Chapter 2

1.7K 48 16
                                    

Thunder's POV

Maayos naman na ang lahat muna nang araw na iyon pero may weird lang talaga na Hindi ko mawari kung ano iyon , since that day ay may weird na nangyayari Kay Ivan na lahat kami ay nag-aalala, meron yung time na masaya siya dahil may naibalita daw sa kanya na sobrang ikakasaya namin pero Hindi naman niya sinasabi sa amin, minsan naman para siyang pinagbagsakan ng langit ay lupa , haay ang weird talaga ng mokong na iyon

"Pa!" Rinig kong tawag ni Green sa akin

"Oh? Bakit? " ngumiti muna siya sa akin , nako mukhang naglalambing ang anak ko

"Wala naman Pa, namiss ko lang po kayo" yan ang isang gusto kong katangian sa kanya na namana niya Kay Rania, ang pagiging sweet and caring at sobra ang pagka attached sa isang bagay Kapag nilalambing

"Haay ikaw talaga, hahaha, nasaan ang mga kapatid mo?"

"NASA taas po, may pinagkakaabalahan na kung ano " nangiti naman ako sa sinabi niya , iyong mga batang iyon talaga mga makukulit namana rin Kay Tania, jusko feeling ko wala atang namanang iba ang mga anak ko sa akin, puro Kay Rania, wengya, ang unfair naman, nako naman Dehado kami ni Blue haha

"Nako, mga makukulit talaga sila" natawa siya at napailing

"Nasan na kaya si Mama?" Napatingin ako sa kanya at nakita Kong nakatingin siya sa langit, napaisip ako sa sinabi niya , tama na saan na kaya ang babaeng Mahal ko? Ang asawa ko? 6 na taon na akong nangungulila sa kanya, kami ng mga anak namin, wala na rin akong balitang nakakalap mula kila Mama, Simula nang umalis kami ng Pilipinas wala nang balita ang nakarating sa amin at isa iyon sa ipinagtataka ko pero Hindi ko na lang inisip

"Wala akong idea anak" napatingin naman siya sakin

"Nagalit po ba kayo noon ng mabalitaan niyong anak ako ni Mama Kay Papa?"

"Hindi" nakangiti Kong saan sa kanya

"Bakit naman po Hindi kayo nagalit?"

"Hindi ko naman siya masisisi, minahal niya ang Papa mo higit sa kanino man , at Hindi ako nagalit sayo dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit mulimg sumaya ang mundo namin ng mama mo"

"Sa paanong dahilan naman po?"

"Ikaw ang naging Sandakan namin nung mga panahong ayaw nang lumaban ng Mama mo sa mga kalaban namin, naalala ko pa noon na sobra siyang nasasaktan Kapag naaalala niya kung paano daw kung biglang may nangyari sayo o kung ano ano pa, hahaha ang paranoid niya di ba?"

Napatawa naman siya sa sinabi ko, naalala ko talaga na sobrang paranoid niya that time kung ano ano ang iniisip, tsk mga babae nga naman pero mahal na mahal ko ang babaeng iyon

"Opo hahaha, pero Hindi niya din naman po maalis sa kanya ang mga bagay na ganoon di ba po? Nag-aalala lang po siya para sa anak niya, ganoon naman po ang mga nanay di ba po?"

"Yeah ganoon nga"

Mahabang katahimikan ang nanaig sa amin natapos ang mga pinag-usapan namin about sa Mama niya, nabalik lang kami sa wisyo ng marinig namin ang pagkabasag ng kung ano sa loob kaya nagmadali kaming pumasok para tignan kung ano yon, halos mabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa loob

"Rania?" Mama?" Sanay naming saad ni Green ng makita kung sino ang nasa loob ng bahay

"Hey Miss me?"

Hindi ako magsalita at agad siyang pinuntahan at binigyan ng mabilis na halik sa labi at niyakap nh mahihpit narinig ko naman ang ilang pag tawa ng mga kasama namin dito

"Hahaha you miss me this much? Hey, can't breath baby"

Agad naman akong napahiwalay sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya, napasobra ata ang pagyakap ko sa kanya

"Saan ka ba nanggaling? Ang tagal mong nawala, at nabalita ring namatay ka" ngumiti kang siya sakin

"Sa malayong lugar, nag-isip ako ,nagpalakas, I miss you and I miss our kids too, and baby? I'm sorry Hindi ko naman ginusto iyon eh" umiiyak na saan niya sakin kaya niyakap ko siya, God knows how I miss this girl I'm hugging right now

"Hey okay na yun, so stop crying na, namiss ka rin naming lahat" ngumiti naman siya sakin at tumingin sa mga anak namin na ngayon ay umiiyak na rin pero bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na makita ang kanilang Mama

"Hey, don't you miss me?" Tawag niya sa kanila, lumapit naman sila samin at niyakap agad si Rania ng mahigpit

"We miss you Mom" sabay sabay nilang saad habang nakayakap Kay Rania, haay they really miss their mom indeed, syempre its been 6 years since the last time they saw her kaya miss na miss nga nila siya, ikaw kaya ang mawalay sa taong minamahal mo Hindi ka kaya mangungulila?

Nagstay pa si Rania dito samin ng ilang oras at nagpaalam na uuwi siya sa bahay para daw may kuhanin at babalik siya dito at dito na rin titira kasama namin, pero habang kasama ko siya kanina ramdam Kong may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya and that's what I want to know, kaya mamaya Kapag andito na siya no matter what happen kailangan Kong malaman kung ano iyon, kung ano ang tinatago siya sakin

Rania's POV

Alam kong ramdam ni Thunder na may gusto akong sabihin sa kanya pero Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya lalo na't alam Kong pinapasundan ako ni Light sa kung saan man ako magpunta ay buti na lang Hindi niya ako nasundan sa bahay nila Thunder, ayoko nang mapahamak pa ang mga anak ko at pati na rin si Thunder , ayoko nang madamay sila sa mga problema ko, Kailangan ko nang tapusin ang mga ito, ayoko na sawa na ako sa lahat ng pinaggagagawa niya, pagod na pagod na ako, kaya gagawin ko na ang dapat matagal ko nang ginawa noon

"Hello? Mag kita Tayo Bukas,ikaw nang bahala kung saan"

That Nerdy Girl Is A Mafia Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon