Chapter:3 Bulletin Board

35 6 0
                                    

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at tinignan ko muli ang lahat ng bisitang naroroon.Inilagay ko na din sa pouch ko ang kwintas.Nang bigla nalang lumapit sa akin si Flora!Si Flora ang nag-iisa kong kaibigan at pinsan din.Si Flora ay isang Juding,bakla,bayot,gay ano pa ba!?Basta sya lang naman ang taong isa sa mga nakakapagpasaya sa akin.

"Oh bakit ka nandito Florancio Manuel?"Pagtataka kong tanong dito.

"Ewww!bruha ka wag mo nga akong matawag tawag na ganyan!Flora!Flora ang pangalan ko!Itong biik nato oh!"Sabay hampas nito sa akin.

"Pano mo pala ako nakilala,eh nakamask ang aura ko ateng?"

"Ay!tanga lang te!Malamang ikaw lang naman ang kilala kong may 3 layer na bilbil sa baba!Biro lang kasi naman kanina pa kita nakita ano!Kaso iniisnob mo ang beauty ko ateng"Nanganagasim na mukhang sabi nito,na dinaig pa ang pagmumukha ng mga taong kumain ng sampaloc sa sobrang pangit tignan ng pagmumukha nya!

"Edi shing!tong baklang to!Bakit ka nga pala nandito?"

"Ay ang tanga talaga ng papa mo!Malamang ateng imbitado ako!Ano ka ba naman ang Tito mo kasi natural na bussines man!Kaya palong palo imbitado ang fezlak ko!"

"Edi kayo na bakla!Abnormal ka talagang bakla,dinamay mo pa ang nanahimik na kaluluwa ni papa!Tsk!Kung makapagsalita naman to!Parang hindi mo tatay ang tito ko!Makikiparty ka pa ba?Ano sabay na kaya tayong umuwi!Uwi na tayo,tara na!"Aya ko dito.Dahil ayoko nang maabutan pang makita ako dito ng Dark leon.Tuluyan ko na din tinanggal ang mask ko.Gusto ko ng umalis dito,baka kung ano na naman kasing magyaring hindi maganda!Siguro sa susunod ko na lang gagawin ang misyon ko.

"Sige tara na.
Ang haba haba,ang haba haba.
Ang haba haba ng hotdog mo
Merong maliit,merong malaki.
Meron ding katulad ng sa iyo.
Boom tiyaya Boom tiyaya boom ye ye
Boom tiyaya boom tiyaya
Nabuntis ang lola mo."Pakanta kanta pa ito ng inibento nyang kanta sa tonong bulaklak.At pasayaw sayaw pa sa kalsada habang naglalakad kami.

"Tumigil ka na nga bakla,siguro kong marinig ka lang ni tito sabog na yang pagmumukha mo.Alam mo naman si tito masyadong relihiyoso yon.Baka pilikmata na lang matira sayo kapag nagkataon.Lalo na kapag nalaman nya ang mg kalaswaan pinaggagawa mo at ang kabaklaan ng nagiisa nyang junior"

Tila na patigil naman ito sa mga sinabi ko.

"Oo na ateng!Wag ka na lang magsumbong kay papa baka majombag pa ang dyosa kong fez.Libre na lang kita ng Lunch at dinner mo bukas sa school,I mean sa canteen"

"Ay!Very good ka bakla!Samahan mo na din ng tobleron at tyaka J.Co ah!"Pagpapacute kong sabi kay Florencio.

"Oo na,Ito talaga napaka patay gutom!Kaya naging tatlo na ang bilibil mo sa mukha eh!Wag ka nang magpacute baka anayin pa yang bilbil mo.Nakakasuka lang ateng!"Masama ko naman itong tinignan.

"Oo na ang ganda mo na best,pati bat parang ang sexy mo?"masuka suka pa itong tumingin sa akin.At noong binigyan ko na sya ng malademyong ngiti.Ngumiti na ang baklang ito at tila nagpapacute pa ang gaga.

Nakarating na kami sa madilim na pasilyo.Puro kahol na lang ng aso ang maririnig mo ngayon.Napakadilim at wala na ring katao tao ngayon.Nagulat kaming dalawa ni Flora ng bigla na lang may lalaking sumusunod sa amin.Pawang nagkatingin pa kami ni Flora.

"Ateng may nasunod sa atin.Mukhang hindi fafabol,mukhang syonggoy ateng.Baka mamurder pa ang beauty ko!"Bulong nito sa akin

"Alam ko bakla,na meroong nasunod sa atin!Anong gagawin natin!?"Nagpapanic kong tanong dito.Ninenerbyos ako sa maaring mangyare ngayon.Puro na lang kapahamakan ang nagaganap sa akin.Masaya dapat ang mga araw na ito sa akin kasi hindi ko pa nakikita ang mga multong nakikipag-usap sa akin.At hindi pa ako kinukulit ng bussines partner ni dad sa kanyang utang.Pero lagi nalang bang disaster ang magaganap sa akin?Hays!Ang malas ko talaga.Pero wala naman akong balat sa pwet.Pero bakit ang malas ko!?

His Last Sweet KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon