BeckyMon: The Beki Chronicles
Pa-BARBIE
Pagdating sa bahay agad akong nahiga sa kama. Grabe ang araw na ito nakakapagod! Biruin mo ba naman, pagpasok ko pa lang sa room kanina nagbigay na agad ng surprise quiz ung Math teacher namin at talaga namang nakakasurprise. Wala aking naisagot, nakakuha tuloy ako ng tumataginting na itlog. Lahat ata ng subject nagbigay ng surprise quiz sabi naman ng adviser namin paghajanda daw ito sa nalalapit na Period Exam sa susunod na linngo. Syempre lahat kami nagulat at nag react. Hindi lang iyon, nagbigay pa ng project yung adviser namin sa Filipino na ipapasa before the day of exam. Oh diba? Iniisip ko pa lang nakakapagod na.
Sumabay pa yung lintek na Dennis na iyon! Pinagkalat ba naman na ang dami ko na daw naging BOYFRIENDS at EXPERIENCES! Hindi na ko na daw siya kakailanganin. Kaya tuloy ako ang napasama. Nagalit ang mga tagahanga at mga babae at binabae na nagkakagusto sa kanya. Gago talaga kahit kailan! Ang totoo niyan NBSB talaga ako at wala pa talagang EXPERIENCES sa kahit anong sexual activity sanabi ko lang iyon kay Dennis para tigilan na ko. Ang kaso hindi ayon ang nangyari mas lalong lumala pa.
Sa halip na problemahin at isipin ang mga school works at ang hinayupak na Dennis, umidlip muna ako. Kailangan may sapat akong lakas at tulog para naman may maayos akong magawa.
At nilamon na ko ng kadiliman...
Nasa mahimbing akong patutulog ng magising ako sa mga boses at tawanan sa baba. Nandyan na ata si mama mukhang may kasama pa ata. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Naka-uniform parin pala ako. Agad kong nagpalit ng damit at naghilamos. Nakakahiya naman sa bisita ni mama kung makikita akong magmuta-muta at may panis na laway sabihin pa ng bisita may anak pala si mama na isang Chipanggarutay. Ayaw ko namang sabihan ng ganun, sa GANDA KONG ITO?(Pagbigayan niyo na! Wala ng aangal minsan lang yan hahaha).
"Ma?"
"Oh? Anak! Gising ka na pala. Halika dito at kumain na papakilala kita sa ating bisita."
Agad naman akong tumalima sa hapag. Nagugutom na rin kasi ako. Napansin ko ang bisita ni mama. Hindi man lang ako nito tinapunan tingin. Patuloy parin itong lumalamon na parang wala ng matitirang pagkain sa mundo. Abat ang loko suplado. At ang angas ng dating. Bumagay pa dito ang gupit niyang Chicano at kinulayan ng pinaghalong black at brown, pa-Ombre ang style. Nagmukha tuloy siyang tambay diyan sa kanto namin.
"Anak! Ito nga pala si Marco Von. Siya ang anak ng aking amo na sila Mr and Mrs Silvestes. At Von, ito naman ang anak kong si Mon." pagpapakilala ni mama sa aming dalawa.
Medyo nahiya naman ako sa bisita namin. Ito pala ang anak ng amo ni mama. Infairness, halatang nagrerebelde nga ito. Paano ko nasabi? Well, nakikita ko sa na may maitim nA aura ang pumapalgid sa kanya na nag sasabing "Nagrerebelde akoooo.... Aaawwwoooo...👻" hahaha ano ba 'yan! Ano bang pinagsasabi ko?! Hahaha!
"Aaammm... Nice to meet you po Sir Von." magalang ko ditong pag bati. Saglit niyang itinigil ang kanyang pagkain at inangat ang kanyang ulong nakayuko. Tumingin naman ito sa akin ng diretso sa mata. Nakakahipnotismo ang kanyang malamig at itim na itim na mata. Punong-puno ito ng kalungkutan. Sa unang pagkakataon doon ko nasilayan ang kanyang mukha. Makinis ito halatang alaga. Matangos na ilong malarosas na labi. Yung buhok niya na parang buhok ng mga tambay diyan sa kanto ay bumagay sa kanya, hindi siya nag mukhang tambay.
Napansin ko rin ang kanyang kanang tenga na may dalawang hikaw. Siya na ata ang perfect example ng Bad boy/ Gangsta! Hahaha! Sa totoo lang ang hot niya siya na ata ang pinaka gwapong nakita at nakilala ko exception naman kila Joshua at ang siraulong Dennis na ihon, dinaig niya pa si Daniel Padilla at James Reid. Hays! Nakakailove!Hay! Ano ba itong pinagsasabi ko!
"Nice to meet you too!" ang walang gana niyang bati sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya. Shit! Minsan lang ako ma-inlove sa mata ng isang lalaki maski kay Joshua hindi ko ito naramdaman. Teka lang may mali sa sinabi ko! Inlove?! Ugh! No way! Tumitig rin ito sa akin na sa pakiwari ko'y ginagalugad ang buong pagkatao ko. Walang ano-ano'y kinindatan ako nito at ngumisi. Agad naman itong bumalik sa pagkain. Habang ako ay nakatulala at nabigla parin sa kanyang pagkindat. Shit namumula na talaga ako alam ko!
Tahimik...
"Nga pala anak. Dito muna magpapalipas ng gabi si Von. Wala kasi ang magulang niya wala siyang makakasama sa kanilang bahay. Kaya mamaya, dun muna siya kwarto mo matutulog tabi na lang kayo." pagbasag naman ni mama sa katahimikan. At wala parin akong kibo. Nasa state of shock parin ako. OA ba? Ganyan kasi ako pagtinamaan sa isang tao.
"Huy! Kinakausap ka ng mama mo!" nahiya naman ako sa lalaking kaharap ko. Kaya bumaling ng ako tingin kay mama.
"Ano nga po ulit iyon Ma?"
"Lutang ka na naman! Sabi ko, tabi muna kayo ni Von matulog mamaya."
Huh?! Tabi kaming matutulog. Si Marco Von Silvestes na anak ng amo ni mama, saksakan ng kagwapuhan na parang isang Greek God ay makakatabi ko mamaya sa pagtulog?! Huh! Ngayon palang hindi na ko mapakali pano pa kaya mamaya pag tabi na kaming matulog?! Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking dibdib. Nakabukas naman ang electric fan pero bakit ako naiinitan?!
"Oh?! Anak ok ka lang ba? Bakit namumula ka? May sakit ka ba?"
"Ah mama wala po... Mainit lang kasi hehehe!"
"Ok!"
Tumingin naman ako sa lalaking kaharap ko. Aba! Ang loko nakangisi! Napabuntong hininga naman ako. May tama na nga ako sa lalaking ito. Na Love at first sight ako!
***************
"Ma tapos na king maghugas punta na ko sa kwarto para makapagpahinga." sabi ko kay mama.
"Sige. Paki bigay na rin ito kay Von." sabay abot sa akin ng paracetamol.
"Teka Ma. May sakit ba si Sir Von?" tanong ko kay mama.
"Oh? Bakit parang concern na concern ka?" pang-iintriga naman ni mama. Ganon na ba ako ka-obvious?
"Hala?! Nako Ma! Yan ka na naman! Syempre tinatanong ko lang baka mahawa ako eh." pag-aalibi ko dito. Kahit payat ako malakas naman ang resistensya ko, kaya hindi ako madaling kapitan ng sakit. Gumawa labg ako ng alibi para hindi na magduda pa si mama. Mahirap na baka mabuking. Sa nakikita ko, parang close sila ni mama.
"Ok sabi mo eh." aba nginisian pa ako ng bruha kong ina. Iba talaga mang-radar ito.
"Tulog na ko ma."
"Saglit lang. Bigay mo itong gatas sa kanya. Huwag kang malikot matulog ah? Nakakahiya sa anak ng amo natin." bilin nito sa akin.
"Oo naman ma! As far as I know ikaw itong malikot matulog kaya hindi mo ko pinatabi sa iyo. Hmp!"
"Hahaha buti alam mo! O sya! Matulog ka na! At ako'y matutulog na rin. Maaga pa akong aalis bukas" sabi ni mama at pumunta na sa kanyang kwarto para makapagpahinga.
Pumunta muna ako sa sala para buksan ang t.v.. Ayaw ko muna dumiretso sa kwarto. Naiilang parin kasi ako sa bisita namin. Naiilang hindi dahil sa 'may bisita kami' kundi in a way na 'gusto ko siya'.
Agad agad?!
Oo! Bakit aangal ka?
Sus! Nalaman mo lang na ayaw sa mga bakla ng Fafa Josh mo na ilabado ka na agad dyan kay Vona!?
Anong Vona ang pinagsasabi mo?! Nako! Tigilan mo nga ako!
Sus! Ang pokashit mo!
Stop me!
Ok
Matapos makipag talaktakan sa alter ego ko, tumungo na ako sa kwarto ko, kung saan nandoon ang taong kinaiilangan ko. Napatagal pala ako sa sala. Alas 11:38 na pala ng gabi. Shit! Nalimutan ko yung gamot ni Sir Von.
Agad agad akong gumora sa kwarto. Nanginginig pa ang aking kamay sa pagkakapihit ng doorknob. Baka napaano na si Sir Von! Agad ko naman itong binuksan at tumambad sa akin ang......
Ang.......
Ang....
Malamig na..........
"SIR VON!"
BINABASA MO ANG
BeckyMon:The Beki Chronicles(Editing)
Novela JuvenilBeckyMon: The Beki Chronicles My name is Reymon Geeno Santa Clara Pineda. 16 years old. Small, fair and cute. Yan ang perfect description sa akin. At ito ang aking kwento. Lahat ng Pangalan, Organisasyon, Eksena at Pangyayari ay kathang isip lamang...