Chapter 5:PiggyHug

21 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!"inis kong tanong sa babaeng nakatayo sa kwarto ni kuya Zick.Medyo may edad na rin sya kumapara noong huli ko syang nakita.

"Anak"maluha luha nitong tawag sa akin at handa na niyang hawakan ang aking kamay ngunit tinabig ko ito.

"Anak?!pagkatapos ng lahat ng ginawa mo!Pagkatapos mo kaming iwan!Walang ka nang karapatan pang tawagin akong ganyan!"puno ng hinanakit ang puso ko ngayon.Hindi ko alam kong ano pa ang gagawin ko mula ng nakita ko siya ngayon.Napakasakit ng ginawa nya sa amin.

"Cy,itigil mo na yan"Maawtoridad na sabi ni kuya Zick sa akin.

"Anong itigil kuya!Ha!Pagkatapos ng lahat ginawa nya babalik sya dito,para ano?!Para sirain ulit ang pamilya natin.Napakawala niyang kwe.."Hindi ko na natapos pang sabihin ang sasabihin ko dahil dumapo na ang palad ni kuya Zick sa pisnge ko.

Tumutulo ang luha ko ng lumabas ako ng bahay.Hinila ni Florencio ang kamay ko at kumapit ito sa akin ngunit tinanggal ko ang pagkakapit nya at tumakbo na ko palabas.Gusto kong mapag-isa ngayon.Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.Bakit kailangan niya pang magpakita at ibalik ang mga alaalang matagal ko nang winaksi sa aking isipan.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang dinala ako ng aking mga paa sa park.Napakadilim na rin ngayon at wala ng katao-tao.Umupo ako sa isang upuan at duon ako patuloy na umiyak.

"Napakasama mo!Dahil sayo namatay si Dad!Bakit kailangan mo pang ibalik ang nakaraan na matagal ko nang kinalimutan?!Bakit kailangan mo pangmagpakitang muli?!Ang sakit sakit!"usal ko sa aking sarili at patuloy ang pagpatak ng aking mga luha kasabay ng pagpatak ng ulan.

Nagulat ako ng may lalaking nakahood ang lumapit sa akin.at binigyan ako ng panyo at kinuha ko ito.

"If you keep looking backwards like that none of us should have been born."with that word he left me.

Napatulala ako sa bulto nyang unti unti ng umaalis.Anong gusto niyang sabihin sakin.Ang kalimutan ang lahat!Ano bang alam nya!Narinig nya ba lahat ng mga sinasabi ko?!

kring-kring-kring

Ng biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?sino to?"tanong ko

"Omy gulay taba!Nasan ka ba?!Nag-aalala na kami sayo!Wag ka na ngang maginarte!Susundiin kita.Omah gas baka pumangit ako nito dahil sa nerbyos eh"maarte nitong sabi ngunit bakas ang pagaalala sa tono ng boses nito.

"Uuwi na ko"matamlay kong sabi dito at pinatay ko na ang cellphone ko.

Habang naglalakad ako parang may nasunod sa akin.

Rinig na rinig ko ang yabag ng mga paa nito.Kaya luminga ako sa aking likod ngunit wala naman akong nakita kaya pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

Napakadilim sa lugar na ito at walang katao tao.Habang nagpapatuloy ako sa aking paglalakad ay bigla na lamang lumakas ang hangin at tila rinig na rinig ko ang mga yabag.Naghuhurementado ang puso ko sa pagkabog ng mga oras na yon.Nahihirapan akong huminga.Kaya kahit na nahihirapan akong huminga pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.

Sa paglalakad kong yun bigla na lamang kumalabit sa aking likuran.Hindi ko kaagad ito nilingon,napakalamig ng mga kamay nito.Kinikilabutan ang aking sistema.Dapat pala hindi na ako pumunta pa sa lugar na ito.Ginagambala na naman ba nila ako?

Habang kinakausap ko ang aking sarili panay naman ang kalabit ng napakalamig na kamay sa aking likod kaya naman hinarap ko na ito.At nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko na kung sino ang kumakalabit sa aking likuran.

"Ano ang ginagawa mo dito baby girl sa ganitong oras?"pagtatakang tanong ko sa bata.Oo bata nga ang kumakalabit sa akin,napakaamo ng mukha nito at meron din itong napakaputing balat.

"Baby girl?"tanong ko ulit dito dahil hindi nito ako sinagot samakatwid tinignan lamang ako nito.

"Do not seek death,death will seek you out!"nanlaki ang mga mata ko sa mga oras na yun.At nagkakarera ang puso ko sa kabanag nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Tinignan ko ang bata tila nagaalab ang mga mata nito at nanlilisik na nakatingin sa akin.Nawala na ang maamo nitong mukha at tila naging nakakatakot na ang anyo nito.Punong puno ng dugo ang katawan nito at ang mukha nito ay parang sinunog na at labas na rin ang kanang mata nito at patuloy ang pag-agos ng dugo sa mata nito.Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun.Naistatwa ako sa kinalalagyan ko,unti uti na syang lumapit sa akin.At doon lamang nagproseso ang lahat sa utak ko.

Kaya naman tumakbo ako.I run away from her fast as I could.Nakakita ako ng hagdan pababa kaya naman nagtungo ako dun,pinilit kong makaalis sa lugar na ito.

Unti na lang din ay makakalapit na sa akin ang batang nagiba ng anyo.

Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at sa kasamaang palad nadapa ako.

Malapit na sya.....

Pinilit kong tumayo.At hindi ko na ininda pa ang sakit.Kailangan kong makalayo sa kanya.

Unti na lang malalapitan nya na ko...

Nang nakakita ako ng isang tao na nakaleather jacket.Agad ko itong niyakap.Wala akong pakialam kong sino pa man ito,dahil gusto ko lang naman mawala ang batang iyon dito.Nakaback hug ako sa lalaking estranghero.Niyakap ko ito ng mahigpit,nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino sya.

*******************************
Salamat sa mga nagbabasa.
Vomments kamsa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Last Sweet KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon