CHAPTER 4.

330 15 2
                                    

*Roger*

Naging maayos naman ang lahat. Nakakaraos kahit na papaano. Ang nanay naman ,ayun! mas naging permanente na ang pagtirinda sa pwesto namin sa palengke. Hindi naman gaano kalakihan ang kinikita pero sapat na din sa pang araw-araw naming pamumuhay. At dahil sa isang public school lang ako nag aaral ay walang gaanong gastusin sa matrikula kaya naman nakapagpatuloy ako at heto nga by next month eh rarampa na ako sa stage and take note ako lang naman ang Valedictorian samin.

Wala si nanay ngayon ayun sa palengke, mas gusto niya daw kasi ang may ginagawa kaya hinayaan ko na lang. Gusto ko nga sanang sumama kasi holiday naman ngayon at walang pasok kaso wag na daw, asikasuhin ko na lang daw ang mga dapat kong gagawin sa aking pag aaral. Napakabait ni nanay, kaya gagawin ko din ang lahat para maiahon siya sa kahirapang ito.

Heto ako ngayon nakaupo sa bangkito, katatapos ko lang gawin ang nga dapat kong gawin. Maya maya pa, naisipan kong maglakad- lakad tutal tapos na ako at medyo matagal tagal na din akong hindi nakakalabas ng bahay.

Lumabas na ko ng bahay at matapos maikandado ang pinto ay lumabas na ako ng bakuran namin at sinimulang maglakad lakad. Wala pa din namang pinagbago sa lugar namin maliban na lamang sa mga bagong gawang mga daan at biglang sulputan ng mga tindahan at mga sari sari store. Siya nga pala medyo malapit kami sa 'famous sunset'- ika nga nila.

Lakad lang ako ng kakad . Patingin tingin sa paligid. Maingay, oo maingay talaga. Nandyan kasing maririnig mo iyong tunog ng mga sasakyang dumadaan at naghihintay ng mga pasahero, mga taong naglipana sa daan na di ko naman alam kung saan ang kanilang tungo dahil sila lang ang tanging nakakaalam kung saan.

Kakatuwang isipin na may mga tumitingin saken,, may mga babaeng bigla na lamang tititig at ngingiti saken kaya naman sinusuklian ko na lamang ng isang tipid na ngiti kahit na alam ko sa sariling ''di ko sila bet noh!' dahil di naman ako pinalaking bastos ng aking nanay. May mga binabae naman na kung makatitig eh, halos hubaran na ako, di ko na lang pinapansin iyon at sabi ko sa sariling 'teh, wa tayo talo!^_^.

Masisisi ba nila ako? Eh, kahit naman kasi papano ay may maipagmamalaki ako noh, yun nga lang di mo mahahalatang 'lalake din ang bet ko *wink*' actually di kasi ako katulad ng ibang beki's na sobrang out. In fact, gwapo talaga ako at medyo marami na ding nagsabi niyan saken. May kalakihan din ang aking katawan at maputi ako kahit na mahirap lang kami.

Maya maya pa, nakaramdam ako ng gutom kaya naman nagpalinga linga muna ako at naghanap ng mabibilhan. At sa wakas nakahanap din. Nasa kabilang kalye nga lang kaya obligado akong tumawid. Pagkatawid ko ay agad akong nagorder ng makakain.

"miss, isang footlong nga tsaka isang softdrinks." ako.

" ok sir, antay po kayo ng one minute."- sabi nito sabay ngiti.

At tumango na lang din ako bilang tugon.

Habang naghihintay ako sa order ay nagpalinga linga ako sa paligid at sa di inaasahan ay nadako ang aking tingin sa itim na kotse na naka park sa di gaanong matao. Medyo malayo ito sa kinatatayuan ko. At di kita ang loob dahil tinted ito. Sa unang tingin pa lang ay halatang mayaman ang may ari ng nasabing sasakyan. Hindi nga, mukhang sobrang yaman. Pero nakakapagtaka lang, paanong ang ganito kagarang sasakyan ay nagawi sa lugar na ito??? Hindi kasi bagay dahil karaniwang nakikita ang ganyang uri ng sasakyan sa mga mamahaling lugar tulad ng mga villages.

Sabagay, "ano nga bang pakealam ko?". Baka trip lang nung may ari ang maglibot libot at sa kasamaang palad ay napadpad siya sa lugar na katulad nito.

Pinagkibit balikat ko na lamang ang isiping iyon. At tamang tama naman at dumating na ang order ko. Nagsimula na akong kumain at matapos kumain ay napagpasyahan ko ng umuwi. Hinintay ko muna na humupa ang mga nagdadaang sasakyan bago ako tumawid. At ng madalang na ay saka ako humakbang paalis.

Ngunit nagkamali pala ako. Dahil paglingon ko sa kanan ay nakita ko ang isang kotse na mabilis ang takbo. Patungo saken. Biglang parang nanigas ang buong katawan ko at tila umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Namamanhid na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pag untog ko sa isang matigas na bagay na dahilan upang magdilim ang aking paningin. Hindi ko na mawari ang mga pangyayari. Kahit na may mga naririnig akong mga nagsisigawan na animoy humihingi ng tulong. Yun lang at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.



THE 'HEIR' Of My Heart (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon