Nagtungo na ako sa first floor,kung nasaan ang bulletin board.
Habang papalapit ako andaming kumpulan dito.At sa hindi ko inaakalang pangyayari,bigla na lamang nila akong pinagbabato.
Pinagbabato nila ako ng itlog.Ang mga impaktita talagang tao dito,wala nang ginawa kung hindi magsayang ng pera porket mamayaman lamang sila.Hindi ba nila alam na lagi kaming nagtatalo ni kuya Zick kung sino ang may malaking parte ng ilog na pinirito,dahil napakalakas kasi talaga kumain ng ulupong kong kuya na si kuya Zick. Nananakit na din ang noo ko kakabato nila.Pero hindi ko ipinakitang nasasaktan ako.Tsk!Alam na alam ko naman kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito.Kahit na nasasaktan ako nakangiti parin akong humarap sakanila,para naman malaman nilang hindi ako basta basta magpapatalo no!
Napasinghap ang lahat ng nakapaligid sa akin,maging ako nabigla sa mga pangyayare nang bigla na lamang humarang si Jin.
Nagsitigil ang lahat sa pambabato.
Ano ba ang ginagawa mo Jin?Bakit mo naman ako inililigtas sa kanila?Ni walang nalabas sa aking bibig.Gusto kong itanong ang mga iyan kay Jin ngunit sa isip ko na lamang ito nasabi.
"Anong nangyayare kay Jin?"
"Hindi ko din alam girls,Hays!"
Nagulat ang lahat ng magsalita si Jin.
"Itigil nyo na yan!Umalis na kayo!"cold na sabi nito at sabay abot nito sa akin ng panyo.
Nagsialisan na naman ang lahat.Tumahimik na din ang paligid namin.Nang bigla na lamang dumating ang iba pang miyembro ng Dark Leon
"Ano ba sa tingin mo Jin,Ang ginagawa mo?"Naiinis na tanong ni Jade kay Jin,ngunit ang iba naman nilang mga kamyembro ay nanatili din lamang na tahimik.
"Itigil mo na to"Cold naman na sabi ni Jin.Halatang halatang may nabubuong tensyon sa kanilang dalawa.
"Wala kang karapatang utusan ako!"Nanggagalaiti namang sabi ni Jade.
Nang bigla na lamang akong hilain ni Jin.
"Jin saan mo ba ako dadalhin?"Pero ni hindi man lamang ako nito sinagot,hanggang sa tulyan na kaming nakarating sa labas ng school kung saan nakapark ang mga kotse at motorsiklo.Ni hindi ko din nagamit ang panyo na ibinigay niya sa akin.
Hinila nya ako papunta sa isang motorsiklong kulay pula.Kinuha nya ang helmet at binitawan na nya ang aking kamay.
Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko.Tila wala akong marinig kung ang pintig lamang nito.Para aking matutumba.Dahil napakalapit nya sakin.Amoy na amoy ko na rin ang napakabango niyang hininga.One inch na lamang ang pagitan namin sa isa't-isa.Feeling ko matutumba na ako.Eto na ba yon?Hahalikan nya na ba ako.Kaya naman napapikit na ako.
Bakit hindi ko madama yung labi nyang napakapula?
"Bakit ka nakapikit dyan?"Cold nitong tanong sa akin
"Ah eh kasi ano..kasi ano"Hindi ko alam ang idadahilan sakanya
"Nakakatuwa ka,wag mo na nga lang sabihin"Nakangiting sabi nito at ginulo nya ang aking buhok.
Napakagwapo niya kapag nakangiti kaya naman napakabilis din ng pintig ng aking puso.Siguro napakapula na ng aking pisngi ngayon.Kaya naman hindi ako masyadong makaharap sakanya ng maayos,dahil sa tingin ko pagpatuloy nya pa akong tinignan malulusaw ako at nanghihina din kasi ang tuhod ko sakanyang presensya.
"Isusuot ko lang sana sayo itong helmet"At tuluyan nya na ngang inilagay sa akin ang helmet.
Napatanga naman ako sakanya.Para sa akin napakasaya ng araw na ito.
"Hey!Tara sakay kana"Utos nito sa akin.Kaya naman sumakay na ako sa likod nya.Napakabango nya.Grabe ang pagsinghot ko,buti nga hindi nya ako napapansin.Pati todo kapit din ako sa bewang nya.Syempre baka ngaun lang to mangyari no!sayang naman ang pagkakataon,kaya sunggab na agad!Hays naku!Ang landi na naman ng utak ko!Magtigil ka nga dyan.
Mga kalipas ang ilang oras nakarating naman kami sa bakuran ng aking bahayng matiwasay,sinabi ko naman ang direksyon ng bahay namin kaya hindi na kami naligaw pa,dahil pasikot sikot talaga dito sa amin.
"Paalam!Salamat ulit"Pagpapaalam ko sakanya.At siya naman ay tuluyan ng pinaharurot ang kanyang motorsiklo.
Pumasok na ako sa bahay namin.At kumuha ng tubig sa aming kusina.Nang bigla na lamang sumulpot si Florencio.
"Bakla anong ginagawa mo dito?"pagtatakang tanong ko dito.
"Syempre namiss kita!Bakit hindi ka nga pala nagpapakita sa akin ha!"
"Eh kasi naman ateng,si pudrakels gustong ipasok ang beauty ko sa boxing!Sa ganda kong to!kaya ayun nagtago muna ako,kaya sorna naman ateng"Nakangiti nitong tugon,mukhang may ginagahasa na naman si bakla sa kanyang isipan.
"Ah okey.Tigil tigilan mo na yang kalandian mo baka mapatay ka ni Tito ng maaga"
"Che!Manahimik ka na nga lang taba kung wala kang magandang sasabihin.Panira ka talaga!Naiisip ko pa naman ang abs ni Fafa Jade.Gosh!Anserep nun papakin!"Tili nito
"Hay naku!Maghunos dili ka nga Florencio!Kurutin ko yang ano mo eh!"
"Che!May tatlong talong akong nakita,mataba,mapayat ang mga ito.Ngunit ang isa ay napakalaki. Siya ang lalaking nagsabi ng Ah-Aah-ah.Ah aah ah"Pakanta kanta pa ito ng bago nyang kamanyakan na version ng Tatlong bibe.
"Hay bakla ang bastos mo talaga!Manahimik ka na nga dyan,Tara na punta tayo sa kwarto ni kuya Zick!Kamustahin mo naman ang dalawa kong kapatid"Sabi ko sakanya habang hawak hawak ko padin ang isang basong may tubig
"Oo na Taba,kung hindi ko lang talaga pinsan yang kuya mo,Naku naku gosh!Tara na!I'm soo excited omogee!"Malandi nitong sabi sabay marahang hila sa akin.
Pumunta kami sa kwarto ni kuya Zick.Pagkabukas ng pinto naistatwa si bakla at nakaawang pa ang bibig nito.
"Bakla anong nangyare sayo?"Pagtataka kong tanong dito.Pero nanatili parin itong nakatanga kaya naman napagpasyahan ko na lang silipin ang pinto ng kwarto ni kuya.
Nabitawan ko ang baso ng nakita ko sya at napaawang ang bibig ko.
Anong na naman bang ginawa ng babaeng yan dito!?
Bakit sya nandito!Ano na naman bang kailangan niya!?
BINABASA MO ANG
His Last Sweet Kiss
RomanceWhat is love? Can we defind it... But for me love is sacrifised Every time you need to sacrifice Even if it is hard or not Love can change our lives Love is not all about happiness Love is not like they live happily ever after in a reality Love is n...