★★ROGER★★
Dalawang taon ang matuling lumipas.Dalawang taon na din kami ng inay dito sa maynila.Oo,matapos ang insidenteng iyon ang mga nakalipas na mga pangyayari ay napagdesisyunan ko na lumuwas ng maynila hindi para saken kundi para sa inay.Napansin ko kasi na simula ng itakwil kami ng itay para ipagpalit sa mga magulang at kayamanang mamanahin nito ay naging malulungkutin na ito.Hindi kumukibo at kadalasan sa gabi ay naririnig ko ang mga impit na pag iyak ng inay.
Halos madurog ang puso ko,ayaw ko kasi na makita at nakikita ang inay na nasasaktan dahil doble o mas maiging sabihin na nating tripleng sakit ang nararamdaman ko pag nakikita kung nasasaktan siya.Kung susumahin,at kung titingnan mo nga ang inay eh parang kahapon lang ang lahat ng naganap.
Pero hindi ako, masasabi kong mas naging matatag na ako ngayon.Matatag in the sense na hindi ko hahayaang may mga taong mananakit pa sa amin lalong lalo na kay inay dahil siya na lamang ang meron ako .Aalagaan ko siya sa sbot ng aking makakaya.Pangako ko yan sa Diyos at sa sarili ko. Kaya nga kinumbinsi ko si inay na lumuwas ng maynila para sa kanya at para makalimutan niya ang mga masasamang nangyari sa nakaraan sa awa ng Diyos eh pumayag naman na ito.Marahil napagtanto ng inay na tama lang ang desisyong magpakalayo-layo para mskalimot.At kung ako naman ang tatanungin niyo? Ayos na ako,kinalimutan at nakalimutan ko na iyon although may konting kirot pa din dito sa dibdib ko sa twing marereminisce ang lahat lahat pero sabi ko nga diba? im stronger now at di ko na nahahayaang matibag pa iyon.
Nga pala, ako si Roger Macaraeg di ko na sasabihin pa ang age ko hulaan niyo na lang pero bata pa ako ah.Only son , obvious naman na dahil dun sa naunang POV . NBSP/NBSG ako,yes tama kayo ng nababasa im bisexual because im attracted to both sexes but mostly to mens.Di ko nga din alam kung kailan nagsimula basta hinahayaan ko na lang na maramdaman dahil wala namang masama at hindi lang naman din ako ang nag iisang ganito at alam ko yun . Be a witty reader na lang.^_^
Sabado ngayon,wala akong pasok obvious naman,nagaaral nga pala ako sa isa sa mga public school dito at nasa ikaapat na taon na .Kapag ganitong kung mapapansin niyo eeh wala ang inay dahil andun nasa palengke .Maaga kasi kung gumising para ihanda ang mga panindang gulay.Nag prisinta na nga akong ihatd siya sa pakengke pero tumanggi ito huwag na daw at dito na lang ako sa bahay,kaya na di ako nangulit pa .Masaya ako dahil natutunan na ng inay ang ngumiti hindi tulad dati.Nagpapasalamat nga ako dahil kahit na hindi maalwan ang aming pamumuhay di tulad ng ibang pamilya diyan ay nakakaraos naman kumbaga sakto lang ika nga.
Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong boses mula sa pinto sa labas,si inay pala. Nakatulog pala ako at 5pm na.
"Roger, anak buksan mo itong pinto at ng makapaghanda na ako ng hapunan natin,teka? kumain ka ba kanina ng maigi anak?". Si nanay talaga oh ,kaya mahal na mahal ko eeh. "Opo nay ehh,kayo po ba kumain ba kayo ng maigi? at wag niyo po akong alalahanin kaya ko po ang sarili ko".—sagot ko.
"Ay oo nak kina Aling Bebang kinulit kasi ako kaya di na ako tumanggi".
"Ah ganun po ba o sige po nay akin na yan at ako na po ang magluluto at sasarapan ko po para sainyo,pahinga na po kayo".—sabi ko sabay yakap sa pinakamamahal kong ina. "Ikaw talagang bata ka o siya sige ang bait bait talaga ng anak ko".—si inay sabay halik sa noo ko."Kumusta naman pala ang pag aaral anak?"—maya- maya tanong nito.
"ok na ok po nay gagraduate na din ". "Basta pagbutihin mo anak ha".
"oo naman nay para satin po ito ".—pagkuway sagot ko na tinanguan at nginitian na lamang nito.Ako naman ay tumungo na sa kusina para ihanda ang mga lulutuin para sa hapunan.At ang napagdesisyunan kong lutuin ay CHOPSEUY .
Matapos magluto ay tinawag ko na ang inay para maghapunan at para makapagpahinga na din ito ng maayos.Habang nasa hapag ay konting kwentuhan tungkol sa kung ano ano hanggang sa mapadpad ang usapan sa pagkokolehiyo ko.Sabi ko naman eh pag iisipan ko pa dahil sa totoo lang ay di pa ako nakakapili kung ano.
Matapos maghapunan ay nagprisinta na akong maghugas ng pinagkainan.Nagtoothbrush at naglinis ng katawan bago nahiga sa katre . "Kailangan kong magsumikap para kay inay ,Kailangan makaahon kami ,hindi pwede yung ganito alam ko na nahihirapan na si Inay kahit di nito sabihin ,nararamdaman ko iyon".—at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha hanggang sa lamunin na ako ng antok.
W/N: Para may update lang po.I dont mind kung lame ang every ud ko.Basta alam ko na naisusulat ko kung ano ang gusto ko ay okey na ako .Gud evr:) and GRACIAS.
BINABASA MO ANG
THE 'HEIR' Of My Heart (bxb)
Sonstiges"A simple person with a simple life"- iyan ang description ng isang Roger Macaraeg dahil eversince ng iniwan siya ng isa sana sa mga pinakamahalagang tao sa buhay niya upang ipagpalit lang naman sa mana ng mga magulang nito. At iyon ay ang kanyang...