Chapter 25 Her Sweet Surprise

3.1K 31 7
                                    

November 24, 2013 Blessed Sunday

Chapter 25

Lexie's POV

Isa. Dalawa. Tatlo. Hingang malalim, Lexie. Kaya mo 'yan. Wag kang kabahan. Tao lang 'yan. Di naman siya mangangagat. Wag kang mahiya. Tama lang ang gagawin mo. Para mabawasan 'yung nararamdaman mong guilty. Babawi ka kay Ash ngayon.

Sumilip ako saglit kung nandoon na nga sila. Siya lang pala mag-isa. Di man lang kami nagpang-abot ni Zac. Sayang. Humingi kasi ako ng pabor kay Hermie thru text na gusto kong makausap saglit si Ash tapos sabi niya sabihan daw niya si Zac para maisurprise namin si Ash ngayon.

At heto ako, di pa ako pumapasok sa sinabing meeting place nila.

May tao na sa loob ng isang bakanteng kwarto na malapit sa court. Hindi maitatanggi na siya na nga ang nakatayo diyan kaso nakatalikod mula sa pwesto ko. Jusko! Bakit ako kinakabahan ng ganito? Parang lulundag ang puso ko na ewan. Huhuhu.

Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan niya. Naramdaman niya ang paglakad ko kung kaya't humarap na rin siya sakin.

"A-Ash..." Iyan lang lumabas mula sa mga labi ko. Bakit ang hirap magsalita ngayon?

Una nabigla siya ng makita ako pero mabilis ding nawala ang reaksyon niyang 'yun at nagpoker face na  lamang siya.

"Kanina ka pa nandito?"

Nagnod ako. "Oo kanina pa.... simula nong parade." Nahihiyang sagot ko pa.

Malamig na tinignan lang niya ko. Bakit di masiglang at mapang-asar na Ash ang nasa harapan ko ngayon? Bakit nagkakaganiyan siya? Totoo ba 'yung mga kwento sakin nila Lucy at Zac na talagang hinanap niya pa ako?

"Nasa bandang itaas kasi ako... kaya di mo ko nakita." Ewan ko ba pero feel ko lang mag-explain sa kaniya. 'Yun tingin kasi niya sakin parang naghihintay na magpaliwanag ako ng kusa. 

"Tsk." 

Katahimikan lang ang pumaloob sa pagitan namin. Hindi ko na kasi alam kung ano ang sasabihin ko pa sa kaniya. Saka parang wala naman siyang gana na kausapin pa ko. Nakatingin lang siya sakin na blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

Wala man lang ba siyang itatanong o sasabihin pa?

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang segundo na lang panigurado babalik na si Zac dito para tawagin si Ash na bumalik na sa court dahil matatapos na ang 5 minutes time-out na hiniling nila.

Ano ba Lexie? Nagplano-plano ka pa kanina tapos di mo rin gagawin. Bumawi ka na ngayon! Pangaral ng isipan ko.

Tinawid ko ang pagitan namin at ipinalupot ko ang mga braso ko sa katawan niya. Medyo mahigpit lang. Pero mas nagulat ako ng iniyakap niya rin sakin ang mga matitipunong braso niya at higpitan ito ng doble. Pakiramdam ko lumilindol sa kaba at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may racing ulit. Tapos rinig na rinig ko pa ang heartbeat niya kasi nasa tapat ako ng kaliwang chest part niya. Bakit parang sabay pa kami ng takbo ng puso? Weird.

"Buti nagpakita ka na sakin, babe."

'Yung balahibo ko sa katawan ko automatic na nagsitayuan. Kulang na lang pati buhok ko. Hahaha. Bakit napakasincere niyang sinabi ang katagang 'yan? Hindi maiwasang mag-init tuloy ang mga pisngi ko.

"Sorry Ash..." mahina pero sincere kong paghingi ng tawad sa kaniya. Sana maintindihan na niya kung bakit ako nagsosorry.

Pinat lang niya ang ulo ko. Nagtiningan kaming dalawa. Nakatula pa nga ako kasi mas matangkad siya sakin. "Ayusin mo na laro mo ha." concern na sabi ko. 

Nice Girl Meets The Bad Boy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon