Dinner Date-3

16 0 0
                                    

Chapter 6

Di nagtagal at dumating na nga sila lugar kung saan magaganap ang first date nila.

Isa itong lugar na exclusive at very private, kasi naman walang ibang tao. Mahangin sa lugar na to kaya naman may kalamigan, kase medyo mataas ang lugar, parang rest house sa baguio ang ambience ng lugar.

Josh: wow! ang ganda naman dito, nakaka relax ang lugar, it's very peaceful. Parang bahay bakasyunan at ang lamig.

Nate: we're here! do you like the place? this is actually our rest house, dito ako madalas pumunta para makapag relax. Peaceful kasi and malamig, cozzy ang dating.

oh, giniginaw ka? sorry hindi kita nasabihan na magdala ng jacket.,

sinadya ko talaga na hindi sabihin sa kanya na malamig ang pupuntahan naming lugar para pag gininaw siya, mayayakap ko siya. hehehehe 

Josh: medyo, pero maganda ang lugar nato, its nice. di ko alam na may rest house pala kayo dito.

Nate: so since giniginaw ka, my arms are free.

Sabay akma kay Josh na yayakapin siya. ngunit nagpumiglas si Josh. After niyang magpumiglas napansin niyang namula ang mga pisngi ni Josh.

Josh: Nate! stop it! ano ka ba! gusto mo bang umuwi nalang ako? ha?

Nate: eto naman concern lang sayo kasi nilalamig ka, na hurt tuloy ako sa ginawa mo. This is the first time na may tumanggi sa aking mga yakap. Yung iba nga halos di na kumawala sa mga yakap ko at most of them is gusto pa ng kiss tapos kaw jan, pa ayaw ayaw pa, eh alam ko namang gusto mo din yung ginawa ko sayo.

Josh: ano? ako ginusto yung ginawa mo? hoi mokong wag mo akong itulad sa iba mong nakiringking noh! tska pag ginawa mo pa ulit yung ginawa mo, di talaga ako magdadalawang isip na umalis dito!. Shit! ano ba naman tong mokong nato! kakainis, baka di na ako makapagpigil, gusto ko naman talaga na yakapin nya ako, at syempre halikan pero dapat pa hard to get talaga ako sa kanya, kailangan na paghirapan niya ako bago makuha.

Nate: kakainis naman to oh! kailan kaya ako makaka first score sa kanya! basta alam ko, mahuhulog ka din sakin Josh.

Gamitin mo nalang tong blazer ko pra di ka ginawin, ayaw mo kasi magpayakap .

Tinanggal ni Nate ang blazer niya at siya pa mismo ang nagsuot nun kay Josh. Napansin niya na medyo nagulat at nailang si Josh sa ginawa niya, halata din nya na medyo namula mga pisngi ni Josh. Pag maputi nga naman.

Josh: Thanks! sabay ismid kay Nate,

ngumiti lang si Nate sa inasal ni Josh, sanay na kasi siya na inisin si Josh kasi ang cute kahit bago palang nila nakilala ang isa't isa.

Nate: halika na,.

sabay hawak sa kamay ni Josh. Di na napigilan ni Josh si Nate sa ginawa nito kaya sumunod nalang siya dito habang hawak hawak ang kamay niya ni Nate. buti nalang nakatalikod si Nate sa kanya dahil kilig na kilig na siya sa ginagawa nito sa kanya.

Habang naglalakad silang dalawa papunta sa loob ng rest house nila Nate, and of course magka hawak parin ang kanilang mga kamay. Nakita ni Josh na madaming mga rose petals na kulay red, pink and white ang nakakalat sa dinadaanan nilang dalawa,. Muli na naman siyang kinilig, para kasing nasa honeymoon silang dalawa.

Pumasok sila sa isang kwarto at pagka bukas ni Nate sa kwartong yun, namangha si Josh sa kanyang nakita, ang daming kandila na nakakalat sa room na sobrang bango, at tulad ng dinaanan nila puno ito ng mga rose petals at may mga balloon na kulay red na nakalutang na nasa may kesame lang.

sa may gitna, may nakita siyang table na for two, may wine at 3 roses. Sa gilid naman nito ay may piano na kulay white.

 Nate: Oh, did I surprise you? sabay ngiti kay Josh.

Josh: what's all of these?

Nate: I prepared it myself, pinaghirapan ko to, because I just want to make this first date a very memorable one. do you like it?

napatango nlng si Josh sa mga sinabi ni Nate sa kanya, hindi nya kasi alam kung anong sasabihin. He was in awe kasi naman diba, kaw ba naman isurprise ng ganito ng isang taong lihim mong gusto.

Hinawakan ni Nate ang braso ni Josh at inakay siya papunta dun sa dinner table.

Ang pagkaing nakahain dun ay isang Staek at di nagtagal kumain nadin sila.

Nate: Nagustuhan mo ba ang pagkain? ako nagluto niyan. pagmamalaki ni Nate kay Josh.

 Josh: ito? ikaw nagluto? ng staek na to?

Nate: Hindi, hindi, hindi, ikaw,. Diba kakasabi ko lang? ako nga nagluto diba? alangan naman ikaw.

Bigla silang napatawang dalawa, kasi first time na nag joke ng ganun si Nate kay Josh at ginaya naman nya ito. Di naman talaga natawa si Josh sa Joke na yun, pero napangiti lang siya kasi ang ganda tingnan ng mukhang nasa harapan niya ngaun na ngumingiti.

Josh: Di ko akalain na ginawa niya ang lahat ng ito, very romantic and sweet ang mokong na to, magaling at masarap pang magluto, hot guy pa, ano pa ba hahanapin mo. Kaya nga lang may isang tanong na nasa isip ko ngayon, kung single paba siya o baka naman may nagmamay-ari na sa puso nya.

Ang tanging alam ko lang ay kasama ko siya ngayon, kami lang dalawa, at masaya akong kasama niya. In other words, akin siya ngayon kahit may nagmamay-ari man sa puso niya.

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon