Chapter #6: Hide and Seek

1.2K 51 204
                                    

Chichi's POV

Wala namang masyadong nangyari ngayong araw. Normal lang din naman..

Masasabi kong normal kasi may asungot pa rin na Austine na yun hindi tumitigil sa kakasira ng Ultimate Love Story ko kay Daniel My loves.

Dumating na yung mga sikat sa room. Sinalubong ko agad si My loves tapos ayun as usual Pabebe pa rin..

Di na lang kasi mahulog sakin at ng matapos na 'tong pagpapapansin ko eh!

Nagtataka kayo kung bakit maaga ako? Hay syempre. Diba nga nangako ako na 'Di na male-late kahit kelan kaya sige panindigan natin.. ahaha nandamay pa!

Lalapitan ko sana si My loves sa upuan niya kaso bigla siya inakbayan ni Austine. Kainis talaga..

"Alis. Kahit isang araw lang.. Wag ka ngang epal." Sabi ko sabay tanggal ng braso niyang nakaakbay kay My loves.

"Ano bang problema mo. Hindi mo ba matanggap na ayaw talaga sayo nung tao. Tapos Iiyak ka sa dulo kasi masasaktan ka tapos ano? sisisihin niyo kaming mga lalaki.. Mga babae talaga!" Sabi ni Austine..

"WOAHHHH" sigaw ng mga panget niyang Alipores.. Hay nako! kailangan may Audience Impact pa!

"Excuse me lang asungot ah!! hindi porket--"Pinutol niya yung sasabihin ko

"DAAN NA!" sabi niya sabay gumilid..

pagkasabi niya nun.. nagtawanan lahat ng mga kaklase namin.. Pati si My loves..

Pulang-pula na ata ako sa sobrang Pagpapahiya ng asungot na yan..

"BADTRIP KA ASUNGOT!! If I know, Gusto mo lang talagang agawin sakin si My loves kasi Bakla ka at di mo lang maamin." sabi ko with matching Taas kilay pa para bongga.

"WOAAAAHHHH BAKLA DAW PRE!!" sigaw ng mga Kaibigan niya..

Nakatingin samin Si My loves kaya hindi ako magpapatalo sa pangit na Austine na to! I must impress my Loves.

"ANONG SABI MO?" Halatang inis na sabi niya...

Habang nakatitig ng masama at papalapit sakin.

"Do I need to repeat every single word na sinabi k-- HEY!!"

"WOOOOOAAAAHH!WWWW" Nagsisigawan na sa room.. Halos lahat..

Nagulat ako kasi bigla ako tinulak ni Austine sa may pader.. tapos binakuran niya ako ng dalawa niyang kamay sa magkabilang side.

"HOY ALISIN MO NGA YAN!" sabi ko pero ayaw niyang umalis kahit tinutulak ko siya..nagsisigawan pa rin sa room.

"Bakla ako diba? pero bakit ka namumula?" Tanong niya.. putek namumula ba ako?

Kinakabahan OO.. Ang lapit niya kasi sakin.

"S-shut up! alis. Nanonood si M-my loves." Sabi ko sa kanya.. nakatingin nga kasi samin si My loves...

"Gusto mo patunayan ko sayo na hindi ako bakla?" Sabi niya.. and again naghiyawan na naman ang mga kaibigan niya..

Tinignan ko siya.. Nakangiti siya sakin.. Tumingin ako sa mukha niya.. Wait ano ba nasa isip ko..

Bakit parang gumagwapo siya?

"Ano speechless ka na sa kagwapuhan ko?" Tinitigan ko siya ng masama. It's not the time for his face..

He looks like a monkey anyway.

"No need for the evidence. Kasi halatang-halata naman na BAKLA KA TALA----ga." Wala na akong marinig kundi palakpakan ng mga kaklase namin at hiyawan..

Academy of Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon