Rose Village
"Mag-iingat ka. You should be careful enough not to cross path with them again."Goddamnit why!?
Sa lahat ng taong makakabunggo nya bat yung isa pa sa nakakasilaw na bombilya este isa sa Kings kuno?!
"Oh..." pinakatitigan si Nam nito "Its you again."
Natigil ang mga naglalabasan at dumadaan ng pasilyo, gayon rin ang mga babaeng lihim na nakabuntot sa nabunggo. Lahat napalingon.
Napakurap kurap si Nam habang nakatingala, napaupo sya roon sa sahig mula sa lakas ng pagkakabangga nya dito. Liban sa iritasyon sa impostor na bombilya ay ipinagtataka rin sya...
Ganoon na sya kahina para sya lang mapaupo sa sahig? Bakit parang hindi man lang natinag ang bombilyang impostor na ito?
Now, He's looking down on her literally and arrogantly just like a king.
This is too dangerous...
"Oh you dare looking at me shamelessly? Dont just fvckin stare. Bow down your ugly head." ani nito at biglang yumukod upang magkapantay sila kasunod ng....
Paghawak nito sa magkabilang pisngi ni Nam gamit ang isang kamay, he grip it to be exact, leaving only a centimeter gap between them.
Nang maramdaman ang kamay na nakahawak sa mukha ay bigla namang nanigas ang nakasalampak na dalaga.
"Are you deaf? I said bow down your ugly shithead. Huwag mong sabihin, tanga ka at hindi nakakaintindi?" it was whispered with a straight face and threatening voice.
Sa ilang nakarinig sa pasilyong iyon ay agad na nagsipag-atrasan. Sa mga nasa High Department, walang hindi nakakaalam na sa tatlong king, may isa silang dapat pakaiwasan kahit anong mangyari, kahit paggawa ng ingay at hindi nila maatim kapag nasa paligid ito lalo na't kung mag-isa lang ito at hindi kasama ang dalawang king na silang nagpipigil rito makasalanta ng mga nasa High Departments. At ngayon mukhang meroong masasalanta, dahil ang nakahawak ngayon sa mukha ng babae at ang kinatatakutan nila ay iisa.
Ice Villacruel, he live up to his name. The cruel and black bellied king. Pero bakit....
"Pftt." lahat sila napabaling sa babaeng nagpigil ng tawa, nakita pa nila itong nagtaas ng kamay at nagsimulang mag inhale, exhale. "S-sandali. Hu ha. Hu ha. Pft. Please continue."
Sinubukan ni Nam kalmahin ang sarili.
Bow down my head daw, yun lang pala e... pft. Anong akala nito sakanya aliping sagigilid?! Isa ba itong totoong royal blood a? Oy bombilya ka! Impostor! At itong kamay nakahawak sa mukha ko?! Pwe!!
*snap
"Pft--Gyahahahaha!" at ang kaninang pinipigilang tawa ay tuluyan ng kumawala. "Hahaha!"
Matapos pilasin ang kamay na nakahawak sa mukha ay nagpatuloy sa pagbunghawit ng tawa si Nam. Tuluyang napanganga naman ang mga naroon, habang medyo na buway naman sa pagkakayuko si Ice dahil sa may kalakasan ang pagkakapalis ng kamay nito sa mukha ng dalaga.
Sa isang pasilyong kung saan natigil ang estudyante, may isang partikular na estudyanteng nakasalampak sa sahig na halos kapusin ng hininga, may ilang luha sa mata, nakakapit sa tyan ang isang kamay, habang humahampas ang isa sa sahig. Kung akala nyo may malalang sakit sya, pwede rin, sakit sa pag-iisip, dahil hindi maikakaila sa mga oras na iyon walang nakakatawang pangyayari pero animo nananolo sa sangkaterbang bigas ang dalagang humahakhak. At ilang segundo rin ang lumipas bago ito natigil.
BINABASA MO ANG
I'm not a Gangster!
Teen FictionFOREWORD: A not so ordinary girl. A twisted and shattered cliche plot. A bunch of weird characters. Must read at your own risk. If so, let's just make sure to see each other at the story's unexpected ending.