@Bridge (PART17)

10 1 0
                                    



Maagang nagising si Shinny para sa paghahanda nya sa pag-alis nila ni Bryle mamaya. Hindi niya alam kung ano ang damit ang kanyang gagamitin kaya't pinuntahan nya si Bernadette upang magpatulong. 

Pinuntahan nya ito sa kanyang kwarto at kumatok.


''Sis?'' *katok* ''Sis?''


''Teka lang!''


Inantay ni Shinny na buksan ni Bernadette ang pinto


''Huy? Bakit?''


''Uhmmm..magpapatulong sana ako''


''Huh? Saan?''


''Pagpili ng damit''


''Bakit? May pupuntahan ka ba?''


''Oo, niyaya ako ni Bryle na bumili ng damit para daw sa kaibigan nya''


''Ay?! TALAGA? Aysows!''


''Mali yang iniisip mo ah!''


''Bakit? May sinabi ba ko?''


''Eh wala pero tulungan mo na ko ah!''


''oo na! Magdadate lang kayo e!''


''Huh?!~''


''HAHAHA JOKE LANG! DALI!''


''Haaays!''


Agad na namili si Shinny ng kanyang susuotin para mamaya. Nagsukat ng mga damit si Shinny at sapatos na magiging kumportable para sa kanya. 

Sa kabilang dako, tarantang taranta si Bryle sa kanyang susuoting damit. Nahihilo na ang kanyang kaibigan kakalakad ni Bryle sa kanyang kwarto. 

Pareho nilang pinaghandaang dalawa angg araw na to kahit na walang ibig sabihin ang lahat ng ito sa relasyon nilang dalawa. 

Pagkatapos noon ay sinundo na ni Bryle si Shinny sa bahay ni Bernadette at habang naghihintay panay tingin sya sa side mirror ng kanyang kotse para tingnan kung maayos ba sya.

Ilang saglit lamang ay lumabas na si Shinny. Nanlaki ang mga mata ni Bryle at pinagpawisan ito nang makita nya si Shinny habang papalaba ito ng pintuan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Path for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon