@ThePracticeHall (PART9)

14 1 0
                                    


SHINNY'S POV

''Mama? Saan po kayo pupunta?'' 

Tanong ko kay mama habang naglalakad papunta sa labas


''Mama?'' sinundan ko ito at ng pagkalabas ko ng pintuan ay wala na ito


''Mama?! Nasan na po kayo?''


''Alagaan mo ang sarili mo palagi'' isang boses ang aking narinig habang hinahanap ko si mama.


''Mama?! Asan na po kayo! MAMAAAAA! T_____________T sasama po ako! mama!''


*TING~~


''Shinny! Shinny! ano bang nangyayari sayo?! Gising!''


''Si mama?! Nasan si mama? Mama!'' sabay takbo sa higaan ni mama at agad itong niyakap.


''Ano ka ba Shinny! Binabangungot ka lang''


''Ang sama ng panaginip ko tita  :( ''


''Gutom ka na kasi, kagabi ka pa hindi kumakain, halika kain kana dito nagdala ako ng kanin at ulam''


''Salamat po tita''


Sandaling tumahimik ang paligid  ng mga oras na yun, mga tunog ng mga aparato lamang ang aking naririnig


''Yang mama mo?''


''Po?''


''Siya ang pinakamabait sa aming magkakapatid, lahat ng gawain sa bahay e halos iako na nya sa sarili nya, parang kakambal na nya yung mga gawaing bahay ee''


''Ganun po ba? Madalas ko nga pong naabutan si mama na naglilinis ng bahay, naghuhugas ng pinggan, naglalabas, nagdidilig. Kapag kinukuha ko naman e ayaw nyang ibigay.''


''Nang mamatay yung tatay mo, mas lalong tumahimik yan, hindi na nakakasabay samin sa tuwing namamalengke, kahit makipagkwentuhan wala na rin, sobrang mahal na mahal ng mama mo ang tatay mo, kaya siguro hindi parin nyang matanggap ang pagkawala ng papa mo''


Wala na kong ibang masabi kundi titigan nalang si mama mula sa kanyang kinahihigaan.


''Gagaling ka mama''


''^________^'' isang malaking ngiti ang ibinigay sa akin ni tita sabay akbay


School


''Sis! Dali!''


''Teka hindi naman aalis yung listahan para sa pageant''

Path for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon