Chapter 9

394 10 8
                                    

Someone's POV

Germany 0818

Nakatingin lang siya sa malawak na syudad ng Berlin sa Germany, nang maya maya ay may kumatok. Tumingin siya sa pumasok at nakita niya ang kanyang secretary na may hawak na isang envelope. Agad namang itong biningay sa kanya at nagpaalam. Pero bago ito makalabas ay nagsalita muna ito.

'Entschuldigen Sie Maam, er ist hier' (excuse me ma'am, he's here)

'In ordung' (alright)

Napabuntong hininga siya ng makaalis ang kanyang secretary habang tinignan naman niya ang laman ng envelope at hindi niya mapigilang mapangiti sa nakita.

'At last everything is going as it was planned'











Rania's POV

Nakaayos na kaming lahat at handa na para umalis. Nauna na sila Kuya sa beach house na pupuntahan namin habang kami nila Thunder na lang ang naiwan dito sa bahay kasama ng mga bata. Yung van ang gagamitin namin dahil madami kami at para sama sama at konting bonding na din habang papunta sa brach house. Sa loob ng sasakyan, magkatabi sina Kyle at Kaizer, then susunod naman ay ang Twins na nasagitna naman si Green and then ang triplets tapos sa likod naman ang mga gamit namin. Nakikita ko namang masaya silang lahat ang mukhang excited. Si Thunder ang driver habang ako naman ang nasa passenger seat.


Inabot na ng isang oras ang pagbibiyahe namin at naisipan namin na mag stop over muna sa NLEX. Nang makapag park na si Thunder ay binalingan ko naman ng tingin ang mga anak namin sa likod. Nakita ko ding nagising ang twins at nagkusot ng mata. Ang triplets naman ay nag aayos na. Habang si Kyle at Kaiser at nakaback pack na. Natawa naman ako ng nakitang tulog pa si green, napatingin sakin si Thunder ng marinig na natawa ako kaya tinuro ko si Green, natawa din si Thunder, nakita ko ding tumayo sila Kaizer and Kyle at lumingon sa likod. Natawa din sila ng nakita si Green na natutulog na nakanganga pa. Gwapo pa din naman ang anak ko. Haha

'Ewww Kuya Gween, tuyo waway' Bulol na natatawang sabi ni Kyle , natatawa namang tumango si Kaizer. Napatingin naman ang twins sa kuya Green nila at nanlaki ang mata at maya maya ay humahagikgik na din sila. Maya maya ay nakita kong parang nagigising na si Green, nagdilat na siya ng mata at nakitang nakatingin kaming lahat sa kanya. Agad namna siyang umayos ng upo at nag aayos ng sarili. Bahagya ding makikita ang pamumula ng pisngi niya, sensyales na nahihiya siya.

Napatawa na lang kami ni Thunder at niyaya na silang bumaba para kumain. Nang makababa na kaming lahat ay nakita kong inalalayan ng Triplets sila Kaizer at Kyle. Hawak hawak ni Traze si Kyle habang si Trey at Trave naman ang kay Kaizer, masyado kasing malikot si Kaizer kaya marahil sila Trey at Trave ang umaalalay sa kanya. Nakita ko namang nakatingin lang si Kyle kay Traze at maya maya ay ngumiti na at nagsimula na silang maglakad papasok ng convenient store. Napangiti naman ako sa aking nakita at pumasok na din sa loob. Nakita ko anamn si Thunder na buhat buhat ang twins na kumukuha ng mga gusto nilang pagkain. Napansin ko naman si Green na nakatingin sakin, nginitian ko naman siya at lumapit dito.

'May napili ka na bang bibilhin nak?' Tanong ko sa kanya, umaling naman siya sabay sabing 'wala pa ma' tumango naman ako, at sinabihan siyang pumili na at malayo layo pa yung biyhae. Tumango naman siya ang nilapit ang triplets na kanina pa hindi magkamaway sa pagkuha ng pinapakuha ni Kaizer habang si Kyle ay nakatingin lang sa kuya Green niya na papalapit habang kumakain ng hotdog. Napailing na lang ako kay Kyle, ang batang iyon napaka hilig sa hotdog.

Nagsimula na din akong kumuha ng pagkain at nagbayad na din. Umupo ako sa upuan at naghintay na matapos na yung pamimili ng mag aama ko. Nakatingin lang ako sa labas ng may mahagip ang mga mata ko. Isang itim na sasakyan na nakaparada ilang metro ang layo sa convenient store, agad kong tinignan ang plate number. Wala. Tinignan ko ang mga mag aama kong busy pa sa pamimili, kaya dali dali akong lumabas ng hindi nila napapansin. Dahan dahan akong pumunta sa likod ng itim na sasakyan, at hinugot ko yung isang kunai na nasa loob ng boots na sapatos na suot ko. Bumaling ako sa kaliwa ng sasakyan at nakitang bukas ang bintana nito at parang may hinahanap. Sinasabi ko na nga ba, sinusundan kami ng hayop na to.

Pinindot ko ang button sa dulo ng kunai kaya bahagyang humaba ang talim nito at ng akmang lalabas ang driver nito ay agad ko itong tinutukan ng kunai. Napatingin ito sakin ng may naglalakihang mga mata at bahagya pang lumulunok, at kita ko ding parang natatakot na pinagpapawisan ito.

'Sino nag-utos na sundan mo kami?' Mariing tanong ko dito habang mas dinidiin pa ang kunai sa leeg niya, pasimple din akong tumtingin sa convenient store baka kasi bigla na lang lumabas sila Thunder at hanapin ako at makita ito. Ayoko naman na makita ng mga anak ko ang ginagawa ko ngayon.

'Siya, alam ko namang kilala mo siya. Pinapasabi lang niya na ingatan mo ang pamilya mo, dahil konti na lang magsisimula na siya, babalikan ka niya. Babalikan niya kayo'

Napatigil ako ng bahagya at gigilitan na sana siya ng makita kong parang hinahanap na ako nila Thunder. Sinaksak ko na lang siya sa balikat at nakita kong napapikit siya at kitang kitang nasaktan siya sa ginawa ko.

'Tantanan niyo na ang pamilya ko, hindi ako makakapayag na guluhin niyo pa ulit kami'

Nagsimula na akong maglakad nang magsalita ulit siya. Dahilan nang pagbabato ko sa noo niya ng kunai na siguradong ikakasanhi ng agaran nitong pagkamatay.

'Alam niya ang lahat'

Alam man niya o hindi. Isa lang ang sinisigurado ko, hindi siya magtatagumpay. Lalo na ngayong hindi lang naman ako nag-iisa

Binalikan ko na sila Thunder na naghihintay sa may sasakyan. Agad akong nakita ni Green at tinuro ako kay Thunder. Bigla na lamang akong niyakap ng aking asawa sabay na binigyan ng agarang halik sa noo. Natatawa naman akong kumalas sa yakap niya.

'What happened? Sandali lang ako nawala nag CR, masyado mo naman ata akong namiss' natatawa kong sabi sa kanya, niyakap niya ulit ako sabay sabi ng 'akala ko nawala ka na na, na iniwan mo na ulit kami' tumingin ako sa kanya at umiling. Hindi na ako aalis, hinding hindi na. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa inyo ng mga anak natin. Hindi pa ito ang tamang oras, padating na siya.

Kailangan mag ingat nasa tabi lamang ang kalaban. Kalaban nga ba o kakampi? Sino ka nga bang 'siya?'' Ikaw ba ay 'ikaw' or ikaw ba ay 'siya'














**

Update ulit. Sorry of lame. Nag iisip ng magandang storyline ang inyong author hihi. Thank you sana nagustuhan niyo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerdy Girl Is A Mafia Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon