BMTBC: Doll 1.5

9 0 0
                                    

BeckyMon: The Beki Chronicles

Pa-BARBIE

Agad agad akong gumora sa kwarto. Nanginginig pa ang aking kamay sa pagkakapihit ng doorknob. Baka napaano na si Sir Von! Agad ko naman itong binuksan at tumambad sa akin ang malamig na..... hangin na nanggagaling sa nakabukas na bintana. Wala akong masyadong makita dahil madilim sa aking kwarto. Bakit ba kasi nakapatay ang ilaw? Hindi pa naman ako sanay matulog pag patay ang ilaw feeling ko parang laging may nakatingin sa akin.

"Sir Von?" pagtawag ko dito ngunit wala namang sumagot.

"Sir Von? Gising pa po ba kayo?"

Binuksan ko muna ang ilaw sa aking kwarto. Ilang minuto pa akong maghihintay, matagal kasing sumindi ang ilaw dito sa kwarto.

"Sir Von?"

Nagpatay sindi ang ilaw sa aking kwarto. Ganito kasi ang ilaw dito sa aking kwarto kumurap-kurap kaya minsan hindi ko na pinapatay ang ilaw dito. Natatakaot kasi ako.

"Sir Von nasan ka?"

May naaninag akong taong nakatayo sa dulo ng kama. Hindi ko makita ang mukha dahil patay sindi ang ilaw. Alam kong si Sir Von kahit na nakatalikod ito kaya naman linapitan ko ito.

"Sir Von gising pa pala kayo."

Patuloy parin sa pagpatay-sindi ang ilaw hanggang sa tuluyang magpundi ito. Nilamon na naman tuloy ng dilim ang aking kwarto hindi ko tuloy makita ang aking dinaraanan. Tumigil muna ako sa paglalakad at hinintay na sumindi muli ang ilaw.

Umihip ang malamig na hangin na nanggagaling mula sa labas ng bintana. Kunilabutan ako. Nakarinig ako ng ungol. Ungol na nahihirapan. Nagsitayuan ang aking balahibo mula ulo hanggang paa. Hindi ako mapakali. Nagsunod sunod ang ungol. Linamon na ko ng matinding takot.

"Sir Von nasan ka? Natatakot ako."

Sumindi ang ilaw. Nawala ang LALAKING nakatayo sa dulo ng kama. MULTO. Yan ang namutawi sa aking bibig at...

"AAAAHHHHH! MULTOOOOOO!!"

"Uuuuggghhhh" muli na namang umungol at may naramdaman na lang akong kamay na humawak sa aking paa.

"Aaaaahhhhhh! Sir Von?!"

"Sinong multo?"

"Sir Von?! Bakit nakahiga ka sa sahig?!"

Agad ko naman itong inalalayan para maihiga sa kama. Graba sobrang init niya. Inaapoy siya ng lagnat.

"Shit! Ang taas ng lagnot mo! Teka lang po Sir Von kukuha lang ako ng bimpo at tubig sa planggana."

Nangmaihiga ko ito agad naman akong kumuha ng bimpo sa drawer at tubig sa banyo para mapunasan siya. Nagi-guilty tuloy ako, kung hindi ako masyadong naging mabagal, at naihatid ko agad yung gamot niya, edi sana nainom niya ito agad para hindi na lumala ang sakit niya.

"Sir Von uminom muna kayo ng gamot para mapunasan ko na rin po kayo." sabi ko dito. Inalaalayan ko itong umupo para mainom niya na ang kanyang gamot. Habang umiinom ito, hindi ko maiwasang mailang dahil nakatingin ito sa akin.

'Shit! Ang gwapo naman ng makakatabi ko ngayong gabi. Makatulog kaya ako nito?' sabi ko sa isip ko.

"Anong binubulong mo diyan?" tanong nito sa akin. Inabot naman nito sa akin ang basong ininuman niya.

"Bakit po ba kayo makatingin sa akin ng ganyan?" pabalik na tanong ko dito.

"Ako ang naunang magtanong." sabi naman nito. Natigilan naman ako. Oo nga! Nakakahiya anak ito ng ama ni mama, para ko na rin itong amo. Pero ano na lang ang sasabihin ko? Sasabihin ko bang 'Ang gwapo ninyo po kasi hindi ako mapakali' o 'Hindi po kasi ako sanay ng may katabing Gwapo.'? Ugh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BeckyMon:The Beki Chronicles(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon