Pagkalabas ni althea sa resthouse
hagulhol na ang iyak nyaSobra syang nasaktan sa naging desisyon ni jade
Gustuhin nya mang ipaglaban pero di nya magawa dahil isa sa kanila ay sumuko na ng tuluyan
hinang hina si althea na naglakad pa dalampasigan
aaahhhhhhh- sigaw ni althea habang sinisipa sipa ang buhangin
Masaya ka na ba UNIVERSE! Pinagtagpo mo nga kami (she sobbed) Pero pinaghiwalay mo rin kami! Ano bang naging kasalanan ko sa mundo para saktan nyo ko ng ganito !! (sabay bagsak sa buhanginan na nakaluhod at panay ang iyak
***
Sa malayo tanaw ni jade si althea na galit na galitGusto niyang lapitan si althea para icomfort ito
Pero di nya magawa dahil sya ang dahilan kung bakit nasasaktan si althea ngayon
Tinawagan nya ang kaibigang si sally dahil di nya kakayanin ang mag isa ngayon dahil sitwasyon nila ni althea
wala pang tatlong ring sinagot na ito ni sally
" uyy gaga nasaan kayo ni althea"- bungad ni sally sa kanya ngunit puro hikbi lang ang nagiging tugon nya dahil di nya alam kung paano nya sisimulan) bestie umiiyak ka ba? Anong nangyari?"
"Best (iyak na naman) w..wala na ka..mi ni althea .. Pls puntahan mo naman ako dito oh"
"Okay sige.. pupunta kami ni batchi.. Nasaan ba kayo?"
"Nandito kami sa tagaytay sa resthouse ng mga guevarra"
"Okay sige.. Bye na best"
Called ended
Pumasok na ng bahay si jade dahil di nya kayang panoorin si althea na nasasaktan

BINABASA MO ANG
Twisty Heart
Fiksi PenggemarMahirap ang mag tapat ng nararamdaman sa taong gusto mo lalo na kung ang alam mong kaibigan lang ang turing nya sayo