Chapter 19 First Date with Andrew

3.3K 36 2
                                    

October 8, 2013 Tuesday

Hello to my new readers! Sobrang saya ko kasi naappreciate niyo 'yung story ko. Xoxo :* Comments lang po kayo.. :"> Birthday & Graduation month ko 'to. Share lang! ;)

Chapter 19

Lexie's POV

Hindi naman sa atat masyado pero nagmadali talaga akong lumabas ng last subject ko for this day para puntahan na ang taong susundo sakin. Dumaan pa ako sa comfort room para itali ang buhok na hanggang lampas balikat ang haba nito. Tapos nagpulbo ulit ako saka naglipstick na kulay light pink.

Tiningnan ko 'yung sarili ko sa mirror at ngumiti. Di man ako katulad ng iba na palaayos ng sobra, at least alam kong presentable akong tao. Ayoko kasi magmake-up dahil nga pakiramdam ko ibang tao ako kapag ganun kahit pang-enhance pa ng kagandahan 'yun ng isang babae. Sabi nga nila, simplicity is beauty. Tama naman di ba?

At isa pa, gusto ako ni Andrew kahit ganito lang ang hitsura ko. Tanggap niya kung sino at ano ako. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili. Kontento na ako na ganito ako. Ordinaryong babae pero alam kong unique ako. Everyone has uniqueness, ika nga.

Lumabas na ko ng comfort room at tumungo kung nasaan ang puso ko. Ahihi.

Hinanap agad ng mata ko siya. Nandiyan na pala siya. Nakatayo lang malapit sa front gate ng university namin. Parang tumangkad pa siya lalo ha. Nadagdagan na rin ang taba niya. Haha! Hindi siya mataba ha, sakto lang 'yung katawan niya. Lalaking-lalaki tingnan. Pati ayos ng buhok niya iba na rin. May pataas taas pa ng buhok. Maporma ngayon ha. Kulay navy blue ang v-neck t-shirt niya tapos nakadenim pants siya. Gwapo talaga ni Andrew! Lakas ng appeal eh! Pinagtitingnan tuloy siya ng ibang babae doon.

"Ang gwapo ni kuyaaa!"

"Taga dito kaya 'yan?"

"Ano kaya ang pangalan niya?"

"Mukhang may susunduin siya ha!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga narinig ko. Siyempre, hindi lang naman ako ang nakakaappreciate ng kagwapuhan niya, 'yung iba din. Sorry girls, hanggang tingin lang kayo. Mehehe. Tiningnan ko na lang siya at napalis na rin ang pagkalungkot ko.

Nakangiti ako habang palapit sa kinaroroonan niya. Ang saya kasi eh! Nandito siya at makakasama ko pa talaga. Kung dati pangarap ko lang 'to, ngayon nangyayari na. :"> Huwag talagang bitawan ang pangarap noh? Kasi makakamtam mo din sa huli. Hihihi.

Natanaw niya na ko kaya sinalubong na rin niya ako na nakangiting malapad sakin. Nagulat na lang ako ng biglang niyakap niya ako kaagad-agad. Mahigpit. Naestatwa ako. Di masyado excited siya noh? Abot tenga pa lalo ang ngiti ko. Sasabog na ata 'tong puso ko sa saya.

"Grabe Lexie! Sobrang namiss kita." bulong niya sa tenga ko. Ewan ko ba nakiliti ako medyo. Ngayon lang kasi ganito ang yakap niya sakin. Not just friendly hug eh. There's something more.

I hugged him back. "N-Namiss din kita. S-Sobra." nahihiyang tugon ko sa sinabi niya.

After non, nagkalas na kami sa pagkakayakap. Ramdam na rin namin kasi 'yung mga stares ng ibang tao lalo na ng estudyante na nandoon sa front gate. May mga mukhang nagtataka. Wag ko na lang pansinin. Di naman mahalaga sila sakin. Hahaha.

"Tara na?" masiglang aya niya sakin.

"Sige ba."

Naglakad kami ng sabay pero hindi pa naghohilding hands. Baka mamaya siguro. Hehe. Chos! Nasa public place eh saka hiya ako noh! Kala niyo lang hindi. Mejj awkward 'tong level up ng friendship namin. I guess, MU na kami. Ayeeee! Ano sa tingin niyo?

Nice Girl Meets The Bad Boy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon