Tula ng isang torpe by Sleeplessguy. XD

5.5K 67 28
                                    

Tula ng Isang Torpe

Nov. 2, 2011

sleeplessguy

***

May gusto akong sabihin sayo

Ang kaso lang ay natatakot ako.

Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon mo

At tsaka baka iwasan at layuan mo pa ako.

Laman ka lagi ng isipan ko.

Kahit na inaamin ko, mahina ang utak ko.

Isa na rin siguro yun sa maraming dahilan.

Talagang nahihiya ako dahil wala akong kakayahan.

Ano nga namang maipagmamalaki ng isang tulad ko?

Mayaman ka, mahirap lang ako.

Ang ganda mo, pangit ako.

Tuwing nakikita kita, napapatulala ako.

Ang saya saya mo lagi.

Gustong-gusto kong nakikita ka lagi.

Ano na bang dapat gawin ko?

Ligawan kaya kita? Kaso bali-wala lang din kasi di mo naman ako gusto.

Naiinis ako dahil napakatorpe ko.

At yung gusto kong sabihin sayo, tinago ko pa dito.


***

haha. XD wala pa ko sa mood magupdate ng stories eh. Kaya kung ano ano nalang tuloy naiisip ko. Haha. Ayun, vote and comment kung nagustuhan.

My Poems (written in english and filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon