Chapter #4: The Girl behind that Face

1.1K 46 106
                                    


Honey's POV

Sa wakas class dismiss na! May tatlong oras pa kami bago magshoot ng bagong eksena.

Title nga pala nung story. "The best thing I never had."

"Honey, Di ka ba sasama samin?" tanong ni Daniel, Ewan ko pero parang ayoko sumama eh. Pupunta lang naman sila sa Library at canteen.

"Hmm, hindi muna siguro. Matutulog muna ako dito." sabi ko sabay turo sa ilalim ng puno. Favorite Place ko ito eh!

"Sige ingat ka ah! bye." sabi ni Briel sabay kiss sa pisngi ko. Kahit kailan talaga. Ang sweet niyan. Ilang saglit pagkaalis nila. May parang kakaiba sa likod nitong puno.

Paglingon ko, nakita ko si Austine na kasama yung isang girl. Napabugtong hininga na lamang ako.

Playboy talaga! hindi ko na lang pinansin pero nakikinig na lang ako nang biglang makita kong naglalakad mag-isa si Chichi.

Siguro hinahanap niya si Daniel. Ang cute nga nila magkasama eh. Napalingon sa direksiyon ko si Chichi at tinawag ko siya gamit ang Sign Langguage.

Natawa naman ako sa reaksyon niya, pero lumapit siya sakin. Sinenyasan ko na tahimik kasi nakikinig kami sa Usapan nina Austine.

"Baby, Kailan mo ba ako ipapakilala sa parents mo?" Sabi nung isang girl. Napalingon ako sa kasama ko. Yung mukha ni Chichi parang nakanguya ng okra. Diring diri siya grabe.

"Alam mo naman siguro na wala pa akong dinadala kay Mommy and you know naman na hindi pa ako nagseseryoso sa babae." Sabi ni Austine. Ang baliw naman nung girl.

Niloloko siya ng harapan tapos. Haissttt. "Bakit baby? Balita ko may nagugustuhan ka daw na babae ah! is that serious or Ako ba yung girl na sinasabi ng Friends mo?" Sinabi nung girl ng may maarteng accent.

"No baby, hindi ikaw yun pero Seryoso ako dun sa taong yun. And I'm sorry let's break up." Sabi ni Austine dun sa girl. Wait! Si AUSTINE nagseseryoso.?

Napalingon ako kay Chichi na halatang nagulat din, nagngitian kami. "I love you Austine, But I have to let you go." sabi nung girl kay Austine sabay walk out.

"If she only knew kung gano ko siya kagustong ligawan, It's been 5 years. But I'm still scared, tsss. Ganito ka ba kahirap mahalin Chichi." Sa pagkasabing yun ni Austine. Pareho kaming nagulat ni Chichi.

All this time si Chichi lang pala yung minahal niya. "So, Ganun ka pala katorpe Mr. Austine, but unfortunately your secret is already been heard." Hindi ko napigilan magsalita sa nalaman ko.

Napalingon si Austine sa likod ng puno at nakita niya kami ni Chichi. "W-wait. k-kanina pa ba k-kayo diyan?" Sabi ni Austine habang halatang kinakabahan at nauutal. "Oh yes! What a beautiful confession. Sige alis na ako. Ipapaubaya ko muna sa inyo ang Moment na to!" sabi ko sabay escape na dun.

Nilingon ko sila pero natatawa ako kasi halatang naiilang sila, bahala na nga sila. Habang naglalakad ako sa hallway. May narinig akong nagpi-piano sa music room. Pumasok ako at nagtago sa may sulok, hindi naman ako napansin nung tumutugtog kasi nakapikit ata siya.

"I tried to run from your side but each place I hide it only reminds me of you." WAIT! Is that Lily? Bakit naaalala ko si Aliyah sa kanya, Kung paano sya tumugtog ganun na ganun tumugtog si Aliyah.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa taong nagpapiano. Napahinto siya nung naramdaman niya yung kamay ko na humawak sa balikat niya pero hindi siya lumingon.

"By any chance, Kilala mo ba si Aliyah? Bakit parang parehong-pareho yung paraan niyo ng pagtutog?" Sabi ko at ayan na naman ang ngiti niya na sobrang nakakapagpakaba sa karamihan saamin. Lily, sino ka ba talaga?

Academy of Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon