BeckyMon: The Beki Chronicles
Pa- BARBIE
"Reymon! Rey! Mon! Mon! Huy gising!"
Nakaramdam na lang ako ng pagbatok. Si mama talaga napaka sadista.
"Ma naman! Sayang yung pag-eemote ko dito. Sinisira mo! Magpaka Santa ka naman kahit minsan. Sayang yung pagiging Santa Clara mo kung hindi mo gagamitin!"-Ako na todo daing kay mama.
"Gaga ka! Nakatulala ka kasi! Di mo ginagalaw pagkain mo! Pinagsasabi mo?! At bakit ka nga pala nakutulala? Aber?!"-Mama na nakatingin ng nakakaloko. Hays alam ko kung anong tingin nyan.
" Nako Ma ako ang tigilan mo! Hindi ako inlove! Sinasabi ko sayo!"Ako
"Sus! Wala naman akong sinasabi ah?"-Mama na painusente pa. " At staka Mon anak, ok lang saken kung ma-inlove ka, o magka-boyfriend, basta ba huwag ka lan nila sasaktan. Nako! Makakatikim sila ng krompal saken! Dadalhin ko sila sa Boogie Wonderland!"-Mama na may hand gestures pa!
Kakatawa talaga ito si mama. Lakas ng trip. Parang tropa lang turingan namin. Kaya mahal na mahal ko ito eh.
"Maiba ako anak. Bat ka nga ba nakatulala?"-Mama
" Wala lang iniisip ko lang si papa. Kumusta na kaya siya ma?"-Ako
Nakakalungkot lang isipin. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakita. Ilang taon na nga ba? Eight years? 16 years old na ko. Galit pa kaya siya saken? Tanggap na kaya niya na bakla ako? Kahit hindi ako tanggap ni papa, hindi ako nagtanim ng sama ng loob o galit sa kanya.
"Hindi natin alam nak. Siguro naman tama na walon taon para tanggapin ka niya. Sana maayos na sila."-Mama
" Huh?!"-Ako
"Nako nevermind anak."
Minsan ang mga nanay talaga natin may pagka-weird.
****************
"ANAK! ALIS NA AKO! PAG-ALIS MO, PAKI LOCK NA LANG ANG PINTO AH!? MAY DUPLICATE KEY KA NAMAN!"-Mama mula sa labas ng banyo. Naliligo kasi ako. May pasok pa naman ako.
"SIGE MA! INGAT KAYO!"-Ako
Nakarinig na lang ako ng pagbukas at sara ng pinto. Isang mananahi si mama. Nagtatrabaho siya sa isang pinaka malaking factory ng garments dito sa aming bayan. Minsan nga sinama niya ako dun sa pinagtatrabahuhan niya. Grabe lang sa laki. Ang daming makina para sa pananahi. Pinakilala rin ako ni mama sa boss nila. Si Mrs and Mr. Silvestes, ang may ari ng factory na pinagtatrabahuhan ni mama. Ang babait nila. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit nagtagal si mama sa trabaho niya. Dahil sa mababait na boss niya.
Nakwento rin sa akin ni mama na may anak sila na talaga namang sakit sa ulo ng mag-asawa. Nag re-rebelde daw ito. Sa hinuha ni mama, kaya daw yun nagkakaganon dahil, naghahanap ng atensyon sa magulang. Puro trabaho na lang daw kasi ang inaatupag ng mag-asawa. Hindi na nila natututukan ang kanilang anak. Hindi ko rin masisisi ang anak nila kung bakit siya nag kaganun. Hindi ko rin naman masisisi sila Mrs. And Mr. Selvestes ginagawa lang naman nila iyon para sa kinabukasan ng kanilang anak. Ayun nga lang, naaapektuhan ang kanilang anak.
Well, siguro ganyan talaga. Tao lang tayo eh. Walang perpektong tao. Walang perpektong relasyon o pamilya. Kasi nga tao tayo. Tanging Diyos lamang ang perpekto. Pero, sa kabila ng pagiging hindi perpekto natin, pwede tayong maging masaya.
*****************
"Manong Lando sa tabi lang po! Ito po bayad" sabay abot dito ng sampung piso. Isang tricycle driver si Manong Lando. Kumpare ito ni mama. Isa siya sa tumulong sa amin ni mama nung panahong hirap kami.

BINABASA MO ANG
BeckyMon:The Beki Chronicles(Editing)
Teen FictionBeckyMon: The Beki Chronicles My name is Reymon Geeno Santa Clara Pineda. 16 years old. Small, fair and cute. Yan ang perfect description sa akin. At ito ang aking kwento. Lahat ng Pangalan, Organisasyon, Eksena at Pangyayari ay kathang isip lamang...