Act 24

1.2K 60 42
                                    

Mikaela de Yes

••nam's••

Isa akong marikit na binibini.

Mabait, maunawaiin, mahinhin, mayumi, hindi makabasag pinggan, at mahaba ang pasensya

Ahahaha ~, malumanay kong tawa.

Maamo kong tiningnan ang kamay na nakahawak pa rin sa aking braso kanina pa. Hindi naman sya mahigpit, sadya lang talagang sensitibo iyon kaya namumula, hindi talaga, ano ba.

Ahahaha, nakakatuwa naman. Kanina pa nya ko kinakaladkad at natutuwa talaga ako. Tuwang tuwa.

Gustong gusto ko nga to diba? Yung kaladkad here, kaladkad there. Lagi nga 'tong nangyayari sakin. Maliit na bagay. Omo, I super love it.

Isa akong marikit na binibini. What the next step should be? Ano ba ang dapat gawin isang marikit na binibini?

1. Baliin ang kamay nyang na nakahawak saking porselang braso? (kating-kati na ko gawin to)
2. Pilipitin iyon? (masyadong boring)
3. Tadyakan sya? (hindi maari nakasuot ako ng cute fluttering skirt)
4. Ingudngod sya sa lupa? (not bad)
5. Putulin ang kamay nya nakahawak sa sagradong balat ng isang marikit na binibini? (ay, wala nga pala akong dalang pangputol)

Okay, calm down self, isang kang marikit na binibini, lahat magaganda ang pagpipiliin, pero kailangang isa lang ang piliin, dahil, again, isa kang marikit na binibini, hindi gahamal.

I feel myself slowly smile.

Andito na kami sa kabilang panig ng student lounge na mangilan ngilan lang ang naroroon. Medyo malayo na rin ito.

Ohhh perfect to execute the murder, este, te-hee~ Isa akong marikit na binibini~

Pero bago ko pa man magawa ang isa sa mga iyon ay binitawan nya na ako at biglang humarap sakin.

Ohhhh, sayaangg naman.

He looked at me in the eyes.

"Ayos ka lang ba miss?"

Ahahahaha~ pektus gusto mo? Miss? So hindi mo na naman ako nakikilala tsonggo ka? Pwede matawa? Mga tatlo. A-HA-HA. Ang... hunghang!!

K, fine.

*marikit na binibini act mode on*

Katulad nung napanood ko sa ipinada ni monster, este, mother na mga paraphernalia na 101 ways how to a be fine young lady,

I slowly tucked some hair strands behind my ear, I looked up, slightly batting my eyes behind my glasses.

"O-okay lang." mahinhin kong sagot.

And behold, natulala ang tsonggo! Malinlang ka! Hunghang ka talaga tsonggo!

Hindi ko sya masisi. Maski ako man nagulat, akalain nyo yun? May ganoon pa akong boses? Parang totoo. I wonder, kung sumali kaya ako sa Teatro?

Nakatunghay lang kami sa isa't isa.

Kumusta ka na Parker? Kumusta na kayo? Si Kai, nag-aaway pa rin ba kayo? Bakit parang tumangkad ka na naman? Ang buhok mo, di mo naman ba pinapatulan?

Magagal tagal na rin ng huli ko syang napagmasdan ng mabuti ng hindi umiiwas katulad nitong ng mga nakaraan.

Tsonggo pa rin.

Ramdam ko ang unti unting pagpaiit ng ngiti ko.

"Pasensya na bigla nalang kitang hinila." Oh kinaladkad you mean?

I'm not a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon