Chapter 8

214 3 1
                                    

Thunder's POV

Nakita kong pababa na ng hagdan sila Kyle and Kaizer habang nasa likod naman nila si Rania na inaalalayan sila pababa. Nang makababa na sila ay agad silang tumakbong dalawa sakin.

'Papa!' Sabay na sigaw nila habang tumatakbong papalit sakin. Natatawa ko naman silang niyakap at binuhat. Tumingin ako sa kanila at napansin na nakabackpack sila pareho. Ang justice league ang kay kyle at ang spiderman naman kay kaizer. Kyle really loves that backpack, yan na lang naman ang natitirang alaala sa kanya ng daddy niya.

Napatingin naman ako sa asawa ko ng makalapit siya samin. Ngumiti siya habang ako ay hinalikan siya sa noo.

'Ang triplets?' Tanong niya sakin. Binaba ko muna yung dalawa sa sofa at pagkatapos ay binalingan si Rania. 'Hindi pa din sila lumalabas ng kwarto buhat nang dumating si Kyle' bulong ko dito. Napabuntong hininga naman siya habang napatingin kay Kyle at Kaizer na naglalaro na ng lego na hindi ko alam kung san nanggaling, mukha namang napansin ng asawa ko ang pagtataka ko kaya siya na ang sumagot sa tanong ko 'nasa backpack ni Kaizer yang mga lego na yan, at lagi niya yan dala pag aalis' natatawa niyang sabi kaya natawa na din ako.

Lumipas ang ilang minuto at nakita namin na bumababa si Green. Agad naman siyang bumati samin ng mommy niya at binigyan ng tigisang halik si Kyle at Kaizer sa noo.

'Hindi ba sasama yung 3?' Tanong ko dito, nakita ko naman ang pag iling niya. Napabuntong hininga na lang ako at binalingan si Rania na nakatingin lang sa hagdan at maya maya ay tumayo siya.

'San ka pupunta?/ San ka po pupunta mama?' Sabay na tanong namin ni Green. Hindi niya kami sinagot at agad siyang umakyat sa taas. Napatingin ako kay Green na nakatingin na din pala sakin. Umiling ako sa kanya at binalingan na lang ng tingin ang dalawang bata na nag lalaro.


Rania's POV

Hanggang kelan magmumukmok yung tatlong batang yun? Akala ba nila ay pagbibigyan ko sila? Kapatid nila si Kyle at kailangan nilang maunawaan at mahalin ang kapatid nila. Bago may mangyaring hindi maganda. Dumiretso ako sa kwarto nila at kumatok, nang wala akong narinig na sagot ay binuksan ko na ang pinto at pumasok na dito.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang maaliwalas na kwarto ng triplets, organize na organize ang mga gamit, aakalain mong walang natutulog at namamalagi sa kwartong ito. Napangiti ako ng mapunta ang paningin ko sa king size bed nila at nakitang natutulog pa ang mga ito at pare parehong nakasuot ng onesies nila. Lumapit ako sa kanila at dahan dahang sinuklay ang mga buhok nila ng kamay ko at binigyan sila ng tigisang halik sa noo.

Napaungol naman sila kaya mas lalo akong pangiti, nakita ko naman na nagdilat ng mata si Traze at ngumiti sakin. At maya maya ay nagsidilat na din sila trave and trey at binigyan ako ng tigisang halik sa pisngi.

'Hindi ba kayo sasama?' Tanong ko sa kanila ng nagsimula na silang umupo sa higaan. Nakita ko namang nagtinginan silang tatlo, napabuntong hininga na lang ako sa tinignan sila.

'Mga anak? Ayaw niyo ba kay Kyle?' Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila nakasagot kaya nagtanong ulit ako. 'Ganyan pa din ba kayo kay Kaizer? Kawawa naman sila, sa inyong lahat, si kyle ang  nakaranas na hindi ako makasama habang lumalaki, hindi ko man lang siya nasubaybayan habang lumalaki, yung mga birthday's niya? Yung tuwing nagkakasakit siya? Wala ako don, hindi ko alam kung ayos lang ba siya? Kung nakakakain ba siya ng mabuti or hindi. Kaya sana naman bigyan niyo ng chance si Kyle after all kapatid niyo naman siya. Kahit para kay mommy na lang please?' Tinignan ko sila ng may naluluhang mga mata at nakita ko ding naiiyak na sila. Ilang sandali lang ay niyakap na nila ako habang sinasabi ang mga katagang.

'We're sorry mommy, naging insensitive kami nagselos lang naman kami kasi mag bagong baby na naman sa bahay. Tapos baka hindi niyo na kami pansinin nila daddy. Yung twins nga lagi na lang nakikipaglaro kay Kaizer and Kyle kami hindi na nila pinapansin' Traze

'It's true mommy, parang ayaw na nila kami kalaro' Trey

'Even Kuya Green, he likes to play with Kyle more' Trave

Napangiti ako sa mga sinasabi nila, kaya naman pala sila nagiging mailap kasi nagseselos sila at akala nila hindi na namin sila mahal

'Triplet's we love you so much. Kami nila Daddy niyo, kuya Green loves you too. And also the twins and si Kaizer. Naninibago lang kasi si Kyle that's why sinasanay pa siya ng mga Kuya mo at yung twins at si Kaizer. Try na makipag laro ulit sa kanila. Lalo na mamaya, may pupuntahan tayo. ' nakangiti kong sabi sa kanila. Nakita ko namang tumango sila at nagpunas ng mga luha at sabay sabay na tumayo.

'Gayak na kami mommy, para makapag bonding na ulit kami sa kanila. And we promise na iapproach na din si Kyle' Trey and I looked at them and smile. Nakita ko ding tumango sila Trave and Traze na parang sinasang ayunan ang sinabi ni Trey. I mouthed 'thank you' at tumuloy na sila sa banyo at nag ayos na. Tumayo na din ako at lumabas sa kwarto ng triplets, nagulat pa ako ng paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Thunder na nakasandal sa katapat na kwarto at parang hinihintay ako. Napangiti naman ako saka pumunta sa harapan niya. Napaangat naman siya ng tingin at ngumiti din sakin ng makita ako.

''Nakausap mo na sila?' Tanong niya, tumango naman ako at inaya siyang bumababa at doon na lang hintayin ang triplets. Nakita ko ding kasama na nila Green ang twins na masayang masayang naglalaro ng barbies sa isang gilid. Nang makita ako ng twins at agad nila akong tinawag.

'Mama!' Sabay na tawag nila at dahan dahang tumayo. Nakita ko namang nakasuot sila ng parang pang princess na damit, I bet si Green ang tumulong na maghanap ng susuotin ng twins na siya na din ang nagsuot nito sa kanila.

'Ang pretty naman ng mga babies ko' nakita ko namang napahagikgik sila at niyakap ako sa binti. Yumukod naman ako at niyakap din sila. Napabaling naman ako kila Green na naglalaro sa isang tabi, napangiti ako nang makita na nakakandong si Kyle sa kanya. Kyle really likes Green as his kuya.

'Close talaga si Kyle kay Green' napatingin ako sa nagsalita at nakita na si Kuya Law pala yun. Binati ko naman siya ng ngiti sabay sabi ng 'oo, feeling ko nga kaya siya ganyan kasi si Green ang unang taong nagpakita ng care sa kanya.' Nakangiti kong sabi. Natutuwa ako na open na open ang mga kuya ko sa mga anak ko. At natutuwa din akong tanggap nila sila kabila ng iba't iba sila ng tatay.

'Hindi kita hinuhusgahan Rania, pero hanggang kelan mo ba itatago ang lahat? Hanggang kelan ka magsisinungaling samin? Hanggang kelan? Maawa ka naman sa pamilya mo, hindi lahat ng oras maiintindihan ka namin. Ilang taon ka nawala. Pero hindi ka namin tinanong, hinihintay namin na ikaw mismo yung magsabi samin ng totoong dahilan ng lahat ng ito. At ang totoong dahilan kung bakit isa isang lumalabas ang mga anak mo o anak mo ba talaga sila? ' Hindi ko pinahalata na nabigla ako sa sinabi ni Kuya Law, lalo na dun sa huli. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa totoo o alam na ba nila ang totoo .


Bumaling ako ng tingin sa kanya sabay sabi ng 'anak ko man o hindi. Anak ko pa din sila. Ako ang nanay nila. Ako man ang nagluwal o hindi. Sakin sila. Walang ibang makakakuha ng mga anak ko kuya, walang iba. At hindi ako makakapayag na mawala sila. Minsan na silang nawala sakin at hindi na ako makakapayag na maulit ulit iyon. Hindi na. Magkamatayan man, ipaglalaban ko ang mga anak ko. '




Lumabas ako sa garden at napatingin sa kalangitan, mapait akong napangit habang ibinubulong ang mga katagang








'sana nga ako na lang ang nanay nilang lahat'



















**

Hi readers. May mga nagbabasa pa ba? Haha sorry na. Nadelete kasi yung wattpad ko and nakalimutan ko yung wattpad username and password ko. Matagal tagal bago ko nahanap hehe. So ayun. Araw araw na ud na ito ulit. Kasi meron na akong draft sa word irerevise and publish ko na lang dito.

Happy Reading folks. Iloveyou all. Keep supporting please.

That Nerdy Girl Is A Mafia Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon