BeckyMon: The Beki Chronicles
Pa- BARBIE
Eight years old na ako that time. Marami nang nagbago. Marami na ring pagbabago ang nakikita sa akin nila mama't papa.
Isang gabi. Narinig kong nag-uusap sila mama. Hindi ko ugaling makinig sa pag-uusap ng dalawang tao lalo na kung nakakatanda ang nag-uusap. Kabastusan iyon eh. Siguro, hindi naman masama kung makinig ako. Ngayon lang naman ito.
"Iyang si Reymon, napaka lamya parang hindi lalaki!"
Si papa. Lasing at naka-inom. Kasama ng mga kumpare niya.
"Biruin mo! Dinaig niya pa yung kalaro nyang babae sa pagkahinhen! Tsk!"-Papa
" hahahaha"-Kumpare #01
"bwahahahaha"-Kumpare #02
" hahaha bakla ata yang anak mo eh!"-Kumpare #03
"Tang-ina lang! Wala akong anak na bakla!"
Ang sabi ng matatanda wag ka daw makinig sa usapan nila. Lalo na kung lasing sila. Oo nga naman huwag.
Ang sakit lang!
Kinabukasan...
Yinaya ako ni Diane na maglaro ng Chinese garter. Tutal naman, tapos na akong maglinis ng bahay, siguro naman pwede na kong maglaro.
"Ma! Maglalaro lang po kami ni Diane sa tapat ng bahay!"-Ako
"Sige! Wag lalayo ah? Parating na ang papa mo!"-Mama
**********
"Taya na kayo!"-Diane
" Hoy hindi pa! Natalon ko naman ah?"-Kalaro #01
"Hoy! Wag kang madaya! Diba may rules tayo? No galaw. So, gumalaw yung garter so tayo na kayo!"-Diane
" Tanga-tanga mo kasi eh!"-Kalaro#02 sabay batok dun sa kakampi niya.
Turn na namin ni Diane. Nakatira na si Diane. Ako na lang hindi.
"Go beks!"-Diane na tuwang tuwa ang pumalakpak pa.
Kinakabahan ako that time. Ang taas kasi nung garter hindi ko ata kaya. Bumwelo muna ako at staka tumakbo para tumalon.
*clap! Clap! Clap!*
"Beks! Ang galing mo! You did it!"-Diane na tuwang tuwa pa. Kakatawa talaga itong best friend ko.
" Ang galing naman ng UNICA IJA ko!"
"Papa..."
Sa bahay....
"WALA AKONG ANAK NA BAKLA!"
PAK!
Ang lakas ng sampal na iyon sa akin. Unang beses kong nasampal ng ganun kalakas. Parang yumanig ang buong pagkatao ko."Nicolo! Anong ginawa mo?! Anak mo yan! Bakit mo sya sinaktan?!"-Nanay na humahangos papunta sa akin. Agad ako nitong inalalayang tumayo. Ganun kalakas ang sampal sa akin ni papa na kaya ako nitong mabagsakin. Inakap ako ni mama.
"IYANG ANAK MONG BAKLA! NAKIKIPAG LARO NG PUTANG INANG GARTER NA YAN SA MGA KALARO NIYANG MGA BABAE AT SA KAPWA NIYA BAKLA!"-Papa.
" Nicolo! Ano ba! Kahit ganyan ang anak mo, lalamya-lamya, anak mo pa rin iyan! Dugo at laman mo pa rin yan. KAYA SANA NAMAN HUWAG MONG GANITUHIN ANG ANAK MO!"-Mama na lumuluha na. Napapaluha na rin ako.
"YAN! KAYA NAMAN PALA BABAKLA-BAKLA IYANG ANAK KASI KINUKUNSINTE MO! TANG INA! ANG IPINAGDASAL KO LALAKE HINDI BINABAE! WALA AKONG ANAK NA BAKLA!!!"-Papa
"Papa...."
"WAG NA WAG NO KONG TATAWAGING PAPA! HINDI KITA ANAK"-Papa
PAK!
Sinampal ni mama si papa. Agad akong tumayo at hinila palapit sa akin si mama. Kundi, masasapul sya ng kamao ni papa.
"Matatanggap ko pang sabihan mo ako ng masasakit na salita at pagbuhatan ng kamay. Pero, hindi ko ata matatanggap na pati si mama sasaktan mo."-Ako
"Huh! Abat marunong ka na palang sumagot bakla ka. Pwede ka ng sumali ng Miss Gay."-Papa
Lumapit siya sa amin ni mama. Bigla na lang kaming napaatras ni mama.
" Uulitin ko wala akong anak na bakla. Hindi ko inasam na magkatoon ng anak na gaya mo. Salot!"-Papa
Wala akong masabi. Ang sakit. Sobrang sakit. Sarili mong ama sinabihan kang salot? Napakasakit lang. Hindi ko na napigiling tumulo ang masasagana kong luha sa sobrang sakit.
"Nicolo sumusobra ka na! Alam kong hinangad mong magkaroon ng lalaking anak. Pero hindi rason para pagsalitaan ng ganyan ang anak mo! Ito ang tatandaan mo. Pagbalik-baliktarin man ang mundo. Paikot-ikitun man natin ito, sa huli siya parin ang anak mo! Ikaw parin ang ama niya. Kung hindi mo siya tanggap, at kung hindi mo siya ituturing na anak, pwes! Mabuti pang umalis na kami dito!"-Mama.
Wala na kong nagawa kundi ang umiyak. Ano nga naman ang magagawa ng isang walong taong gulang na bakla na lalampa-lampa, lalamya-lamya para hindi maghiwalay ang kanyang mama't papa.
Iyak lang ako ng iyak.
Ito ba ang kapalit ng pagiging bakla? Ito ba? Ako ang dahilan kung bakit maghihiwalay sila mama. Ang pagiging bakla ko ang dahilan. Totoo nga atang may sumpa ang pagiging bakla.
Bakla. TAONG niloloko, kinukutya, sinusuklaman ng lipunan. Hindi katanggap-tanggap. TAONG naghahanap ng kaligayan nasa pagkakaalam ko na sa pamilya niya matatagpuan. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayari? Maghihiwalay si mama't papa ng dahil sa akin!
Lumabas si mama ng kwarto dala-dala ang isang malaking bag. Naglalaman ito ng mga damit.
"Anak halika na. Aalis tayo. Ilalayo kita sa ama mong makitid ang pag-iisip!"-Mama.
"Sige layas! Magsilayas kayong mag-ina! Wag na kayong bumalik dito mga walang silbe!"-Papa na namumula sa galit.
" Talaga! Hindi na kami babalik."-Mama. Naglakad na kami palabas ng bahay. Hanggang ngayon di parin mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Wala akong magawa kundi ang umiyak.
Napatigil ako ng tumigil si mama sa paglalakad. Humarap ito kay papa.
"Nicolo. Hindi ko matanggap na ganito kahihinatnan nating dalawa. Pero mas hindi ko matatanggap na ganito ang magiging reaksyon mo. Akala ko ikaw ang unang makakatanggap ng pag katao ng anak mo! Pero hindi! Ikaw pa itong nagparamdam sa kanya ng kahihiyan!"-Mama. Agad na syang tumalikod. Bumaling sa akin si mama.
"Tara na anak."-Mama
" Pero Ma, si papa? Paano siya? Kailangan niyo pa po bang maghiwalay? San po tayo pupunta?-Ako
"Kailangan anak. Hanggat hindi pa pumapasok sa makitid na utak ng tatay mo kung ano ang ginawa niya. Masyadong nagpapakabitter ang tatay mo. Tanga-tanga."-Mama na inis na inis kay papa.
"Ma? Hindi ko po maintindihan? At bakit po kayo ganyan magsalita?"- inusente kong tanong.
"Ay! Pasensya na anakBalang araw maiintindihan mo rin ang lahat. Hays! Sana magakaayos na sila ni Jem. Para naman hindi magakaganito ang ama mo. Masyadong napapakabitter. Naiipit ka tuloy."-Mama
Tinignan ko lang si mama na may halong pagtatanong. Napabuntong hininga naman si mama.
" Hays! Tama nga si Denden. Ang ganda mo anak. May pinagmanahan."-Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/65825058-288-k936589.jpg)
BINABASA MO ANG
BeckyMon:The Beki Chronicles(Editing)
Roman pour AdolescentsBeckyMon: The Beki Chronicles My name is Reymon Geeno Santa Clara Pineda. 16 years old. Small, fair and cute. Yan ang perfect description sa akin. At ito ang aking kwento. Lahat ng Pangalan, Organisasyon, Eksena at Pangyayari ay kathang isip lamang...