginagago ba ‘ko nito?
BINABASA MO ANG
How to Date an Enchanted Boyfriend (On Hold)
FantasyGusto mo ba ng "custom-made" boyfriend? Then try the Enchanted Boyfriend Spell and see if a perfect boyfriend is really what you need to be happy. Broken-hearted si Harper dahil kabe-break lang nila ng long-time boyfriend niyang akala niya ay magigi...