After 10000 years. Sa wakas, nagkaroon din ng day off si inday. Hindi na ko nag-aaral non sa FEU. Niyaya niya ko lumabas kasi daw may ibibigay daw siya sakin na stuffed toy. Ako naman excited kasi first time ko makakatanggap ng ganung regalo. Pano ba naman kasi, walang may lakas ng loob na magbigay sakin ng ganung gift dati kasi parang hindi daw ako mahilig sa baduy na stuffs at napaka laitera ko pa. Pero sa totoo lang sobrang naa-appreciate ko yun.
Balik tayo ulit sa matapang natin na bida. Nung binigay nya yon, sobrang natuwa ako at nagpapasalamat. Di pa nga ko nagpapahalata non kasi medyo nahihiya din ako tanggapin yung binibigay niya.
Niyaya ko siya sa KFC at linibre ko siya. Nahihiya pa siya umorder non pero pinilit ko nalang. Pansin kong hindi nya ako makausap ng maayos, kita ko rin sa kanyang tuliro siya. Kaya dinaan ko nalang sa biro para maging kumportable siya. Pinipilit ko siyang tumingin sa mata ko eh kasi yukong yuko siya non akala mo ang laki ng kasalanan pero ayaw talaga tumingin. Kaya kinalkal ko nalang yung bag niya, sabi ko pa non ang gulo ng gamit niya tapos ang laki ng bag niya puro naman papel at envelope ang laman. Ayun nung medyo naging kumportable siya, sa wakas nagsalita at nagkapagusap din kami. Sabi ko pa non, ang daldal niya sa facebook pero sa personal di ko makausap. Ayun natatawa na siya. Hanggang sa nagpaalam na ko, sabi ko sa kanya uwi na ko para hindi kami gabihin at tsaka baka pagalitan ako. Ang bait niya nun kasi, hinatid nya pa ko sa istasyon ng tren. Napaka-gentleman talaga.
Pag-uwi ko ng bahay, tinatanong ako ng mga tao sa bahay kung kanino galing yung stuffed toy na aso. Sabi ko, "sa kaibigan ko" pero parang ayaw pa nila maniwala at hinayaan ko nalang.
Agad agad ako bumili ng pambalot nun, at binalot ko sa plastic cover yung binigay niya para hindi madumihan. "Hotdog" pa nga pinangalan ko dun.
"Sino bang babae ang hindi mapapaamo sa ganitong klaseng regalo."