Hindi ko alam kung pano sisimulan to, ang alam ko lang habang ginagawa ko to pinapakanta kita ng "Sorry na, pwede ba". Pasensya na kung tinotoyo nanaman ako at eto nanaman yung trip ko na nakakabadtrip. Debale na, alam ko namang pag nabasa mo to matutuwa ka, kikiligin ka, at baka maiyak kapa.
"Wala naman akong pakealam kung wala kang talent sa pagkanta. Ang gusto ko lang naman kantahin mo yung mga paborito kong kanta, kahit namamali kapa sa tono at medyo nasisintunado. Wag ka mag-alala, bawi ka naman sa speaking voice. Kaya maayos padin pakinggan."