Chapter 11 Araneta's Mansion

3.6K 34 2
                                    

June 20, 2013 Thurs

Check niyo 'yung photo sa gilid. Mansion nila Ash. <3

Chapter 11

Lexie’s POV

>>> ARANETA'S MANSION

After 1 hour long drive, nandito na kami sa harap ng gate ng mansion ng pamilya ni Ash.  Nakakashock kung gaano kalaki ‘yung bahay nila. Katulad ng hacienda ito sa may samin sa probinsiya. Bumukas ang malaking gate nila, mukhang automatic ‘yun kasi walang tao na mismong nagbukas. Pumasok na sa loo bang white BMW ni Ash sa loob. Umikot pa ito sa isang fountain na nakatapat sa mismong main door ng mansion.  Nauna akong bumaba, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ko ng pintuan kasi hindi niya talaga gagawin ‘yun.  May dumating na isang lalaki at ibinigay ni Ash ang car keys niya.

 “Mansion niyo talaga ‘to?” tanong ko habang nagmamasid sa buong kapaligiran. Garden kasi ‘yung nasa labas. Ang ganda pagmasdan nito lalo na kapag maghahapon na.

He just nodded. Tapos tuluy-tuloy siyang pumasok sa main door hindi man lang ako niyayang pumasok din. “Wait lang!” sigaw ko.

Lumingon siya sakin. Itinaas ‘yung isang kilay. Bakit ang sungit ng lalaking ‘to? O.o

“Bilisan mo maglakad, late na tayo!” sabi niya tapos tumuloy na sa paglalakad. Halatang inis siya. Wala naman akong ginawa kanina habang nasa sasakyan kaming dalawa. Tahimik nga lang ako non.

Sinundan ko na lang siya maglakad habang tinitingnan ko ang loob ng interior design ng bahay nila. Classy ang unang description ko kasi puro kulay Gold ang makikita mo. May malalaking mga paintings na nakasabit sa mga dingding. Maraming fresh flowers na makikita sa bawat sulok ng mansion. Pakiramdam ko tuloy nasa isang Royal Kingdom ako. :D

Huminto kami sa isang malaking pintuan na may engrave pa na dragon ang design nito. Hula ko, kitchen ang nasa loob nito. Biglang hinawakan ni Ash ‘yung right hand ko at pumasok na kami. Nandoon na sa isang lamesa ang parents niya, ang kuya niya at ang bunso nilang babae. Idagdag din ‘yung isang babae na partner ng kuya niya.  Girlfriend siguro! Grabe ang make-up ni Itey!  Ginawang coloring ang mukha! HAHAHA! Mas maganda sana kung wala siyang make-up.

Sinalubong kami ni Tita Emerald, ang mommy ni Ash at nagbeso beso kaming dalawa. Nahiya nga ako kasi di ako sanay at somehow, guilty rin ako dahil kalokohan lang ‘to.

Biglang hinapit ni Ash ako tapos nagsalita siya sa harap ng pamilya niya.“Dad, Mom, Bro, Sis, and Ate Tasha, this is my babe, my girlfriend, Lexie,” pagpapakilala niya. Nag-init ang pisngi ko at hindi ko alam ang irereact ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinapakilala ka ng boyfriend mo sa family niya? Nakakatuwa na nakakababa. >/////<

“Hello po! Nice to meet you all!” masayang sabi ko sa kanila tapos ngumiti ako.

Ngumiti din silang lahat sakin pero si Ate Tasha, nagtaas ng isang kilay. Ano bang problema ng babaeng ‘toh sakin? Isip-isip ko.

Iginaya kami sa pwesto kung saan kami uupo. Ganito ang set-up:

             _Tita Emerald _Kuya Andrei _His Girlfriend

Nice Girl Meets The Bad Boy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon