A/N: Ito po yung isa sa dalawang stories ko. Napag isip isip ko na di bale ng konti ang nagbabasa basta ang mahalaga eh, may sinusulat ako galing sa mga bagay bagay na inspired ako. Thank you po sa lahat , kung gusto niyo pong i vote sana po pero kung ayaw di wag , walang problema. Anyway kung gusto niyong updated to lagi , just comment po na lang.D
**************
*ROGER*
"Huwag mo namang gawin samin ng anak mo ito Damian ,maawa ka kahit man lamang sa anak mo ,,,please' _sabi ng inay habang nakaluhod na humahagulhol sa paanan ng aking walang kwentang ama. Ngunit sa kabila ng mga pagmamakaawa ni inay ay wari bang parang nawalan na ito ng pandinig . Ni hindi man lamang ito natinag sa kinatatayuan at nanatili lamang nakatitig sa kawalan.
Hindi rin nito alintana na nandun ako ng mga oras na iyon.
"Please , damian maawa ka samin ng anak mo,pamilya mo kami!bakit kailangang gawin mo ito samin!???akala ko ba mahal mo ako,kami ng anak mo , hu hu hu hu" --patuloy na palahaw ng aking inay habang nakayuko ito .
Masakit para sakin na makitang umiiyak ang inay lalo pa at ang dahilan nito ay ang walang kwenta kong ama . Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito.
Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sa nanlalabo kong mga mata dahil na din sa patuloy na pamamalisbis ng aking mga luha na tila ayaw maubos ang aking ina na patuloy na nagmamakaawa sa h*yop kong ama.
Maya maya pa ay nagsalita na ito.
"Umalis na kayo kung ayaw niyong ipakaladkad ko kayo palabas ng mansyon"- sigaw nito na ikinabigla ko.
Umayos ako at walang pakialam na pinunasan ng aking dalawang nanginginig na palad ang aking mukha .
"Maawa ka pl--"naputol ang dapat sanang sasabihin ng inay ng bigla itong mabuwal sa pagkakaluhod dahil sa pagsipa ng aking itay dito na siya pang lalong ikinagulat ko.
Ni sa hinagap ay di ko mawaring magagawa ito ng aking itay.
Sa pagkakataong iyon ay di na ako nakatiis pa sa pang-aaping ginagawa ng h*yop kong ama.Dali dali akong tumungo sa kinaroroonan ni inay at inakay ito patayo mula sa lupa.
"Tahan na nay , wala na tayong magagawa sa taong walang paninindigan . Kung hindi niya tayo matanggap at ng mga magulang niya eeh di wag!!"--mariin at makahulugan kong sabi habang humahagulhol na yakap ang inay..
"At pwede ba ,TAMA NA!!! hindi mo kelangang saktan ang inay ,tay! Wag kang mag alala aalis kami at sa pag alis namin itong tatandaan mo "PAGSISISIHAN MO ANG LAHAT NG ITO!!!
Nakatingin lng ito sa akin habang inaaya ko ng umalis ang nanay.
'EMOTIONLESS' yan ang mukha niya.
Ang h*yop! kong ama di man lang natinag.
"Kinamumuhian kita tay!!! kinamumuhian kitaaa!!!" --halos pasigaw ko ng sambit habang itinatayo si inay mula sa pagkakabagsak sa lupa.Kasabay nun ang walang tigil sa pag agos ng aking masaganang luha.
Hindi na din nagpapigil ang inay ngunit patuloy pa din sa pag iyak.Sa huling sandali ay tinitigan nito ang itay na pawang naka pokerface . At ang huling titig na iyon ang naging hudyat na simula sa araw na ito ay putol na sng lahat ng ugnayan namin sa mga Villamayor .
"MABUBUHAY KAMI NG INAY KAHIT WALA KA 'TAY , KAHIT WALA ANG YAMAN NG ANGKAN MO NA IPINANGPALIT MO SA'MIN"--- pahabol ko ng papalabas na kami ng gate. Masakit pero kelangan naming tanggapin ng inay ang lahat ng ito.
"Diyos ko,wag niyo po kaning pababayaan ng aking inay"--usal ko ng tuluyan ng makalabas ng empyernong bahay na iyon.
A/N: Ayan na po ang chap.1. Sa mga nagrequest na ituloy ko ang FME thanks po sunod ko na po siya.
BINABASA MO ANG
THE 'HEIR' Of My Heart (bxb)
Random"A simple person with a simple life"- iyan ang description ng isang Roger Macaraeg dahil eversince ng iniwan siya ng isa sana sa mga pinakamahalagang tao sa buhay niya upang ipagpalit lang naman sa mana ng mga magulang nito. At iyon ay ang kanyang...