*Roger*
Nagising akong masakit ang mga kasu -kasuan. At putragis! Yamang pati ulo ko pala ay masakit. Unti - unti kong iminulat ang aking mga mata at saka ko lang napagtantong nasa hospital pala ako ng akmang igagalaw ko ang aking kanang braso ay may nakakabit pala dito. Pilit kong inalala ang lahat ng mga nangyari kanina. Ang pagkain ko. Ang pagtawid ko sa kabilang kalsada at ang Pag bundol saken ng isang kotse.
" Hay. Kung minamalas ka nga naman oh. "—impit kong daing.
"Pero teka paanong nap— ?" . Putol na pagtatanong ko sa aking sarili ng biglang may pumasok. Napalingon ako sa pag ingit ng pinto. At dun ay iniluwa nito ang dalawang nilalang. Babae at lalake. Yung babae marahil ay ang nurse dahil obvious naman sa pananamit nito. Yung lalaki naman ay... ay... Gwapo.
What? Did I say gwapo?
Oo na nga. Oo gwapo siya. Fair skin. Medyo blonde ang buhok. Ewan ko lang kung color yun o natural. At higit sa lahat napakalaki ng resemblance niya sa Hollywood actor na si Jake Gyllenhaal ng Broke back Mountain."O gising ka na pala dude. Kumusta pakiramdam mo? " Paunang tanong nito na nagpagitla saken sabay utos sa nurse na i - check ang vital signs ko. At ng OK naman na ang lahat ay sumenyas ito na lalabas na ng silid.
"O-ok naman na ang pakiramdam ko medyo masakit lang ng konte ang mga kasu kasuan ko". —pagkuway sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaharap ko. Did I mention na nakatitig siya saken habang nagsasalita? Kung hindi man ay pasensya na nag overlap lang siguro. (wink)
"Then good. But for now take a rest habang naghihintay tayo ng go signal kung pwede ka ng lumabas OK?." And nga pala I'm so sorry hindi ko na napansin ang pagtawid mo kanina. Sorry talaga dude. But anyways, OK na lahat ng bill dito. Wala ka ng dapat pa na alalahanin. Everything was settled. "— mahabang litanya nito.
Isang tango lang ang naisagot ko dito. Napipi na yata ako. Hindi niya pa kasi inaalis yung pagkakatitig niya saken eh. Para tuloy akong na stroke nito.
"Ahemmm"—biglang distract ko na umepekto naman. Dahil kitang kita ko kung paano ito umiwas ng tingin. Lihim akong napangiti sa aking nasaksihan. Nakakatuwa kasi yung itsura niya. Isang napaka gwapong lalake sa aking harapan na parang hiyang hiya? WTF! Diba?
Naglakad ito papuntang bintana habang nakapamulsa sa kanyang suot na slacks. "Ahhmm.. Salamat nga pala mister?!—
"Its Xanderr just call me Xanderr".— pamumutol nito saken sanang sasabihin.
"S-salamat nga pala sa pagdala mo saken dito." Sa wakas ay naisatinig ko din.
"Hindi mo kelangang magpasalamat kasi ako naman ang naka bangga sayo. Buti nga minor injuries lang ang inabot mo eh." So tutal alam mo ng pangalan ko. Can I ask yours? I mean for formality. What's your name?"
" R-roger. Just call me Roger na lang din."— sagot ko.
"Ohw I see. So nice to meet you mister Roger, sabay lahad ng kanang kamay saken. Agad ko namang inabot iyon. And shit! Biglang parang may rumagasang kuryente na nanggaling sa kanya patungo saken. And once again hindi ako makagalaw sa pakiramdam na iyon. First time kong maramdaman ang ganong feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nasa alapaap. Ramdam ko din kasi ang pagpisil nito dun sa parteng iyon. Ha? Teka? Bakit may pagpisil na naganap? Hmm... Anyway never mind.
Ngunit bigla akong natauhan ng magsalita ito. "Dude okay ka lang? Bat ka nakapikit?"
"H-ha? Ah eh, m-medyo inantok kasi ako eh. Pasensya ka na ha." Sabay bawi ng aking kamay sabay talikod na din. Teka? Ngumiti ba siya? Nako.nako.nako.nako. Nakakahiya ka Roger. Baka nangangamatis ka na. Por Diyos Por Santo wag naman po sana. Impit kong dasal. Napaisip din ako saglit. Kalma lang Roger. Huwag lumandi. Eh Ano naman ngayon kung gwapo siya? Gwapo lang lalandi na agad? Asan na ba ang pagiging dalagang pilipina ko? (chos..).
"Ahh okay. Sige labas muna ako saglit ha"—sabi nito sabay bigay saken ng ngiti na tuluyang nagpatunaw sa aking puso. Hindi ko alam na nakahawak na pala ako sa dibdib ko. Hayy...Ano ba naman ito? I have to control myself. Take note 'braincells', this is just the first time na nakilala ko ang lalakeng iyon. Kaya huwag malandi ha. Baka masapak pa ako nun! Paninisi ko sa kabilang bahagi ng aking isipan.
——
Hindi naman nagtagal ay nadischarged na ako. Actually napaka gentleman niya in fairness. Actually inalok niya pa nga ako na ihahatid daw ng bahay but I insisted na kaya ko naman na tutal naman ehh medyo okay na ako. Kaya wala na siyang nagawa. He even wanted to have my number daw? But I said wala akong telepono. Which is true. Para kasi saken ay di naman mahalaga ang mga gadget gadget na yan. Kelangan ko munang makapagtapos ng pagaaral bago yan at higit sa lahat para na din sa mama ko.
Speaking of mama. Paktay tayo niyan. Baka hinahanap na ako nun. Tumingin ako sa lumang lumang relo na bigay pa ng aking inay nung nasa probisiya pa kami. Alas kwatro na. Kaya nagmadali na akong maglakad. Ang weird lang kasi parang may nakasunod saken pero pagtingin ko ay wala naman pala. Kaya hina yaan ko na lang. Again, naalala ko naman ang mga pangyayari kanina. First time kong mabangga ha. At ayoko ng mapangalawahan pa. Haha. Buti na lang sobrang gwapo at bait nung nakabangga saken. Ano na nga ulit pangalan nun? Isip isip.
Ayown!"Xanderr"..."Ang gandang pangalan and it suits his personality inside out. Interesting." —Yun lang ang nasabi ko habang tinutumbok ang among tarangkahan ng may ngiti saken mga labi.
A/N: Yung names ng dalawang character sa Hit The Floor ay may kinalaman sa kwentong ito. Abangan na lang kung may mag aabang.
BINABASA MO ANG
THE 'HEIR' Of My Heart (bxb)
Random"A simple person with a simple life"- iyan ang description ng isang Roger Macaraeg dahil eversince ng iniwan siya ng isa sana sa mga pinakamahalagang tao sa buhay niya upang ipagpalit lang naman sa mana ng mga magulang nito. At iyon ay ang kanyang...